Chapter Ten - Whys and Wherefores

43 1 0
                                    

Chapter Ten

Whys and Wherefores

 Nero's POV

“We’re not from this world. We’re from another dimension. Isang lugar na hindi nag e-exist para sa mga normal na tao. We’re task to kill you, Nero Hudson.”

Napatuwid siya ng upo dahil sa direktang pagkakasabi sa kaniya ni AD ng mga bagay na iyon. Kung ganun, all this time, gusto lang siyang patayin ng mga ito? Pero bakit? Ano bang ginawa niya? Tumingin siya kay Amy at Gab. Hindi makatingin sa kaniyang mga mata and dalawa. He felt betrayed.

Hindi niya alam kung anong dapat sabihin kaya naman tahimik lamang siyang nakinig sa pagkukuwento ni AD. Nagagalit siya, naiiinis at nasasaktan sa uri ng kapalarang meron siya. According to AD, he’s a son of an angel and a devil that makes him a half angel and a half demon. Iniwan siya ng kaniyang ina kay Amber, which turns out to be another angel from heaven. Matalik na magkaibigan si Charmeine o Amber at ang kaniyang ina. Noong mga panahong iyon ay mayroong pag-aaklas na nangyari. It’s a war between the angels and the fallen ones. Kaya naman minabuti ng kaniyang ina na protektahan siya. Hindi lingid sa kaalaman nito na siya ang gagamitin ng mga kalaban nito para mapabagsak ang depensa ng mga anghel. He’s just a weapon. Pinaibig at ginamit lamang ng kaniyang ama ang kaniyang ina upang maisakatuparan ang planong mabuhay siya at gawing kasangkapan para matalo ang grupo nila AD. Iniwan nito ang kaniyang ina at hindi na nagpakita pa.

“Mas kilala ka nila bilang Apollo. And you’re the angel of destruction. Kung hindi namin mapipigilan ang unti unting pagbabago mo ng anyo, maaaring mahuli na ang lahat. Pag dumating ang panahong iyon, magiging sunodsunuran ka sa bawat sinasabi nila. Kahit pa labag iyon sa kalooban mo.” ,paliwanag ni Gabriel.

Nakaramdam siya ng takot sa pagkakataong iyon. Tinignan niya ang mga taong nasa harap niya. Ang akala pa man din niya ay nagkaroon na siya ng mga kaibigan. Mga kaibigan na hindi siya itinuturing na iba at hindi parang insekto na salot lamang at kailangang patayin. Bumalik sa kaniyang alalala ang mga ginawang pang bu-bully sa kaniya noong nag-aaral pa lamang siya.

Hahaha! Tama. Magalit ka sa kanila. Kahit kailan, wala nang magmamahal sa’yo. Dahil ang kaisa-isang taong nagmahal sa’yo ay wala na!

“Sino ka?”

“Hindi na mahalaga kung sino ako, Nero. Ang mahalaga ay malaman mong mga traydor ang mga taong nasa harap mo! Ginagamit ka lang nila para manalo sa laban! Wala silang pakialam sa’yo. Para ka lang isang basura na gustong apak-apakan at itapon ng mga taong nasa paligid mo!”

“Hindi totoo yan…”

“Heh heh heh… Paniwalaan mo ang gusto mong paniwalaan Nero. Pero alalahani mo kung paano ka nalang ipinamigay ng nanay mo. Napakadali ka niyang sinuko. Dahil duwag siya! Hindi ka niya kayang ipaglaban! At ang ama mo, ginamit lang kayong kasangkapang mag-ina para sa pansarili niyang plano! Wala siyang pakialam sa’yo!”

“Hindeee!”,nanginginig na napatayo siya. Hindi niya maintindihan ang mga nangyayari. Saan nanggaling ang boses na iyon? Hindi niya alam kung paano nito nalaman ang mga iniisip niya.

“Nero?” ,tinig iyon ni Amy. Tinangka siya nitong hawakan ngunit pinalis niya ang kamay nito. Bumakas ang pagkabigla sa mukha nito.

Nang mga oras na iyon ay hindi niya alam ang kaniyang gagawin. Naguguluhan siya. Kaya ba siya tinanggap ni AD sa trabaho dahil may balak itong patayin siya? Ang lahat ng mga ipinakita nila Amy na kabaitan sa kaniya ay puro kasinungalingan lang. Iyon ay dahil sa gusto lamang siyang patayin ng mga ito.

“Mga sinungaling kayo! Pare-parehas kayong lahat! Kahit kailan, hindi niyo mararamdaman ang nararamdaman ko!”

Tinulak niya si Amy ng tinangka nitong lumapit sa kaniya at tsaka siya tumakbo palabas ng bahay. Hindi na niya alintana ang malakas na ulan sa labas. Gusto niyang tumakas sa mga ito. Pakiramdam niya ay nag-iisa siya at wala siyang makapitan ngayong wala na si Amber. Mag-isa na lang siya ngayon. Hindi na siya dapat magtiwala sa mga kagaya nito. Mabubuhay siyang mag-isa.

My Demon Angel (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon