Chapter Two
First Day
Nero’s POV
Muli niyang tinignan ang papel na kaniyang hawak. Kagabi ay tinawagan siya ng secretarya ng kaniya boss at ibinigay sa kaniya ang address nito. Sa palagay niya ay tama naman ang lugar na kaniyang napuntahan. Kasalukuyan siyang nakatayo sa harap ng isang mataas at itim na gate.
Ibinaba niya ang kaniyang maleta at nag-doorbell. Napansin niya ang video cam malapit sa door bell.
“Your name please.”, anang isang boses ng lalaki mula sa intercom. Boses robot ito. Malamang ay ang security system iyon.
“Nero Hudson.”
Ilang saglit pa, bumukas ang gate. Pumasok siya sa loob niyon. Napakalawak ng garden ng bagong amo niya. Sa palagay niya ay mga Thirty meters ang layo ng bahay nito mula sa gate. Malaki ang bahay nito kaya naman tanaw na tanaw niya iyon.
Wala bang tao sa lugar na iyon? Bukod sa secluded ang lugar na, napakatahimik din ng paligid.
Ang akala niya ay isang lumang bahay ang kaniyang madadatnan. Ngunit namangha siya ng makita ang bahay nito. Zen type ang klase ng bahay nito na nakukulayan ng puti at itim. Malalaki ang mga bintana niyon at makikita ang ilang parte ng interior ng bahay nito, dahil sa floor to ceiling glass windows.
Nakabukas ang pinto kaya tuloy tuloy siyang pumasok. Inilibot niya ang kaniyang paningin. Napakaganda ng sala nito. Kaunti lamang ang furnitures na nandoon. Lalaking-lalaki ang dating.
“Nandito ka na pala.”
Mabilis siyang napalingon sa nagsalita. Mula sa hagdan, nakita niya ang amo.
Napasinhap siya ng makita ang itsura nito. Basa ang buhok nito at may nakasabit na twalya sa leeg. Ginagamit nito iyon para tuyuin ang basing buhok. Mukhang kakatapos lamang nitong maligo. Nakasuot ito ng puting sweatpants at gray na t-shirt.
“Yes, Sir.”
Tiningnan nito ang relong pambisig. “Not bad for your first day. Meron pa tayong one hour, thirty-minutes and forty-five seconds bago ang office hours.” Bumaba ito at naupo sa sofa. Iminuwestra nitong maupo siya sa tapat nito. “Shall we discuss the rules?”
“Of course, Sir.”
He crossed his legs. “Good. Tulad nga ng sinabi ko, You’ll be staying here.” Binuksan nito ang laptop na nakapatong sa center table nito. Hinarap nito iyon sa kaniya. “I’ve already list down all my rules and regulations here. All you have to do is to put it in your head. Got it?”
Gusto niyang mapangiwi. Pakiramdam talaga niya ay nasa military siya kung makapagsalita ito. He always end up saying, ‘Yes, Sir!, No, Sir!’. Expressionless ang mukha at napaka-intimidating ng aura nito.
“Yes, Sir.” Parang gusto niyang i-record ang dalawang salitang iyon para i-play kapag sasagot siya dito.
“Hudson!”
“Sir?”
“Stop pouting!”
Hindi niya namalayang naghahaba na pala ang kaniyang nguso. Siguro dapat na niyang pag-practice-an na ‘di gawin ang habit niyang iyon.
“Sorry Sir…”
Binasa niya ang nakasulat sa laptop nito. Nagbibiro ba ito? Paano naman niya makakabisa lahat iyon?! Ini-scroll niya iyon. Nanlaki pa lalo ang mata niya nang makitang 200 lahat iyon. Yung totoo, pati ba umutot bawal na din?
“May problema ka ba sa mga iyan?”
Napansin siguro nito ang naghuhumindig niyang gusot sa noo dahil sa pagkakakunot noon.
BINABASA MO ANG
My Demon Angel (UNEDITED)
RomansaNero Hudson - An orphan. A nosy twenty-seven years old guy. Charming, cute and lovable, who wants to save his diseased guardian. Abdiel Hunter -One of the rich-good-looking bachelor in town. Others called him the "Snow man", because of his cold trea...