Chapter 32: The Kiss
Ella Guevarra’s POV:
“Ella, come on, walang mangyayari kung hindi ka lalabas.” Nandito ako ngayon sa loob ng kwarto ni Johanna. Hanggang ngayon ay nahihiya parin akong lumabas. Kaninang 3 o’clock ay sinundo nya ko sa bahay namin at sinabing aayusan ako sa bahay nila. Di naman ako makahindi dahil pati si mama ay nangungulit.
Grabe lang tong dalawang to. Kayo mag nanay sige. -.-
Sumama na si mama papunta kina Johanna. Pagdating doon ay nanood lang sya sa ginagawa sa akin.
Una akong minake-up-an kasunod naman si Johanna. Brown eye shadow lang ang linagay sa akin at blush on at pink lipstick. Pinaayos na din ako ni Johanna. Ung buhok ko ay naka –braid sa taas may kaonting bangs at kulot sa ilalim. Siya naman ay brown din ang kulay at pink ang lipstick. Halos kamukha lang ng sakin pero pure curl ung pagkakagawa ng buhok sa kanya.
Ang ganda nyang tignan. Grabe, hindi ko na din makilala ang sarili ko. Kahit pa sabihin na nating first prom ko ito pero hindi ko tuloy maiwasan ang maexcite. Grabe ka Johanna. XD
Pink ang kulay ng gown ko at purple naman ang sa kanya. Para tuloy kaming kambal dahil pati design ng gown ay halos magkamukha din. Napakabait pala talaga ng babaeng ito. Hindi ko aakalaing magiging matalik na kaibigan ko sya.
“Sandali po. Eto na.” Kinukulit nya ko na lumabas na raw kami ng kwarto dahil baka malate pa daw kame sa prom. Eh bigla nalang kase akong nanigas at parang ayaw ko nang umalis sa kinauupuan ko. Para kaseng kinakabahan ako na ewan.
Alam nyo na, first time eh. Pero siguro kung pipilitin ko ay magagawa ko din.
“Ella, baba na kayo.” Pagtawag ni mama galing sa baba.
Tumayo na ako at hinawakan ang kamay nya na kanina pa ngawit dahil ayoko pang tumayo. Masigla syang tumawa at sabay kaming bumaba papuntang kotse. Tama nga, nakaka excite talaga. Hindi ko mapigilan ang maexcite lalo nga’t first prom ko to. Salamat kay Johanna at sya na mismo ang nag-ayos ng mga kakailanganin ko.
Dahil nga daw bestfriends na kami eh sagot nya lahat.
Pagkababa namin ay agad akong sinalubong ni mama ng yakap. Pero hindi mariin dahil baka masira ang ayos ko.
“Ella, ang ganda mo anak. Nako kung buhay lang ang papa mo matutuwa un.” Ngumiti si mama na may namumuong luha sa mata.
“Nako ma tama na muna ang drama at baka masira ang make-up.” Natawa naman silang dalawa ni Johanna. Nagpaalam na si mama at kami naman ay nagtungo na papunta sa kotse ni Johanna.
Bago buksan ang pinto ay kinuha muna nya ng kanya ipad at nagpapicture kay Mang Jigs na driver ni Johanna. Nagpose kame ng kung anu-ano bago tuluyang sumakay sa sasakyan. Nauna syang sumakay kasunod ako. Grabe, pati tuloy ako hindi maipaliwanag ang nararamdaman ko. Ung magkahalong excitement at kaba. Parang feeling mo ang ganda mo. Ang ganda ng feeling, parang inspired ka at proud ka sa sarili mo.
Siguro nga eto ung sinasabi nilang magic, kapag prom.
“Ang ganda ng feeling no?” Masiglang sabi ko sa kanya.
“Ano ka ba Ella, wala pa ang tunay na magic. The real magic happens during your last dance. Sino kaya magiging last dance mo?” Ngumisi sya ng mapang-asar na kaagad ko namang nakuha ang ibig nyang sabihin.
Sino nga ba ang last dance ko? Sino nga ba ung lalaking makakasayaw ko sa huling sayaw. Ung lalaking hawak ang kamay ko hanggang sa pagtigil ng tugtog. Ung lalaking kaharap ko pagpatak ng hating-gabi. Sino kaya sya? Siguro nga magic ngang maituturing iyon.
YOU ARE READING
My Prince's Diary
Teen FictionElla is a scholar in a first class school in their town. She is a typical, simple girl who faced challenges of everyday life including bully girls which made her life miserable and difficult. On the other hand, Mico is a star of that school, but he...