Biyaheng Impiyerno III

96 2 0
                                    

Biyaheng Impiyerno

III

"HUH!"

Nagising si camilla na mabilis na mabilis ang tibok ng kanyang puso. panaginip lang pala iyong.

ang realidad ay narito siya sa bus number thirteen kasawa ang tatlong kaibigan niya at mga schoolmates.

bahagyang lumalaylay ang ulo niyang nakahilig sa balikat ni catherine pero naramdaman ni camilla na inayos iyon ng kaibigan niya. ang nakapagtataka lang ay kung bakit masuyong hinahaplos ni catherine ang buhok niya habang nakahilig siya sa balikat nito.

tomboy ba si catherine?

"i love you."

nanlaki ang mga mata ni camilla nang marinig niya ang boses ni jay. umayos siya ng upo at tumingin sa bintana.

nang tumingin siya sa magkabilang upuan ay saka niya nakitang magkatabing nakaupo roon sina catherine at ang isa sa mga ni jay na si henry.

nakangisi pa sa kanya ang dalawa.

binalingan niya ulit si jay. 

"anong ginagawa mo rito?" maang niyang tanong sa binata.

sa halip na sagutin siya ni jay ay muli nitong inihilig ang ulo niya sa balikat nito.

"matulog ka na ulit. gigisingin na lang kita mamaya."

naramdaman niyang ilang beses na masuyong hinagkan ni jay ang ulo niya.

kaya muli siyang umayos ang upo.

"ayoko nang matulog." aniya.

"bakit?"

"sagutin mo iyong tanong ko. anong ginagawa mo rito? nasa kabilang bus ka di ba?"

"ayoko ro'n. wala ka ro'n eh."

"e ano kung wala ako ro'n? e di ba hindi mo na ako pinapansin?"

"baka kasi soplahin mo lang ako kapag kinausap kita."

"hindi ka rin nagte-text at tumatawag sa akin." paalala niya sa binata.

"pinapalamig ko muna ang ulo mo."

"hindi pa malamig ang ulo ko." nakairag niyang sabi kay jay.

ngumiti ito sa kanya.

"alam ko naman hindi ka na galit sa akin. naririnig kita kanina na tinatawag ang pangalan ko habang nanaginip ka."

napamang siya sa sinabi ni jay.

"tinatawag ko ang pangalan mo?"

"yeah."

bahagyang siyang sumimangot.

"bakit ko naman tatawagin ang pangalan mo?"

"para kang humihingi ng

saklolo. ano ba ang napanaginipan mo?"

biglang natigilan si camilla nang maalala niya ang napanaginipan. parang totoong-totoo iyon. lalo na nang maramdaman niya ang pagtama ng talim ng gulok sa leeg niya.

napakislot siya nang maramdamn niyang ginagap ni jay ang kamay niya.

"matulog ka na ulit." sabi na naman nito sa kanya.

"ayoko nang matulog." 

"o, sige, ako na lang ang matutulog."

"bakit hindi ka ro'n matulog sa mga kaibigan mo?"

"hindi puwede. nanghahalik ako habang natutulog. puwede ko bang halikan 'yung tatlong iyon?"

hindi napigilang mapangiti ni camilla sa narinig na sinabi nito.

may tuwang pumuno sa puso niya ng mga sandaling iyon. kung ang napanaginipan niya ay babala tungkol sa nakaambang panganib pagtungo nila sa terra conde, kakayanin niya sigurong harapin ang anumang panganib basta't nasa tabi niya ang nobyo.

oo nga't bata pa sila ni jay. sixteen lang siya at seventen ito. graduating pa lang sila sa highschool.

hindi na siya natulog ulit. mas masarap kung gising siya dahil nasa tabi niya si jay.

NAGLALARO sila ni jay ng PSP na dala ng nobyo nang matigilan si camilla dahil huminto ang bus na sinasakyan at parang nagtatalo ang driver at ang kasama nilang kondoktor.

"bakit daw, jay?" nagtataka niyang tanong sa nobyo.

"hindi ko alam kung bakit sila huminto. teka, itatanong ko..."

tumayo si jay at lumapit sa driver ng bus. makalipas ang ilang minuto ay bumalik na si jay sa tabi niya.

"ano raw ang nangyari? bakit tayo huminto?"

"naliligaw tayo."

"ano?"

"wala na iyong mga bus na sinusundan natin. hindi na makita ng driver."

"e, nasaan tayo ngayon?"

"walang nakakaalam sa lugar na ito. nasa gitna tayo na apat na magkakasangang daan."

"tapos?"

"sinubukan na ng driver na pumasok sa apat na daan na iyon upang makalabas sa lugar na ito. pero bigo siya. nang pasukin niya ang apat na daang iyon ay dito pa rin humahantong sa lugar na ito."

may kabang pumuno sa dibdib ni camilla ng mga sandaling iyon. ito na ba ang kahulugan ng napanaginipan niya kanina?

DAPAT ay nasa terra conde na sila bagn mag-alas-nuwebe dahil bago mag-alas-singko ng umaga ay umalis na sila sa manila.

pero ngayon ay narito sila sa isang lugar na hindi nila alam kung saang mapa ng pilipinas naroon. at pasado alas-dose na ng tanghali.

hindi nila alam kung may mga taong nakatira rito.

o, kung may tindahan ba dito na puwede nilang bilihan.

inilabas niya ang sandwiches na baon niya. pati na ang juice na nasa tetra pack. walo ang sandwiches at walo rin ang juice. talagang inihanda niya iyom para sa kanilang mga kaibigan at para kina jay.

kinain na rin nila ang mga kutkutin na baon niya. buti na nga lang ay may baon na mineral water si catherine. 

parati silang kumokontak sa kani-kanilang pamilya at mga kakilala pero hindi sila makakontak. walang signal ang cellphone nila sa lugar na iyon.

para silang itinapon sa lugar na iyon. 

lumipas ang mga oras. papadilim na.

gutom na rin silang lahat. wala silang baon na kanin at ulam dahil ang alam nila ay marami namang makakainan sa pupuntahan nila.

iyon pala'y dito sila mapapadpad sa lugar na tulad nito...walang tao, walang tindahan, malayung-malayo sa kabihasnan.

ala-sais pa lang ng gabi ay madilim na madilim na sa paligid.

kaya nasa loob na sila ng bus. may ilaw naman sa loob ng bus pero pinatay na ang aircon para makatipid.

kaya binuksan na lang nila ang mga bintana para hindi gaanong mainit sa loob ng bus. 

may ilang nagbaon ng gitara kaya nagkakantahan ang ilan sa kanila. sina catherine, rosalina at alma ay kasama sina henry, irvin at sammy ay naglalaro ng scrabble. si camilla naman ay nagbabasa ng baon niyang pocketbook. samantalang si jay ay hindi makapag-onlind dahil hindi ito makaconect sa internet. dahil walang signal kaya naglalaro na lang ito ng thirteen skull. kahit nasa ganoon sitwasyon sila aj nasa ilang lugar ay umaasa pa rin silan makakabalik din sila sa manila. kaya hindi nila kailangang magmukmok. 

bukas paggising niya ay magiging okay na ang lahat.

Biyaheng ImpiyernoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon