Biyaheng Impiyerno I

135 3 0
                                    

Biyaheng Impiyerno

by_nightmare

I

NANG padaan ang barkada nila jay sa tambayan nila camilla ay katakut-takot na irap ng ipinukol ng huli sa lalaki.

bagay na hindi nalingid sa mga kaibigan niyang sina catherine, rosalina at alma.

"war na naman kayo ni jay?" tanong ni catherine sa kanya.

"oo." nakalabing sagot ni camilla sa kaibigan. 

"bakit na naman?"

"nalaman kong mahilig siyang makipag-flirt sa ibang babae."

"nahuli mo?" tanong naman ni rosalina. 

"oo." 

"nakita mo iyong girl? ano ang itsura?"

"hindi ko nakita iyong girl dahil ako rin iyon."

maang na napatingin sa kanya ang dalawang kaibigan.

"paanong nangyari iyon?" takang tanong naman ni alma.

"gumawa ako ng panibagong fb account na iba ang pangalan at in-add ko siya. ayun, ang bilis niyang tinanggap at nang bigyan ko ng mga picturer ay panay na ang diga."

"saan mo naman nakuha iyong mga pictures na ibinigay mo sa kanya?"

"nakuha ko lang sa internet."

"sira ka talaga. ikaw naman pala ang may kasalanan." sabad ni rosalina.

"ngayon alam niya na ako iyong tracy." ani ni camilla.

"paano niyang malaman? nabisto ka agad?" usisa sa kanya ni alma.

"hindi, ah. talagang nagpabisto ako sa kanya dahil sa sobrang inis ko. kasi ay nagpakita siya sa cam at panay ang

pagpapacute. tapos ang gusto niya ay magpakita rin ako sa cam. ayun, sa inis ko e, di nagpakita ako sa cam. ayun, e di na-shock siya nang makita niya ako."

natawa sina rosalina, alma at catherine dahil sa sinabi niya.

"sana ay nakita namin iyong reaction ni jay nung nakita ka niya. para siguro siya nakakita ng multo." 

"sinabi mo pa." pagsang-ayon naman ni alma sa sinabi ni catherine.

"malapit na ang graduation natin. dapat ay magbati na kayo ni jay. ikaw din, sige ka wala kang gift sa kanya." 

"sa kanya na lang iyong regalo niya." naismid niyang saad.

"ikaw din. baka magsisi ka. isa pa. bago ang graduation natin ay may field trip pa tayo."

hindi na nakakibo si camilla. pero para sa kanya ay hinding-hindi niya na babatiin pa si jay.....kahit pa magunaw na ang mundo...

NANG sumunod na linggo ay maagang gumising si camilla dahil sa fieldtrip nila. sa bahay nila natulog ang tatlong kaibigan.

nang sumapit ang alas-kuwatro ng madaling-araw ay sakay na sila camilla ng kotse ng ate aislin niya. ihahatid sila nito sa school. 

"o, mag-iingat kayo ha?" bilin ng ate aislin niya sa kanilang magkakaibigan bago sila bumaba ng kotse nito.

"yes, ate aislin." sabi ni catherine,

"ingat ka, ate ha." sabay yakap ni camilla sa kanyang nakakatandang kapatid.

hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit nang yakapin niya ang ate niya ay mas mahigpit iyon kesa sa mga yakap niya rito noon. buko doon ay parang naiiyak pa siya.

"tatawag ka sa akin parati at magte-text ka, okay?"

"oo naman, ate. saka two days lang naman kami sa Tera Conde."

"basta lagi kang tatawag sa akin. kung puwede ay every hour kang tumawag sa akin."

nakangiting tumango si camilla sa ate aislin niya bago sila umibis ng tatlong kaibigan mula sa kotse.

^^

Biyaheng ImpiyernoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon