Biyaheng Impiyerno VIII

91 2 0
                                    

Biyaheng Impiyerno

VIII

KINABUKASAN ng umaga,

"Tata mario, tutulungan n'yo ho ba kaming puntahan ang mga kasama namin na naiwan sa bus?" tanong ni henry sa may edad na lalaki.

matagal na natigilan si tata mario. para pa ngang pagkaraan ay marahan itong umiling.

"hindi puwede."

"bakit ho hindi puwede, tata mario? kayo ang nakakaalam ng pasikut-sikot sa lugar na ito."

"basta hindi puwede." mahina pero mariing sabi ni tata mario.

"pero baka ho alam n'yo kung paano pupuksain ang halimaw na iyon, tata mario?"

"hindi n'yo ba naiintindihan? hindi ko puwedeng puksain o patayin ang mga halimaw!"

nagulat silang lahat nang marinig nila ang pagsigaw na sagot ni tata mario.

'ano ang ikinagagalit ni tata mario?' nagtatakang tanong ni camilla sa isip.

"b-bakit ho tata mario?" lakas-loob na tanong ni camilla dito.

mas lalo silang nagulat

nang bigla na lang tumulo ang luha ni tata mario mula sa mga mata nito.

"hindi ko puwedeng puksain ang mga halimaw." lumuluha nitong sabi. 

"tata mario..."

"hindi ko puwedeng saktan o patayin ang mga halimaw...." umiiling na wika ni tata mario. 

"hindi ko puwedeng saktan o patayin ang SARILI KONG MGA ANAK!"

napatda sina camilla sa narinig. 

'mga anak ni tata mario ang dalawang halimaw.'

"ang dalawang halimaw na iyon ang aking kambal na si jeralyn at janice."

nagulat sila sa nalaman.

"sila ang dahilan kung bakit nagpakamatay ang aking asawang si ursula."

"ano ho bang nangyari, tata mario?" nagtatakang tanong ni jay sa matanda.

"ipinanganak na ho ba silang halimaw? o may nangyaring hindi maganda kaya sila nagkaganoon?"

"isinumpa ako dahil sa ginawa kong kasamaan noon..." gumagaralgal na wika ni tata mario.

"may bagong salta dito sa baryo tipo noon. si tandan gorang at ang apo niyang si teodora. disi-sais anyos pa lang si teodoro pero napakaganda."

'teodora? iyon kaya ang teodora na napanaginipan niya?' nalilitong tanong ni camilla sa isip.

"marami ang nanliligaw sa kay teodora pero napakasuplada niya. napakatalim ng kanyang dila, kung ano ang ikinaganda ng mukha niya ay kabaligtaran ng kanyang pag-uugali. kaya wala siyang kaibigan. at isa pa na bali-balita na isang mangkukulam ang kanyang lola na si tandang gorang." mahabang kuwento ni tata mario.

"mangkukulam ho iyong tandang gorang na sinasabi ninyo? iyong nasa panaginip ko.?" maang tanong ni jay dito.

malungkot na tumango si tata mario kay jay.

"ano ho ang ginawa niya?" tanong ni jay.

"bata pa rin ako noon, disi-nuwebe lang ako. mapusok. tulad ng kaibigan kong si rado. pareho kaming may gusto kay teodora at nagkasundo kami na sabay naming ligawan ang apo ni tandang gorang. pero pareho kaming hinamak at binigo ni teodora. nagtanim kami ng galit sa kanya. at isang gabing lasing kami at nakita naming dumarating si teodora. at doon namin naisip ni rado ang matagal na naming maitim na balak kay teodora. iyon ay ang

pagsamantalahan siya.

hindi makapaniwala si camilla sa naririnig. iyong napanaginipan niya ay totoong nangyari.

hindi sa kanya kundi kay teodora.

"nanlaban si teodora. nagdilim ang paningin namin ni rado. napatay namin si teodora. pero bago siya malagutan ng hininga ay tinatawag niya ang pangalan ng lola niya at mga katagang hindi namin maintindihan. ipinaano namin sa ilog ang bangkay ni teodora. pagkatapos no'n ay bigla na lang nawala rito sa baryo tipo si tandang gorang. pero hindi kami pinatahimik ng kanyang sumpa...

"isinusumpa niya kami sampu ng aming kaapu-apuhan. nag-asawa si rado. nagkaroom ng tatlong anak. pero isang araw ay ay masasamang-loob ang pumasok sa kanilang bahay. pinagsamantalahan ang asawa niya't kapatid sa kanyang harapan. pinatay ang kanyanga asawa, ang kapatid niya. mga magulang at tatlong anak sa kanyang harapan. iyak ng iyak si rado nang makausap ko. nangyari na raw sa kanya ang sumpa ni tandang gorang. pagkatapos no'n ay nagpakamatay sa harapan ko si rado. natakot ako. binata pa ako no'n. makaraan ang dalawang taon ng nag-asawa na ako. tatlong taon na kaming kasal ni ursula nang magbuntis siya.kaya tuwang-tuwa kami..."

lahat sila ay matamang nakatitig at nakikinig kay tata mario habang nagkukuwento ito. gusto nilang maawa rito at sa kaibigan nito. ngunit hindi nila masisisi ang lola ni teodora.

hindi dahilan ang kasungitan at kapalaluan ng isang dalagita upang pagsamantalahan ito at patayin. walang kapatawaran ang ginawa nila ni tata mario at rado sa dalagitang si teodora.

"lalo kaming natuwa ni ursula ng isilang kambal. umaga sila ng isilang no'n. pagkatapos no'n ay nanaginip ako. nagpakita na naman sa akin si tandang gorang sa panaginip ko. sa ika-labing tatlong gabi ay magaganap sa kambal ang sumpa. hindi ko alam kung ano iyon. pero nang sumapit ang takdang oras ay nagimbal kami ni ursula nang maging halimaw sina janice at jeralyn."

"baby pa lang ho sila ay halimaw na?" hindi na 

nakatiis na tanong ni catherine kay tata mario.

malungkot na tumango ang may edad na lalaki.

"oo." anito. nakakalungkot dahil hindi namin mahalikan at mayakap nang mahabang panahon ang aming kambal. kailangan ko silang itali upang walang makakita sa kanila. pero minsan ay sinabi ni tandang gorang sa aking panaginip na kailangang makapatay ng tig-isang daan tao ang kambal upang bumalik sila sa normal na katauhan. kaya pinakawalan ko sila. nagsimula silang maminsala dito sa baryo tipo. nagsimula ring magsilikas ang mga tao rito.

pero marahil ay

umabot na isang libong tao ang naging biktima nila ay hindi parin bumabalik ang aking mga anak sa dati nilang kaanyuan. kaya nagpakamatay si ursula dahil hindi niya matanggap ang sinapit na kapalaran ng mga anak namin."

"kung ganoon na karami ang naging biktima ng mga halimaw, dapat lang na puksain na sila. kahit pa mga anak ninyo sila,

tata mario." wika ni henry.

"madaling sabihin iyan dahil hindi mo sila anak. kung ikaw ang nasa katayuan ko. baka ihanap mo pa sila ng mabibiktima nila.

"hindi gagawin ng matinong tao ang magprotekta sa mga halimaw na tulad nila. hindi n'yo na sila anak. mga halimaw na sila."

galit na dumukwang si tata mario at dinaklot ang kamiseta ni henry sa bandang dibdib.

"wala kang alam! wala kang karapatang sabihin iyan!"

ngunit hindi man lang kinakitaan ng takot si henry.

"mga halimaw ang anak niyo! dapat lang silang puksain!"

galit na itinulak ni tata mario sa inuupuan nito si henry.

Biyaheng ImpiyernoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon