Galit na galit si Marco dahil ang akala nya eh may kitaan si Niel at Emily kaya sa kalooban ni Marco, hindi niya alam kung itutuloy pa nya ang plano na pakasalan si Emily.. Nalilito na siya mahirap sa damdamin na nagaalin-langan ka sa lagay nilang dalawa. Pero ni minsan, hindi naman siya niloko ni Emily..
Naisipan ni Marco na puntahan si Niel sa bahay nila para maka-siguro nga kung may namamagitan sa kanilang dalawa.. Ano ka ba Marco! Papakasalan ka nya dahil mahal ka ni Emily.. At wala syang iba.. (mga tumatakbo sa isip ni Marco)
Pagdating ni Marco sa bahay ni Niel, relax na relax lang si Niel doon sa bahay nya naka-higa sa sofa at nakain ng sweets.. Kaya ito namang pinagtaka ni Niel kung bakit sya pinuntahan ni Marco..
NIEL: Pare? Pasok ka oh.. (pinagbuksan ng pintuan si Niel)
MARCO: Oh? (pumasok at umupo sa sofa) Wala ka bang lakad?
NIEL: Wala.. Bakit? (turo sa chocolates) Kain ka oh..
MARCO: Wag na.. Pare, didiretsuhin na sana kita.
NIEL: Ano yun? (binuksan ang isang toblerone)
MARCO: May date o lakad ba kayo ni Emily ngayon? (cold voice)
NIEL: Ha? Si Emily? (humagikhik)
MARCO: Oo.. Si Emily na aking Fiance.. Na aking pinaka mamahal.
NIEL: Marco naman! May girlfriend na ako.. At tska.. Si Emily? Diba ikakasal ka na sa kanya?
MARCO: (napa-tulala) You mean.. (tumingin kay Niel) hindi nga? Wala nga kayong date?!
NIEL: Wala! Jusko naman Marco.. Bakit? Don't say... (tumingin sa mata ni Marco)
MARCO: Napaka-tanga mo talaga Marco! PInagbinatngan mo ang mahal mo!! Hindi ka muna nakinig sa paliwanag nya! Marco, ano ba?! Umayos ka nga! Ikakasal na kayo.. Hindi to dapat maudlot ng dahil sa isang maling akala!! You should have trust to each other.. Tanga ka talaga Marco, napaka laking tanga! (sabi nya sa isip)
Ng biglang may tumawag sa phone ni Niel..
NIEL: Excuse me.. (kinuha ang cellphone sa bulsa at tiningnan ang tumatawag) Wait Marco.. Dyan ka lang..
MARCO: (tumango lang)
EMILY: Niel.. (naiyak) tulungan mo ako..
NIEL: Emily?! (napa.lakas ang boses kaya narinig ito ni Marco)
MARCO: (nagulat) Emily!! Patawarin mo ako, Emily.. (sumigaw)
NIEL: (sumenyas lang ito kay Marco na parang "mamaya na..")
EMILY: Marco? Andyan si Marco?
NIEL: Ah, oo.. Tinatanong nga sakin kung may date tayo.. Tss. Jusko naman..
EMILY: Ha?!! Eh anong sagot mo?! (gulat na gulat ang boses)
NIEL: Syempre, wala.. Eh Emily naman.. Alam ko, mahal mo siya at mahal ka niya. So ayoko naman mang-gulo..
EMILY: Niel, salamat ha..
NIEL: Walang anuman.. Kumalma ka lang ha..
EMILY: Ahhmm.. Niel, pwede favor? Super maliit lang to..
NIEL: Ano yun?
EMILY: Pwede mo bang ipaliwanag mo sa kanya na wala talaga tayong kitaan or date.. Please, ayoko lang magalit sakin si Marco.. Niel.. Please?
NIEL: Okay, okay.. No problem..
EMILY: Sige salamat..
NIEL: Okay.. Bye!
* END CALL *
MARCO: Si Emily yun diba? Anong sabi? (naiiritang tanong ni Marco)
NIEL: Ayun! (binulsa ang cellphone) naiyak!
MARCO: Naiyak? Bakit?! (nagsisimula ng magsalubong ang kilay niya) Kasalanan mo to Marco! Kung bakit naiyak ang pinaka mamahal mo! Kasalanan mo to.. (sabi niya sa isip nya)
NIEL: Alam mo.. Hindi sa lahat ng akala, dapat pinapaniwalaan mo.. Diba sabi nga nila.. "Maraming namamatay sa maling akala." hindi ka ba naniniwala dun? Or wala ka lang talang tiwala sakanya? Give her chance para makapagpaliwanag.. Don't believe in one word.. Malay mo, nagkamali lang siya.. Hindi ka dapat ganyan, Marco.. Fiance mo sya. Dapat may tiwala ka sa kanya..
MARCO: I know.. Nagulat lang talaga ako kani ---
NIEL: Hindi porket nagulat ka, pag bintangan mo siya! Sinasabi ko naman sayo Marco.. Pag sinaktan mo si Emily.. Kukunin ko siya sayo.. Ayaw kong makitang naiyak siya dahil sa isang maliit lamang na pagkakamali niya..
MARCO: Kukunin mo si Emily.. Sakin? (taas kilay)
NIEL: Kung patuloy mo pa din yan gagawin..
c-c-c-c-c-c-c-c-c-c-c
**END OF CHAPTER! **
** VOTES AND COMMENTS, ANYONE? **
Sorry if maikli lang ang Update ^_^

BINABASA MO ANG
Imperfectly Inlove ♛ FINISHED ♛ [CharDawn~Fanfic]
FanficThis story is played by Dawn Zulueta and Richard Gomez. Isa silang mag loveteam noong '90s at sa mahaba nilang pinagsamahan, naging mag syota sila ng 2 taon. Marami man silang fans dati, at sa ngayon ay hindi pa rin nawawala ang mga fans nila.. Hind...