Chapter 21: Regrets

133 3 2
                                    

Ok guys, please vote and comment po! :) By the way I have an upcoming story entitled My Boyfriend Is A Menace comedy po ito. Hope u guys like it. I'll post it sa June. Ate Mia, get well soon ha? Utang ko sayo mga natutunan kong tips sa pagsusulat. Thank you po ate! :)

 Chapter 21: Regrets

Mico Aquino’s POV:

Yeah right, all we can do is pray for him. Papunta ako ngayon sa may chapel ng hospital although mahirap pa para sa akin ang maglakad dahil naka-confine din ako kase napilayan ako sa pagkakatulak sa akin ni kuya.

Up to now hindi parin ako makapaniwala na andito ang kuya ko sa hospital, walang malay, mahinang-mahina.

Siguro kung hindi dahil sakin siguro maayos pa ang lagay nya ngayon.

Sana hindi nalang nya ko linigtas. Sana pinabayaan nalang nya ko na ako ung masagasaan.

Bakit kase hindi nalang ako. Ang dami na nyang pinagdaanang hirap. Pero ni minsan, di ko siya natulungan. Hindi ko Naisip na hindi lang ako ang may pasan ng sakit na nararamdaman ko nung nasira ang pamilya namin. Hindi ko naisip si kuya, si Mom. Inisip ko lang ang mga bagay na nararamdaman ko. Hindi ko tinulungang mag-move-on ang sarili ko, hindi ko sila tinulungan. But still, he is there for me.

I’m so selfish! I am the one who is suppost to be in that situation, not him.

Pinagpatuloy ko ang paglalakad ko hanggang sa napunta na ako sa chapel.

Dun ako sa gitnang bahagi ng chapel umupo. Lumuhod ako at nagsimulang magdasal.

“God, alam ko na hindi ako masyadong lumalapit sa’yo. Actually, hindi talaga madalas. Minsan din lang akong magpasalamat. Pero sana pakinggan mo ko. Una, gusto ko lang itanong sayo kung bakit mo kailangang gawin sa kanya un? Bakit siya ung pinahihirapan mo? Bakit… bakit di nalang ako? Tutal kasalanan ko naman lahat diba. Alam ko malaki ang pagkukulang ko sa mga taong nagmamahal sakin, gusto kong bumawi. Gusto kong bumawi sa kanila sa lahat ng ginawa nila para sakin. Sana naman bigyan moko ng pagkakataon para makabawi kay kuya. Sana wag mo munang gawing huli ang lahat, please!”

Unti-unting tumulo ang mga luha ko hanggang sa tuloy-tuloy na itong dumaloy mula sa mga mata ko.

Sana pakinggan nya ko, kase hindi ko alam kung ano ang gagawin ko pag nawala sakin ang kuya ko.

Habang nagdarasal ako ay biglang dumating si Mom.

“Mico, kanina pa kita hinahanap.”

“Why mom, what happened?”

“Mico, ang kuya mo!”

Bigla akong kinabahan.

Dali-dali kaming tumakbo sa ICU para tignan kung ano ang kalagayan ni kuya.

Saktong dumating si Kathryn para dalawin sana si kuya.

“Mico, b-bakit nagpapanic ung mga tao?”

“Kathryn… si kuya kase eh!”

Tumulo bigla ang mga luha ni Kathryn.

“B-bakit… anon ang nangyari sakanya? Ok na ba siya?”

Hindi na ako nakasagot dahil dumating na ang doctor.

Si mom na ang kumausap sa kanya.

“Doc… kamusta na po siya?”

“Ginawa po namin ang lahat ng magagawa namin pero sadyang malaki ang naging damage ng puso nya. Kung ooperahan po siya ay hindi rin makaka-abot ang compatible heart na gagamitin sa heart transplant.”

My Prince's DiaryWhere stories live. Discover now