Kumakabog ang dibdib ni Mika habang nakaupo sa hanay ng mga aplikante na naghihintay sa labas ng opisina ni Cedric. Kailangan niyang makuha ang trabahong 'yon para may matuluyan siya. Ip-in-adlock na kasi ng may-ari ang apartment na tinutuluyan niya kasama ng mga gamit niya matapos siyang hindi makapagbayad ng upa. Malamig sa lugar kung saan sila naghihintay kaya mas lalo pang nangatog ang tuhod niya.
Agad na umayos nang upo si Mika nang matanaw niyang palabas ang isang babae na may hawak ng papel.
"Mikaela Sebastian."
Biglang napatayo si Mika. "Ma'am," aniya sabay taas ng kamay.
"Pasok ka na," nakangiting sabi ng babae.
Agad na Inayos ni Mika ang sarili atsaka siya sumunod sa babae.
"Sit down!" seryoso ang mukhang bungad sa kanya ni Cedric, ang CEO ng KC Advertising Agency. Twenty six years old palang ito pero nagpapatakbo na ito ng sariling kompanya.
Hindi agad nakakilos si Mika na noo'y na starstruck sa kaharap. Gwapo kasi si Cedric. Maputi ito at may mapungay na mga mata. May taas itong 5'8" at may balingkinitang pangangatawan. Bagay na bagay ang suot nitong pink long sleeve sa mamula-mula nitong kutis.
"I said, sit down!" mariing sabi nito nang hindi siya kumilos.
Doon na biglang natauhan si Mika. "A-Ah! Thank you po, Sir," aniya sabay yuko ng ulo.
Todo ang kabog ng dibdib ni Mika habang pinapasadahan ng tingin ni Cedric ang resume niya.
"Mikaela Sebastian," anito atsaka tumingin sa kanya.
Napalunok si Mika.
"So, ano'ng alam mo sa pag-aalaga ng bata, Miss Mika?" seryoso ang mukhang tanong nito.
Muling kinain ng kaba si Mika. "Ano nga ba'ng alam niya? Ni hindi pa nga siya nakakahawak ng bata sa totoong buhay. 'A-Amm... Ano po...marami po, Sir," pilit ang ngiting sagot niya.
Napataas ang isang kilay ni Cedric. "Tulad ng?" tanong nito.
"Marunong po akong magpaligo, magpakain, magbihis. Lahat po ng tungkol sa pag-aalaga ng bata marunong po ko, Sir."
Tumango-tango si Cedric.
"So, may experience ka na sa pag-aalaga ng bata?" muling tanong nito.
"Opo!" mabilis niyang sagot.
"Bakit wala namang nakalagay rito?" anito na noo'y muling pinasadahan ng tingin ang resume niya."
"Natutunan ko lang po kasi 'yon sa pag-aalaga ng pamangkin ko, Sir."
Muling bumaling ng tingin sa kanya si Cedric. "Aware ka ba na isang taon palang ang batang aalagaan mo?" anito.
Biglang napalunok si Mika. Mukha kasing mapapasubo siya. Gawa-gawa niya lang ang lahat ng sinabi niya. Kaya bigla siyang namroblema. Paano niya aalagaan ang ganoong kaliit na bata?"
"Bibigyan kita ng isang buwan para gampanan nang maayos ang trabaho mo. Kapag hindi ko nagustuhan, pasensiyahan tayo," ani Cedric nang hindi siya sumagot.
Nanlaki ang mga mata ni Mika. "T-Tanggap na po ako, Sir?" alanganing tanong niya.
"Hindi mo ba narinig ang mga sinabi ko?" nagulat siya nang magtaas ng boses si Cedric. Mukhang maikli lang ang pasensiya nito.
"P-Po?" tanging nasambit niya.
"Tanggap ka na. Kung may kukunin ka pang mga gamit sa inyo kunin mo na atsaka ka bumalik, kung wala naman, hantayin mo na lang ako sa labas."
"Wow! Talaga po, Sir? Hindi po kayo nagbibiro?" muling tanong niya.
Nagsalubong ang kilay ni Cedric. "Look, ayoko sa lahat ang mga taong mahinang umintindi. Ayoko nang paulit-ulit akong nagsasalita. Kung naintindihan mo naman ang sinabi ko, hindi mo na kailangang tanungin ako nang paulit-ulit."
BINABASA MO ANG
Destined To Be Yours
FantasyPaano kaya kung paglaruan ka ng tadhana at kusa kang dalhin ng mga paa mo sa taong pilit mong tinatakbuhan? Meet Nikki, ang stokwang anak-mayaman na kinailangang magpalit ng pagkatao para lang makatakas sa pamilya. Labag sa kalooban ni Nikki ang pa...