This chapter is for my 'special someone'. LOL. Loves, Kahit alam kong 'di mo binabasa 'to. Idededicate ko pa din 'to sa'yo. Thanks for making me laugh. Sa'yo ko yata nahugot ang kalokohan ko sa katawan. Actually, ikaw ang inspiration ko sa mga characters ko at sa story ko. Nang dahil sa'yo, naging imposible ang salitang "wrinkles". At nang dahil sa'yo, pinantasya ko ang mga bromance stories. And I find it...cute and sexy. LOL! :D Happy Anniversary.
XO,
D.A.Henderson
--
Chapter Four
The Meeting
Amy’s POV
Hello I’m Armaita A.K.A. Amy. Don’t you dare call me Armaita or I’ll kill you. Oops! Kidding. Mas prefer kong tawaging Amy. Nagtatrabaho ako siya sa Greece as a Judge. He’s the Angel of Truth. Hindi naman sa pagmamayabang pero, walang nakakalusot na mga kriminal sa paghuhusga niya.
Supposedly, kaharap ko dapat ang dalawang kampo na naglalaban para sa karapatan nilang mabuhay ng malaya. Pero nandito ako ngayon sa loob ng isang conference room, kasama ang tatlong lalaking ito na animo pasan ang mundo dahil sa kaseryosuhan ng mga ito sa buhay.
I mean, It’s okay to be serious. But not all the freaking time!
“Ayon sa report sakin ni Gab, wala siyang nakikitang senyales na nagpatunay na si Nero ang destroyer.”
“Relax. Ang wrinkles, Azii.” Natawa siya sa pagkunot ng noo nito. “What?”
“Huwag mo akong isama sa mga binibigyan mo ng mga mabahong nickname.”
“Ouch ah! Ang cute kaya.”
Pinandilatan siya nito.
“I’m sure na may mali sa nangyayari. Habang kausap ko siya. Wala man lamang akong naramdamang negative energy na mula sa kaniya.”
“Gab is right. Kahit ako man, wala akong maramdamang kahit ano sa kaniya. Bath, ano sa palagay mo?”
Bath snap his hands. Kasabay niyon ay ang paglitaw ng isang makapal at lumang libro. Gold ang kulay ng cover niyon at may mga mamahaling batong nakadikit sa paligid nito. Ang mga letra na nakasulat ay ‘di mababasa ng mga ordinaryong tao. Nakaukit ang mga letrang iyon sa kakaibang simbolo, na ang ibig sabihin ay ‘ Book of Prophecy’. Tila iyon sinaunang libro. Pwede kayang gawing Tablet na lang ang librong ‘yun para mas cool?
“Bibilhan kita ng plastic cover minsan, Bath. Kawawa naman ‘yang libro mo.”
“Amy.” Saway ni Gab.
Tumawa lamang siya. May magagawa ba siya kung nalikha siyang cute na kikinsot?
Naiiling na binuklat ni Bath ang lumang libro at saglit na binasa bago nagsalita. “Hindi maaring magkamali ang libro. Maaaring mayroon lamang tayong mga bagay na hindi nalalaman tungkol dito.”
“Kung ganun bakit?”,tanong ni Azrael.
Muling isinara ni Bath ang libro. Pagkatapos ay bigla na lamang naglaho iyon. “Tuso si Satan. Gagawin niya ang lahat para makalamang sa laban.”
“Baka naman nililinlang lang niya tayo. Gusto niyang mag-focus tayo kay Nero para magawa niya ang balak niya. Without us knowing it.”
“You have a point, Gab. Pero, alam niya na 24/7 ang pagbabantay natin. Kahit busy tayo sa kaso ni Apollo, iba naman ay mahigpit pa din ang bantay sa HQ. Hindi ganoon kadaling makapasok sa teritoryo natin.”
BINABASA MO ANG
My Demon Angel (UNEDITED)
RomanceNero Hudson - An orphan. A nosy twenty-seven years old guy. Charming, cute and lovable, who wants to save his diseased guardian. Abdiel Hunter -One of the rich-good-looking bachelor in town. Others called him the "Snow man", because of his cold trea...