Chapter Twelve
Complicated Circumstances (Part I)
Nero’s POV
Masaya si Nero ng araw na iyon. Natanggap na kasi niya ang kaniyang unang sweldo sa kaniyang trabaho. Nakapag-submit na din siya ng kaniyang ginawang istorya sa kaniyang editor at hinihintay na lang niyang ma-aprubahan iyon.
Nang nakaraang araw ay tinuruan siya ni Amy na magluto ng sopas. Naisipan niyang magluto ng ngayon na siya lamang mag-isa at excited na siyang ipatikim ang kaniyang luto sa kaniyang amo.
“Good morning Sir! Kain na po!”
Tahimik na umupo ang kaniyang amo sa may upuan ng lamesa. Tulad ng dati ay bagong exercise lamang ito.
“What’s for breakfast?”
“Sopas Sir! Dyaran!”
Hawak niya ang isang mangkok ng sopas at handa na niya iyong ilagay sa lamesa ng lumigwak iyon dahil sa pagkahol ni Sebby. Dinilaan nito ang natapong sopas sa sahig.
“Gutom na siguro si Sebby. Unahin mo na muna siyang bigyan sakin. Magsa-shower lang ako.”
“Okay , Sir.”
Pagkatalikod ng kaniyang amo ay pinagalitan niya ang alaga nito.
“Ikaw talaga Sebby. Bad dog ka. Bad!”
Nalaman na din niya na hindi isang normal na aso lamang si Sebby. Kaya naman matindi ang galit sa kaniya ng aso nito at dahil marunong itong tumukoy sa pagkakaiba ng isang demonyo at ng isang anghel. At trained din ito na pumatay ng isang tulad niya.
Lumabas ang mga ngipin nito at umangil na naman sa kaniya. Mabilis naman siyang nag peace sign dito.
“Oo na. Bibigyan na kita. ‘Wag ka nang magalit. As if naman na naiiintindihan mo ko no?”
“Arf!”
“Sabi ko nga naiintindihan mo ko eh.”
Inilapag niya ang mangkok ng sopas sa harap ng aso at nagsimula itong kumain. Mukhang nagustuhan naman nito ang luto niya dahil pakawag-kawag pa ito ng buntot. Hah! Luto yata niya yan!
Maya-maya ay may bigla na lamang pumasok sa kanilang kusina.
“Kitty!” Niyakap siya ni Amy.
“Amy! Anong ginagawa mo dito?”
“Hindi lang ako ang nandito.” Inginuso nito ang tatlo pang nilalang na nakasunod dito. Kasama nito sina Azii, Bath, at Gab.
“May sasabihin lang kami kay AD.” ,nakangiting sabi ni Gab.
“So… Kailangang magkakasama kayo kapag may sasabihin sa kaniya?”
Natawa si Gab. “Tungkol dun…”
“Ba’t nandito kayo?”
Isang bagong ligong AD ang kaniyang nabungaran. Nakasuot na ito ng pantalon ngunit wala pa rin itong damit pang-itaas.
“Kasalanan ni Amy.”
Ngumuso naman si Amy. “Bath naman eh.”
“Do you still remember Mr. Von Miller?”,natatawang sabi ni Gab.
“What about him?”
“He contacted me. He says that, this day would be the perfect day for the meeting. And he also sends her deepest apology because of what had happened last time.”
“And, so?”
“And so, we have to meet him today. It’s now or never AD. Importante ito para sa kumpanya.”
BINABASA MO ANG
My Demon Angel (UNEDITED)
RomanceNero Hudson - An orphan. A nosy twenty-seven years old guy. Charming, cute and lovable, who wants to save his diseased guardian. Abdiel Hunter -One of the rich-good-looking bachelor in town. Others called him the "Snow man", because of his cold trea...