Ok guys, this is the fifth chapter of the day. Wait for the five more ha. Kasama doon ung epilogue ng part 1 ng My Prince’s Diary. Wet lang guys ha wet lang! Wag kayong bibitiw ha? Kase hindi pa tapos ang story eksaktong kinabukasan, maybe! Eh ipopost ko ang part 2. Continuation parin po siya ng story di po siya book two ha! Ang title po ng part 2 ay ipopost ko sa epilogue ng part 1.
Chapter 20: The Accident
Mico Aquino’s POV:
Buti nalang at binuksan ni kuya guard ung pinto. Kung hindi eh baka bukas pa kami makauwi.
“Hatid na kita.”
“Ah, wag na nakakahiya kase eh. Tsaka late na.”
“Ok lang yan. Tara!”
Dumiretso na kami sa bahay nila. Malapit lang naman eh, at lalakarin din.
Pwede din naman akong maglakad pauwi pagkahatid ko sa kanya. At makakapogi points pa ako! ^___^
Di ko namalayan na andito na pala kami.
“O sige uwi na ako.”
“Ingat!”
Nung tatawid na ako ay may narinig akong malakas na harurot ng sasakyan. Ang huling namalayan ko nalang ay may nakita akong liwanag at naramdaman ko nalang na may tumulak sakin papuntang dulo ng daan at may narinig akong tumawag sakin.
Anong nangyari?!
~
Dahan dahan kong minulat ang mga mata ko. Anong nangyari? Bat ibang lugar to?
“M-mico? Gising ka na?”
“Nasan ako?”
Nandito si Ella?
“Mico, nasa ospital ka.”
Ospital?
“Anong ospital? Hindi ko maintindihan.”
“Eh kase Mico, muntik ka nang mabundol ng truck eh.”
Ha?
Bakit ako nandito? Anong nangyari? Bakit ako nandito?
“Ella, kamusta na siya?”
I heard the voice of mom.
“Tita kakagising lang po nya.”
“Sige, ako na ang bahala dito, umuwi ka na.”
“Salamat po tita. Mico, una nako.”
Hindi na ako nagpaligoy-ligoy at tinanong ko na si mom kung anong nangyari.
“Mico, your kuya.”
“Ma, anong nangyari kay kuya?”
Bigla akong kinabahan.
“Nag-alala kami sayo kase it’s already late at wala ka pa sa bahay. We cannot find you kase alam naman namin na wala kang ibang kaibigan kundi si Ella lang. Naisip namin na baka nandun ka. Nag-volunteer ang kuya mo na tignan kung andun ka. Fortunately andun ka nga.”
“Ma anong nangyari kay kuya?”
“He saw you crossing the street, he hurried because there is a car coming so he saved you from the car.”
“S-so that means, siya ung n-nasagasaan right?”
Sh*t. Bakit ba ang tanga ko? Dapat ako nalang eh…
Ako nalang sana!
Maya-maya ay dumating ang dumating ang doctor sa kwarto ko. Dali-dali namang lumapit si Mommy para itanong kung ano na ang kalagayan ni kuya.
“I’m sorry po, we monitored your son and we did all our best, but we don’t want to give you false hope. Honestly Ma’am, he is in a coma right now, and the chance for him to wake up is very low.”
“What?”
Hindi ko na napigilan at nagsalita na ako.
“Doctor ka hindi ba? Diba dapat alam mo ang gagawin mo, hindi ka naman tanga diba? Baka fake doctor ka? Bakit di mo siya pagalingin?”
“Mico, stop it. Wala tayong magagawa sa kalagayan ng kuya mo. All we can do is pray for him.”
Naisip ko kung gano kalaki ang pagkakamaling ginawa ko sa buhay ko.
Naisip ko na ang tanga ko pala, dahil patuloy kong pinalalayo ang mga taong nagmamahal sakin.
Tinalikuran ko ang buhay ko dahil sinisisi ko ang sarili ko sa isang bagay na alam ng lahat na biktima din ako. Na nabago ang buhay ko dahil sa ginawa ng tatay ko.
Wala akong kasalanan, kasalanan nya lahat. Pero si kuya, pinilit nya kong baguhin at intindihin. Pero pinabayaan ko siya. Anong gagawin ko ngayon? Natatakot akong mawala siya kase hindi na ako makakabawi pa sa kanya. Bakit kase ganito eh. Bakit kase kailangan mangyari nito?
YOU ARE READING
My Prince's Diary
Teen FictionElla is a scholar in a first class school in their town. She is a typical, simple girl who faced challenges of everyday life including bully girls which made her life miserable and difficult. On the other hand, Mico is a star of that school, but he...