Chapter Six - The Game with the Demon

58 0 0
                                    

 Chapter Six

The Game with the Demon

Nero’s POV

“Ladies and Gentlemen! Happy Holloween! Ngayong taon na ito, nagplano kami ng isang munting palaro para sa inyo. It’s a ghost hunting game. It must only be played by pairs. Ngayon, gusto kong hawakan niyo ang kamay ng mga katabi niyo.”

Pagkasabi niyon ng Emcee ay mahigpit niyang hinawakan ang kamay ni Amy. Isang ghost hunting game? Mukhang hindi niya gusto ang ideyang iyon.

“Ang magiging ka-partner niyo ay ang mismong kahawak kamay ninyo. Mayamaya lang ay magbubukas na ang mga ilaw. Sa oras na iyon, simula na ng laro. Ang magkaparehang unang tatlong makakahuli sa staff namin, na siyang magiging “ghost” sa larong ito, ay ang siyang tatanghaling panalo.  Ibibigay sa inyo ng mga waiter ang mga cards, kung saan nakalagay ang mga klase ng multong na-assign na inyo para hanapin.

Tandaan niyo, ang multong may nakadikit na “staff” lamang sa mga damit nila, ang multong kailangan niyong mahuli. Dahil kung makakahanap man kayo ng multong naka-assign sa inyo at walang sticker ‘yon, hindi rin magiging valid iyon. Once na makumpleto na ang three pairs, makakarinig kayo ng buzzer. Iyon ang indication na tapos na ang laro.

Tumindi ang kaba niya nang magsimulang magbilang ang emcee.

“The game starts in five…four…three…two…one!”

Nasilaw si Nero sa biglaang pagbukas ng ilaw. Kasabay niyon ay ang mabilis na pagpulasan ng mga guest. Pulos naka costume ang mga ito tulad niya. Pinisil niya ang kamay ni Amy.

“Amy! Tara na!”

Laking gulat ni Nero nang hindi si Amy ang kahawak kamay niya ngayon. Tila nawalan ng kulay ang mukha niya ng makita ang kaniyang amo. Kung todo simangot ito habang nakatingin sa mga natatarantantang mga tao. Kanya kanya na ito ng kuha ng card sa mga waiters na nadoon.

 “S-Sir… Mag-e-explain po ako.”

Hindi pa din ito tumingin sa kaniya. Hinila siya nito papunta sa isang waiter na nandoon. Kinuha nito ang isang card at tumakbo. Hawak pa din nito ang kaniyang kamay. Takbo, lakad, hinto ang ginagawa nila. Palingon lingon din ito sa paligid. Nasuyod na kaya nila ang buong first floor ng mansyon nila Amy. Sunod nilang pinuntahan ang second floor. Mas kakaunti ang mga tao doon kesa sa first floor.

Hinihingal na siya sa pagtakbo habang ito naman ay tila hindi man lamang napapagod. Bawat kwarto ay binubuksan nito. Nasa east wing sila ng mansyon. Wala nang makikitang tao pa sa lugar na iyon. Baka pag nagpatuloy pa sila sa pagtakbo ay malagutan na siya ng hininga.

“S-sir…S-sir…Sir!”

Noon lamang ito tumigil sa pagtakbo. Pasalampak siyang umupo sa sahig. Habol niya ang kaniyang hininga. Tila siya isang isda na inalis sa tubig ng oras na iyon. Napapikit siya at tuluyang napahiga sa sahig.

“Announcement. Ang first pair natin ay sina Ms. Gab at Mr. Bath! Meron na tayong isang pares. Dalawa na lamang kakailanganin natin!”

Kung ganoon, nandoon din pala sina Gab. Napatingin siya sa kaniyang amo. Hindi ito nakatingin sa kaniya. Ngayon lang niya napansin ang costume nito.

“Tsk! Hurry up and—“

Bakas ang pagkagulat sa mata nito ng lumingon sa kaniya. Walang ilaw sa parteng iyon ng mansyon. Ngunit dahil sa liwanag ng buwan na tumatama sa bintana doon ay kitang kita niya ang pamumula ng mukha nito.

“You!—“

“Oh yes, it’s me Sir. Hi, Sir!” ,ngumiti siya ng malapad ditto bahagya pa siyang kumaway. Sa totoo lang ay medyo kinakabahan siya. Mukhang galit ito dahil hindi siya nagpaalam dito kanina.

My Demon Angel (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon