Chapter Thirteen - Complicated Circumstances (Part II)

63 0 0
                                    

Chapter Thirteen

Complicated Circumstances (Part II)

 

 

 

 

Amy’s POV

 

“Matagal ka pa ba Amy?” Muling kinatok ni Nero ang pintuan banyo kung saan siya kasalukuyang nakikipagkumpirensya sa inidoro.

Habang nasa meeting ang mga ito ay bigla na lamang sumakit ang tiyan niya. Pabalik balik siya sa banyo ngunit hindi pa rin maibsan ang sakit niyon.

“M-Masakit pa! Hindi ko na kaya Kitty…”,nanghihinang sabi niya. Humigpit ang pagkakapisil niya sa kaniyang tiyan ng muli iyong kumulo. “Ahhh!...”

“Ahh! ‘Di ko na ‘din kaya! Lalabas naaa!”

Narinig niya ang mabilis na pagbukas at muling pagsara ng pinto. Marahil ay hindi na rin ito makatiis at nagtungo na sa kabilang kwarto. Pagkaraan ng ilang minute ay napagdisisyunan na din niyang lumabas. Imbes na si Nero ang kaniyang mabungaran ay ang nakasimangot na mukha ni Azii ang kaniyang nadatnan.

Dahil wala na siyang lakas upang tanungin kung bakit ito nakasimangot ay padapa na lamang niyang ibinagsak ang kaniyang katawan sa malambot na kama. Habang ito naman ay nakaupo sa gilid niyon. Ngunit mayamaya ay muli na namang humilab iyon at napasigaw siya sa sakit.

“Amy!”

“Ahhh! Ang sakit!” Naiiiyak na siya. Hindi niya malaman ang kaniyang gagawin. Pinisil niya ang kaniyang tiyan gamit ang kaniyang isang kamay habang ang isang kamay naman niya ay hinihila ang damit nito. “Azii! Ang sakit sakit! Mamamatay na yata akooo!”

“Hey! Amy. Are you okay?”

“Mukha ba akong okay?...Ahh! Ang sakit ng tiyan ko!!”

“Wait. Umayos ka nang higa.” Ngunit hindi niya ito pinakinggan at tuloy pa din sa pamimilipit sa ibabaw ng kama.

Tumayo ito at lumabas ng kwarto ngunit bumalik din agad. Napansin niya ang isang itim na leather bag na hawak nito. Kinuha at sinuot nito ang stethoscope at sinimulan siyang inspeksyunin. Kumuha ito ng gamut at pinainom sa kaniya.

“Anong mga kinain mo ngayong araw?”

Pagkatapos ng tatlumpong minute ay gumaan din ang kaniyang pakiramdam ngunit hinang hina pa din siya.

“Bread and butter for breakfast at saka yung sopas ni Kitty.”,sabi niya habang nakahiga sa kama at nakapikit ang mga mata. Daig pa niya ang nag-gym ng buong araw sa sobrang pagod.

“No wonder. Siguro ay panis na ang gatas na inilagay ni Nero sa sopas na kinain niyo. Bago ako nagpunta sa’yo ay galing na ako sa kwarto namin ni AD. Nandoon si Nero ngayon. Iniinda din niya ang sakit ng tiyan niya. Lumipat ako dito dahil ang sabi sakin ni Nero ay nagkukulong ka sa banyo. Hindi ko alam na pareho na pala kayo ng sitwasyon. Ang takaw mo kasi. Mag-iingat ka nga sa mga kinakain mo. Lalo na kung luto ng bubuwit na ‘yon.” Litanya nito.

My Demon Angel (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon