Chapter Five
Halloween Party
Nero’s POV
“You think I’m pretty without any make up on. You think I’m funny when I tell the punchline wrong… hmmm…hmmm…Yeah!”
Todo sa paghirit at pag-indak si Nero habang hawak ang feather duster na kanyang ginagamit para alisin ang mga alikabok sa mga vases at frames ni AD. Nakapasak ang kaniyang earphones sa kaniyang tenga. Malakas ang loob niyang mag-concert dahil kakaalis lamang ng kaniyang amo para mag-jogging. Sabado kasi ngayon at wala silang pasok sa opisina.
Dalawang linggo na din siyang nagtatrabaho dito. Kahit papaano ay kabisado na niya ang routine niya araw-araw. Tuwing Sabado at Linggo, inaabala niya ang sarili sa paglalaba at paglilinis ng bahay nito.
Nang matapos sa pag-aalis ng alikabok sa mga vase at frames, ay sinunod niya ang grand piano. Gusto sana niyang matuto niyon, para kay Amber. Mahilig kasi sa classical music ito. Umupo siya sa silya at tumipa sa tiklado. Nakapikit na tumugtog siya kahit wala sa tono. Sinabayan niya iyon ng pagkanta.
“You.. make me feel like I’m living a teenage dream. The way you turn me on. I can’t sleep.. Let’s run away. Don’t ever look back. Don’t ever look baaaa---“
May kung sinong nag-alis ng kaniyang earphones sa kaniyang tenga.
“Hudson.”
Naiwang nakanganga si Nero dahil sa hindi natapos na pagkanta niya. Nagtayuan ang kaniyang balahibo nang maramdaman ang mainit na hininga nito sa kaniyang tainga at batok. Sa pagkagulat ay nawala ang balanse niya at muntikan nang bumagsak sa marmol na sahig. Mabuti na lang at maagap ang kaniyang boss. Mabilis na hinawakan siya nito sa kaniyang braso upang pigilan siya sa kaniyang pagbagsak.
Kahit pa hindi na natuloy ay paghalik niya sa sahig ay malakas pa din ang kabog ng kaniyang dibdib. Paano ba naman kasi, napakalapit ng mukha nito sa mukha niya. Nakasimangot ito. Nakatali pa din ang may kahabaang buhok nito na basa ng pawis. Ang ilang hibla niyon na naalis sa pagkaka-tali ay naka takip sa mukha nito. Para siyang nahihipnotismo sa mga mata nito. Bumaba ang kaniyang tingin sa mga labi nito. Napalunok siya ng makitang basa iyon at bahagyang nakaawang. At ang amoy niyo... No!
Mabilis niyang inayos ang kaniyang sarili. At iniiwas ang tingin dito.
“S-Sir.”
Nakakunot noo pa din ito. “Anong ginagawa mo?”
“Naglilinis ho.”
“Habang nakaupo, tumutogtog ng piano at…sumisigaw?”
Napangiwi siya sa pagkaka-describe nito sa kaniyang pagkanta. Nanghahaba ang kaniyang ngusong pinagtanggol ang sarili. “Kumakanta ako, Sir.”
“Stop pouting!”
Napakamot siya sa kaniyang ulo. “Okay , Sir. Sorry, Sir. Nadala ako sa kanta kaya sinabayan ko. Matagal ko na din pong gustong matutong tumugtog ng piano. Pero wala namang nagtuturo sakin. At tsaka Sir, hindi ko naman po sinasadyang iparinig ‘yun sa inyo. Para kasi kayong kabute Sir. Kung saan-saan sumusulpot. Ang akala ko po kasi nag ja-jogging pa kayo.”
“Did you just say that I, Abdiel Hunter, looks like a mushroom?”
Dumoble ang pagkunot ng noo nito. Dinaig pa yung asong kulubot ang mukha. Pero in fairness, gwapo pa din.
“Uhm…Hindi? Sir ang sabi ko lang naman para kayong—“
“Enough. Let’s eat.”
“Eh, Sir—“
BINABASA MO ANG
My Demon Angel (UNEDITED)
RomansNero Hudson - An orphan. A nosy twenty-seven years old guy. Charming, cute and lovable, who wants to save his diseased guardian. Abdiel Hunter -One of the rich-good-looking bachelor in town. Others called him the "Snow man", because of his cold trea...