Chapter 30: Love Bugs?

105 0 0
                                    

Chapter 30: Love Bugs

Ella Guevarra's POV:

"Grabe tong araw na to, nakakapagod." Un nalang ang nasabi ko bago itumpak ang sarili sa aking kama pagdating ko.

"Ella, kain na." Pagtawag ni mama. Ano ba yan, wala pa naman ako masyadong gana kumain, meron lang ako sa pagtulog. -.-

"Susunod na po ma!" Tumayo na ko at nagdiretso sa baba para kumain na. Eh sa dami ba naman ng mga nalaman ko ngayong araw eh tiyak na mawawalan talaga ko ng gana.

Change topic muna.

Ang saya pala talaga pag nakakatulong ka no? Pero alam nyo, nalilito ako ngayon. Nalilito ako kung ano bang klase ng tao ang tatay ni Mico. Accept the fact na tumutulong sya sa mga taong nangangailangan pero may nagawa syang napakalaking kasalanan. Ayoko namang magjudge na lang ng basta basta pero, siguro dahil sa ginawa nya ganun na lang ang galit sa kanya ng pamilya nya.

Kung ako siguro iyon ay babalikan ko ang pamilya ko at manghihingi ng tawad. Atleast nga sya andyan pa ung daddy nya eh, eh ako?

"Hoy, Ella, kakain ka ba o ano? Ni hindi man nagagalaw ang pagkain mo. At bakit parang natutulala ka? May sakit ka ba?" Tanong ni mama. Inayos ko na ang sarili ko at piniglan munang mag-isip ng kung anu-ano dahil nasa harap nga ng pagkain. 

Pagkatapos naming kumain, ako na ang naghugas ng pinagkainan at inayos ko na ang sarili ko para matulog na. Grabe talaga tong araw na to. Pagod na pagod ako. Pagpasok ko ng kwarto ay binagsak ko na lang ang sarili ko sa kama at agad nakatulog.

Nagising nalang ako ng may maramdaman akong gumagapang sa mukha ko. Napaigtad nalang ako nang maramdaman kong isa iyong insekto. Hatest ko pa naman un. Napatayo ako sa kama at nanginginig na pinagpag ang insekto sa mukha ko. Hindi naman ako OA magreact pagdating sa mga insekto pero nandidiri pa rin ako sa kanila. Pagkapagpag ay nahulog ito sa sahig. Kukunin ko na sana ang tsnelas ko at hahambalusin ng tsinelas ang insekto pero nagtaka ako ng makita kong isa iyong lady bug. Akala ko pa naman maliit na ipis. 

Pinadapo ko na lang ang lady bug sa tsinelas ko at hinayaang umalis.

Grabe, hanggang ngayong araw ba magiging stressful ang araw ko? Pumunta na ko sa banyo para maligo at magsipilyo dahil syempre linggo ngayon and kailangan kong magsimba. To thank God na super bait nya sakin at binigay nya si Mico.

Pagkatapos naming maghanda ni Mama ay agad na kaming sumakay ng trycicle para makapunta sa simbahan upang magsimba.

"Ella, ikaw na muna ang mamalengke at kailangan ko pang maglinis ng bahay ha?" Sabi ni mama nang matapos ang misa. Tumango nalang ako at pinag-abang sya ng trycicle para makauwi na sya. 

Iniabot sa akin ni mama ang pera at ang listahan  ng mga bibilhin sa palengke.Nagsimula na akong maglakad pagka-alis ni mama. Malapit lang naman kase ang palengke mula dito kaya linakad ko na lang. Sayang ang pamasahe.

Habang binabasa ko ang mga kailangan kong bilhin ay may isang magarang itim na sasakyan ang tumigil sa  gilid ko at dali-dali akong kinuha. Nagpumiglas ako pero ang lalakas nila kaya nagawa nilang ipasok ako sa loob ng sasakyan tsaka pinakawalan sa pagkakahawak nila.

"Sino kayo? Anong kailangan nyo sakin?" Saad ko sa mga malalaking lalaking dumukot sakin. Naka coat and tie sila na black tapos nakashades tapos may parang earphone na nakalagay sa isa nilang tenga. Halatang mayaman ang nagbabayad sa kanila. Sino ba ung mga yan? Hindi naman ako drug pusher, or what. Bakit naman magkakainteres sa akin ang mayaman na boss nila?

"Kami, walang kailangan sayo pero si boss meron." Wika ng isang kalbong nakacoat and tie. 

Hindi ko napigilang mag-isip ng kung anu-anong mga bagay. Tulad ng, ;baka sila ung kumukuha ng mga bata tapos kukunin nila ung lamang loob.' 'o kaya baka rape-in nila ko at iwan sa isang kalsada.' Lord, promise magpapakabait na talaga ko. >.<

My Prince's DiaryWhere stories live. Discover now