Chapter Nine
Fragments of Memories
Nero’s POV
Nilalamig ang buong katawan niya at kumakalam na din ang kaniyang sikmura ng mga oras na iyon. Ngunit hindi siya makapagsalita upang sabihin sa kung sino mang tao ang may hawak sa kaniya ang kaniyang nararamdaman. Ang alam lamang niyang gawin ay umiyak ng umiyak hanggang mapaos ang kaniyang lalamunan.
Bumabagsak ang maliliit na butil ng niyebe sa kaniyang murang mukha. Bahagya siyang nahimasmasan ng may mainit na palad ang humaplos sa kaniyang pisngi. Kasabay niyon ay ang pagpatak ng mainit na likido sa kaniyang balat. Nagdulot sa kaniya iyon ng kakaibang lungkot sa ‘di malamang kadahilanan.
Pilit niyang inaninag mula sa telang nakatabing sa mukha nito ang mukha ng taong kumakarga sa kaniya. Dumadaloy mula sa asul na mga mata nito ang mainit na likidong tumulo sa kaniyang pisngi. Umiiyak ito. Bakit kaya ito umiiyak? Hindi niya alam. Pagkaraan ay niyakap siya nito ng mahigpit. Sinabayan ng muli niyang pag-iyak ang tahimik na pag-iyak nito.
Mayamaya ay inilipat siya ng babae sa bisig ng isa pang babae. Itim ang may kahabaang buhok nito. Bitak bitak ang mga labi nito. Dahil siguro iyon sa lamig ng panahon. Ngumiti ito sa kaniya. Hindi niya mapigilang ngumiti din dito dahil sa paraan ng pagkakangiti nito sa kaniya. Ilang minutong nag-usap ang dalawang babae bago nagpaalam ang naunang mayhawak sa kaniya. Hindi niya alam kung bakit pero napaiyak siya ng malakas ng maramdamang unti unting lumalayo sa kaniya ang babae.
“Nero… Mula ngayon, ako na ang mag-aalaga sa’yo. At ako na ang tatayong ina mo. Pangako, aalagaan kitang mabuti. Kaya ‘wag ka nang malungkot.”
Five years after …
“Amber.”
Nakayukong pumasok si Nero sa kusina. Nakatalikod sa kaniya si Amber dahil abala ito sa pagluluto ng kanilang kakainin.
“Hmm?”
“Sabihin mo. Kakaiba ba ako?”
Napalingon ito sa kaniya. Gulat na gulat ito ng makita ang itsura niya at humahangos na lumapit sa kaniya.
“Anong nangyari sa’yo?”
“Nakipag-away ako sa mga classmates ko. Ang sabi kasi nila sa school, kakaiba daw ang mga mata ko. Ako lang daw ang may pulang mga mata. Nakakatakot daw ako. Mukha ba akong halimaw, Amber? Ayaw nila makipagkaibigan sakin dahil halimaw daw ako. Natatakot ka ba sakin Amber?”
Lumuhod ito sa kaniyang harapan at hinawakan ang kaniyang mga kamay.
“Nero, hindi ka nakakatakot. Para sa akin, ikaw ang pinaka-cute at pinaka-mabait na bata na nakilala ko. Hindi lang siguro nila nakikita iyon dahil hindi nila kilala kung sino ka talaga. Hindi sila nagbibigay ng oras para kilalanin kung sino at kung ano klaseng tao ka. Hindi mahalaga ang pisikal na anyo Nero. Ang mahalaga ay kung ano ang laman nito.”
Inilapat nito ang palad sa kaniyang kaliwang dibdib. Noon lamang siya ngumiti. Niyakap siya nito ng mahigpit at pagkaraa’y ginamot ang kaniyang munting mga galos sa kaniyang mukha.
Ten years after…
“Nakakadiri ka. Tiganan mo ang itsura mo. Siguro, meron kang nakakahawak sakit kaya ganiyan ang itsura mo. Pati ang mga mata mo, parang kang may sore eyes! Ang pangit mo!”
Hindi niya pinansin ang pagpaparinig ng kaniyang kaklase sa kaniya. Sanay na siya sa bawat pang bu-bully nito sa kaniya. Walang imik na dumaan lamang siya sa harapan nito pati ng mga kasamahan nitong may mga ngisi sa mga labi.
![](https://img.wattpad.com/cover/5323835-288-k802554.jpg)
BINABASA MO ANG
My Demon Angel (UNEDITED)
RomanceNero Hudson - An orphan. A nosy twenty-seven years old guy. Charming, cute and lovable, who wants to save his diseased guardian. Abdiel Hunter -One of the rich-good-looking bachelor in town. Others called him the "Snow man", because of his cold trea...