Biyaheng Impiyerno VI

74 2 0
                                    

Biyaheng Impiyerno

VI'Dream Premonition'

MAKARAAN ang halos anim na oras na biyahe huminto sila jay sa isang gasoline station.

sa di kalayuan ay mayroong fastfood nagpa-take-out na sila ng pizza, spaghetti at soda.

almost one o'clock na ng hapon nang marating nila ang terra conde.

"andito na tayo." pahayag ni jay pagpasok nila sa mismong bayan ng terra conde.

"dito na ba iyon?" duwetong tanong ni irvin at sammy. 

"not exactly. sa baryo tipo tayo pupunta. doon malapit ang kagubatan."

"nakakatakot daw sa gubat na iyon. bukod sa may nananahan daw na mga impakto doon. kaya nakatatakot daw ang mga mangangaso na pumunta sa lugar na iyon.

napatuwid ng upo si sammy.

nang papasok na sila sa baryo tipo ay may muntik nang mahagip si jay.

mabilis na kinabig ni jay ang manibela. pero maski hindi nahagip ng sasakyan nila ang may edad na babae ay natumba pa rin ito kaya mabilis na inihinto ni jay ang sasakyan.

"ALE, pasensiya na ho kayo. hindi ko ho kayo napansin agad."

"walang anuman, mga amang. wala kayong kasalanan. ako ang biglang tumawid ng hindi tinitingnan kung may paparating na sasakyan. medyo malabo na kasi ang aking paningin ko't pandinig. isa pa ay nahilo akong bigla."

"baka ho nagugutom na kayo?" tanong ni sammy. 

"oo nga, mga amang. kaya lang ay ayaw naman akong payagang kumain nung serbidora sa karendirya pati na iyong may-ari. kulang daw kasi ang pera ko."

dudukutin sana ni irvin agad ang wallet sa bulsa pero agad itong sinaway ni sammy.

"huwag na irvin. kumain na lang tayo at isama nating kumain iyong ale."

"tara na ho...ano ho ba ang puwede naming itawag sa inyo?"

"tandang gorang ang tawag sa akin."

"tara na ho sa karendirya, tandang gorang."

sumama ang may edad na babae sa kanilang apat. 

"naku, ang dami-dami na nito, amang."

"sige lang ho, tandang gorang. kumain kayo ng kumain.

"maraming salamat sa inyo. napakabait niyo. 

napangiti si jay sa sinabi 

ng matanda.

"narinig ko nga pala kanina na pupunta kayo sa parang."

"oho, tandang gorang."

"mapanganib sa gubat

na iyon, mga amang. maraming mangangaso ang nagpunta roon at hindi na nakabalik."

nagkatinginan ang apat na magkakaibigan.

"mapanganib ang gubat na iyon hindi dahil sa mga hayop doon kundi dahil sa masamang espiritung nananahan sa lugar na iyon."

"mga maligno ho ba ang ibig ninyong sabihin, tandang gorang?"

"hindi lamang maligno, mga amang. kundi impakto. demonyo. masasamang nilalang ang nasa lugar na iyon kaya kinatatakutan ito."

"pero kailangan ho naming pumunta roon, tandang gorang. may kailangang kaming hanapin." ani ni henry.

"ano ang hahanapin ninyo, amang?" baling ng matanda ky henry.

"kayamanan. o higit pa ho sa kayamanan."

"kung hindi ko kayo mapipigilan, mga amang, mag-iingat na lamang kayo. at tanggapin na lamang ninyo itong munti kong regalo sa inyo.

nagkatinginan silang apat bago tinanggap nila jay ang kuwintas na bigay ng matanda. silver necklace na ang palawit ay crucifix, na ang disenyo ay celtic cross kung tawagin.

"parang nawiwirduhan pa rin ako na ayaw magpahatid sa atin ni tandang gorang tapos nang malingat tayo'y bigla na lang siyang nawalang parang bula. samantalan mabagal siyang maglakad at paika-ika pa, hindi ba?" wika ni henry habang tinalunton nila ang highway...

WALA pa yatang dalawang oras na nakakatulog si camilla nang bigla siyang

maalimpungatan dahil nanaginip siya na parang mahuhulog siya sa isang pagkalalim-lalim na balon.

antok na antok pa rin siya. 

naupo siya sa kama at inihilamos ang dalawang kamay sa sariling mukha. tiningnan niya ang oras sa suot na relo.

past five o'clock pa lang ng umaga.

tatayo na sana siya mula sa kama nang mapansin niya ang mga patak ng

dugo sa sahig. 

bigla siyang natigilan.

tiningnan niya ang mga kamay, braso at ang binti niya, maski ang kanyang paa't talampakan. walang siyang sugat. 

sinundan ni camilla

ang mga patak ng dugo. 

patungo iyon sa lumang aparador na naroon. marahan siyang tumayo at lumapit sa kinaroroonan ng lumang aparador.

ganoon na lamang ang panggigilalas ni camilla nang pagbukas niya no'n ay tumambad sa kanya ang bangkay ng isang babae na may lubid sa leeg at nakalawit ang dila.

"eeeeeee...!!!"

mabilis niyang isinara ulit ang pinto ng lumang aparador at nagtatakbo siya patungo sa pinto ng silid.

"haaaahh! haaah...!!!"

pagbukas niya ng pinto

ay bumungad sa kanya si jay. sa likod nito ay naroon si tata mario.

"ano'ng nangyari?"

"m-may...may dugo! may dugo ro'n...s-sa aparador...!" kandautal na sagot ni camilla sa nobyo.

pero pagpasok nila sa kuwarto ay nagtaka si camilla nang mapansin na wala na ang mga patak ng dugo sa sahig.

"asan na iyong dugo?"

takang nilingon siya ni jay.

maang na binuksan ni tata mario ang lumang aparador. nakasilip doon si jay.

"o, wala naman, ah. pulos mga lumang damit ang narito." ani ni jay.

sumilip si camilla sa loob ng aparador.

wala na ang bangkay ng babae sa loob ng lumang

aparador.

"p-pero kitang-kita ko kanina...."

nanlulumong napaupo si camilla sa kalapit na kama.

"si ursula marahil ang nakita mo."

napatingin sina camilla at jay kay tata mario nang maring nilang nagsalita ito.

"si ursula ho?" maang na tanong ni camilla.

malungkot itong tumango sa kanya. 

"siya ay aking asawa."

"nagpakamatay ho siya?"

muli'y tumango si tata mario.

"oo." pakli nito.

"bakit ho siya nagpakamatay?"

"nang mamatay ang kambal naming anak na sina jeralyn at janice ay hindi iyon matanggag ni ursula. halos mawala siya

sa kanyang sarili. isang araw ay bigla na lang siyang nawala. huli na nang malaman kong nasa loob siya ng aparador. napakasakit noon para sa akin. pagkatapos mawala ang aming mga anak ay ang aking asawa naman ang nawala.

may habag na naramdaman sina camilla at jay kay tata mario.

pero hindi pa rin lubos ang tiwala ni camilla dito. naalala na naman niya ang napanaginipan niya ito at pinatay siya ng may edad na lalaki.

Biyaheng ImpiyernoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon