Chapter Seven
I Quit
San Diego, California
Nero’s POV
Ibinaba ni Nero ang kaniyang malalaking bag sa kama. Inilibot niya ang kaniyang paningin sa loob ng kaniyang kwarto. Kasalukuyan silang naka check-in sa isang hotel doon. Kumuha ito ng dalawang kwarto.
Tanda pa niya ang pinag-usapan nila noon.
“I…ahm…I wanted to ask you … Would you like to go out with me sometime?"
“Sir?” Gulat na gulat siya sa tanong nito. Inaaya ba siya nito sa isang date?!
“Kung ayaw mo. Ayos lang.”
Lumakas ang kabog ng kaniyang dibdib. Totoo nga. Hindi siya nananaginip lang. Pero bakit?
“W-Why me?”
Tinitigan siya nito. “Because you’re my secretary and I need you there.”
Ha? Secretary?
Tumalikod ito. “May business meeting ako sa California next week. Kailangan ko ng secretary. Kahit isa sa inyo ni Gab. So you better get well soon, Hudson. Sabihin mo na lang sakin kung gusto mong sumama. ” Iyon lang at lumabas na ito ng kwarto.
Ang akala pa man din niya kung ano na. Business meeting lang pala. Lihim niyang pinagalitan ang sarili. Ano ba ang inaakala niya? Yayayain siya nitong lumabas para lamang kumain sa isang mamahaling restaurant? At bakit naman pumasok sa isip niya yun?
Sa huli ay siya pa din ang sumama dito dahil ang sabi ni Gab ay busy daw ito sa mga trabaho sa office.
You like him didn’t you? Galing iyon sa isang bahagi ng utak niya.
No, I didn’t. Kontra naman niya.
Iyon ang laman ng isip niya nang biglang bumukas ang pinto.
“Ay pusang bold!” Nalingunan niya ang kaniyang amo sa may pinto. “Aatakihin yata ako sa inyo ng ‘di oras, Sir. Meron pong pinto pwedeng kumatok, no?”
“May sinasabi ka?” Seryosong tanong nito.
“Wala ho. You know. Break it down. Yow!”
Kumunot ang noo nito. “Okay. I just checked kung okay ka lang dito sa kwarto mo. You should rest now. Mr. Von Miller will be meeting us tomorrow morning. Seven o’clock sharp.”
“Roger.”
Tumango ito at muling sinara ang pinto. Wala pang isang segundo ay bumukas ulit iyon.
“One more thing Hudson.”
“Yes, Sir?”
“May sakit ka sa puso?”
“Wala naman Sir. Bakit?”
“Nothing. Good night.” Isinara muli nito ang pinto.
Pagkatapos ng one, two, three, four, five seconds… Noon lamang rumehistro sa kaniya ang tanong ng kaniyang amo.
Napailing na lang siya at kinausap ang nakasarang pinto.
“Hindi ko alam kung ‘di mo lang na-gets o eng-eng ka pagdating sa mga jokes Sir. Ang slow!”
Pagkatapos niyang ayusin ang kaniyang mga gamit, naisipan niyang harapin muli ang kaniyang laptop. Nang mapagod na siya ay naisipan naman niyang lumabas para magpahangin. Malapit lamang ang hotel na iyon sa beach. Iyon ang nagsisilbing tourist attraction ng lugar. Gabi na kaya medyo malamig ang simoy ng hangin.
BINABASA MO ANG
My Demon Angel (UNEDITED)
RomanceNero Hudson - An orphan. A nosy twenty-seven years old guy. Charming, cute and lovable, who wants to save his diseased guardian. Abdiel Hunter -One of the rich-good-looking bachelor in town. Others called him the "Snow man", because of his cold trea...