Chapter 29: The Past Unleashed
Ella Guevarra’s POV:
“We’re here.” Masiglang wika ni Johanna. Nakita ko naman kaagad ang mga batang tutulungan namin. Nakita ko rinang mga kasama naming volunteer sa isang puting tent. Doon nakalagay ang iba’t-ibang pangangailangan ng mga residente tulad ng gamot, pagkain, malinis na damit at pantulog na banig at kumot.
Grabe, kawawa naman sila. Buti nalang at may mga mabubuting taong katulad ni Mr. Aquino na nagkakawang gawa. Ano kayang itsura nya? Matanda na kaya sya?
“Ella, halika ipapakilala kita kay Mr. Aquino.” Pagtawag sa akin ni Johanna. Kaagad naman akong sumunod sa kanya.
Naglakad kami palapit sa putting tent. Ilang sandal pa ay nakita ko ang isang lalaking hindi pa katandaan at nakasalamin. Siguro na sa may 40’s na ung age nya. Maputi sya at maganda ang mga mata.
“Mr. Aquino, this is Ella. Gusto din po nyang tumulong dito sa foundation.” Pinakilala na ako ni Johanna saka naman nya inintroduce si Mr. Aquino sa akin.
“Ella, si Mr. Aquino. Sya ang namamahala sa foundation.” Wika ni Johanna. Binigyan naman ako ni Mr. Aquino ng isang ngiti. Ngumiti din naman ako paballik.
Sinabihan nya kami ni Johanna na tumulong na daw kami sa pagbibigay ng mga gamit.
“Ella, bakit mo pala naisipang sumali dito sa foundation?” Tanong naman ng isa naming kasamahan. Nakakatuwa naman at marami na aong nakikilala at nagiginga kaibigan.
“Wala nama. Masarap kaseng tumulong sa mga nangangailangan.” Sumang-ayon naman siya sakin.
Habang nag-aabot ng mga pagkain ay bigla syang nagsalita.
“Alam mo, napakabait ni Mr. Aquino. Suma-sama sya sa iba’t ibang operation atfoundation sa iba’t-ibang lugar dito sa pilipinas. Dati syang businessman pero mas pinili nyang ibahagi sa mahihirap ang mga pera nya.” Wika nya. Mas lalo tuloy akong naging interesado sa pagkilala ni Mr. Aquino.
“Talaga? Wala ba syang pamilya?” Tanong ko naman. Nag-abot naman sya ng damit bago sumagot.
“Nako Ella, hindi ko rin alam eh. Hindi din naman nya naiku-kwento ang tungkol sa buhay nya. Basta ang sabi nya, masaya sya at nakakatulong sya.” Sabagay. Hindi na siguro importante ang nakaraan basta makabuluhan ang kasalukuyan at hinaharap mo.
Nang matapos na kami sa pagbibigay ng relief ay pumunta muna ako sa isang gilid atsaka umupo.
“Doing great.” Biglang may boses na nagsalita. Nakita ko naman na si Mr. Aquino na papalapit sa akin.
“Ang saya po pala pag nakakatulong sa iba hindi po ba?” Sabi ko. Umupo muna sya bago sumagot.
“Oo masarap nga lalo na’t wala na din naman akong pamilyang matutulungan ay mas mabuti nang ipamahagi ko nalang ang lahat ng meron ako.” Wika ni Mr. Aquin saka ngumiti. Bakas sa ngiti nya ang lungkot na nararamdaman.
“Mr. Aquino, tanong ko lang po, nasaan po ang pamilya nyo?” Natigilan muna si Mr. Aquino sa ka sumagot.
“Iniwan ko sila.” Naguguluhan ako. Iniwan? Panong iniwan?
“P-po?” Tanong ko bilang paglilinaw.
“Alam mo Ella, ang laki ng kasalanan ko sa kanila. Ngayon, hindi ko alam kung paano ako makakabawi sa kanila.” Bakas sa mukha nya ang pagsisisi.
“Mr. Aquino.” Hindi ko alam ang sasabihin ko.
“Masyado akong nagpadala sa luho at sa tukso. Nalimutan ko ang mga taong mahahalaga sa akin at tunay kong kaligayahan. Napakalaking pagkakamali na iniwan ko sila.” Ngumiti sya ng mapait at nagpatuloy.
“Alam mo, Ella, in life we often get those misjudgements. We often judge things the other way around. Umikot ang buhay ko sa pera. Akala ko it’s my happiness, but it is not. I have 3 handsome sons. Siguro ung isa graduating na ng highschool kung hindi lang sya napahamak.” Nakita ko sa mga mat any ang labis na pagdaramdam dahil nawalan sya ng isang anak.
“I’m sorry po.” I felt sorry sa lahat ng narinig ko. How miserable life is?
Unti-unti akong nakagawa ng conclusions. No, impossible.
“Tapos ung twins ko, they don’t look identical pero sa kilos nila at pag-iisip, parehong-pareho.” Wait, wala namang kakambal si Mico diba?
Hindi ko alam pero ang gulo. Pinagpatuloy ni Mr. Aquino ang pagsasalita.
“I was closed to my twins, hanggang sa isang araw, one of my them witnessed my affair with another woman.”
“Mico.” Hindi ko alam pero biglang bumukas ang bibig ko at ilinabas ang pangalan ni Mico. Ikinagultat naman ni Mr. Aquino ang sinabi ko.
“Y-you know him?” He was stuttering. Bakit? Tama ba ako? Tama ba ako na ang lalaking kaharap ko ay ang ama ni Mico?
“He’s your son right?” Napayuko si Mr. Aquino.
“I like him sir.” Nagulat naman si Mr. Aquino at biglang napangiti sa sinabi ko.
“Mico is lucky to have you Ella.” Wika nya. Confirmed ko na na sya nga ang ama ni Mico. Pero isang bagay ang nagpagulo sa utak ko. Kambal. May kakambal si Mico? Nasaan? Parang pati sya hindi nya alam.
Mico Aquino's POV:
Ano kaya ang ginagawa nun? Bakit kaya sya tumanggi para lumabas ngayon? Galit ba sya o ano? Ano ba ang iniisip nya?
"Mico, can you just sit down." Wina ni Mama. Siguro nahihilo na sya. Umupo ako at pinaglaruan ang cellphone ko. Hanggang ngayon ay naghihintay parin ako ng reply galing sa kanya.
Ano kayang mahalagang bagay ang ginawa nya? Nagtext ulit ako at tinanong kung anong ginagawa nya. Siguro nakukulitan na sya sakin. Eh ang kulit ko nga kase eh. Hindi ako mapakali di to na ewan.
Ilang sandali pa ay naramdaman kong nagvibrate ang phone ko. At nakita kong nagreply sya.
"Pauwi na ko." Un ang text nya. Umalis sya ng bahay? Ano kaya ginawa nya?
"Ijo, si Ella ba ang dahilan kung bat di ka mapakali?" Tanong ni mommy.
"Oo ma eh. Hanggang ngayon kase di ko maisip ang dahilan kung bakit di sya sumama sakin upang lumabas ngayon." She smiled. Tinawanan pa ko! -___-
"Ma naman eh." Pagtatampo ko.
"San mo naman sya dadalhin kung lalabas kayo ngayon?" Tanong nya ulit. San nga ba? Lintek naman eh, wala pa naman akong plano.
"H-hindi ko alam." Nahihiya kong sabi sa kanya.
"You know what son, I have an idea. Dapat kakaiba ang mga bagay na gagawin nyo, nakakaumay na kase ang date na sa mall or resto lang. Take her out in a way that she will remember." Wika ni mom sabay ngiti. Pati ako ay napangiti sa kanya.
A/N: Grabe, konti nalang talaga matatapos na ang story na ito. May story po akong ilalabas pagkatapos nito sana po suportahan nyo. :)
YOU ARE READING
My Prince's Diary
Teen FictionElla is a scholar in a first class school in their town. She is a typical, simple girl who faced challenges of everyday life including bully girls which made her life miserable and difficult. On the other hand, Mico is a star of that school, but he...