Biyaheng Impiyerno IX

63 2 0
                                    

Biyaheng Impiyerno

IX

"UMALIS na kayo lahat dito! hindi ko kayo kaanu-ano. hindi ko obligasyong tulungan kayo at iligtas mula sa sarili kong mga anak!"

ngayon na ang araw upang balikan ang iba pa nilang kasama na naiwan sa bus. lalo na si sammy.

may natitira pa rin namang kabutihan kay tata mario dahil ipinagamit nito ang dyipni sa kanila.

sakay silang lahat ng dyipni nang makarinig sila ng nakakatakot na ingay. parang pagaspas ng malalaking pakpak at hiyaw ng halimaw ang mga ingay na iyon.

inihinto ni jay ang sasakyan.

madilim na madilim sa lugar na iyon. 

nakakabingi ang katahimikan sa paligid.

nakakakilabot ang dapyo sa balat ng hangin. 

"ano ba?" inis na nilingon si henry.

"bakit?" maang namang tanong ni henry kay rosalina.

"anong bakit? e, panay ang haplos mo sa buhok ko." paasik na sabi ni rosalina sa binata.

"paano kita mahahaplos sa buhok ay may mga hawak ang magkabilang kamay ko?"

itinaas pa ni henry ang dalawang kamay nito ay hawak ang flashlight at ang isang kamay ay hawak na nakasinding sigarilyo.

si henry lang ang nakatayong pinakamalapit sa kanya.

si camilla ay nakatayo sa harapan ni rosalina at henry. at mga apat na

dipa ang layo niya rito

at katabi niya si jay at catherine. nasa mas malayo sina alma at irvin.

"kung hindi ikaw sino ang humaplos sa buhok ko? ramdam na ramdam ko talagang may humahaplos sa buhok ko."

"hindi kaya nagsimula nang magparamdam sa

atin ang mga nilalang sa lugar na ito?" ani ni catherine.

"bukod sa dalawang halimaw ay marami pa raw na ibang nilalang ang makakaengkuwentro ng mga tao rito sa baryo tipo buhat nang dumating rito si tandang gorang at teodora. kaya nga nagsilikas ang mga tao."

"to see is to believe." sabi ni henry.

patawa-tawa pa si henry. pero maya-maya ay may napansin silang maliit na

apoy sa malayo.

doon sila lahat napatingin.

ang nakakapagtataka lang ay parang unti-unting lumalaki ang apoy na iyon hanggang sa maging isa na iyong malaking siga.

nagkatinginan silang lahat.

nagmamadali silang nagsisakay sa dyipni.

"henry, bilis! paandarin mo na itong sasakyan!" naghihisterya nang sabi ni rosalina.

pero natataranta na rin si henry dahil hindi nito maipasok-pasok sa ignition key ang susi.

"henry, ano ba? bilisan mo!"

"huwag mo akong lalong tarantahin. baka sa sobrang taranta ko'y magtatakbo na lang ako at maiwan kayong lahat dito. 

malapit na malapit na sa kanila ang malaking bolang apoy. saka naman biglang napaandar ni henry ang sasakyan.

nang lingunin nila ang abandonadong sementeryo ay wala na ang malaking bolang apoy na tila humahabol sa kanila kaninag,

parang bigla na langg iyong natunaw o naglahong parang bula.

"hay, ang akala ko'y kung ano na ang mangyayari sa atin doon." napabuntong-hiningang sabi ni alma.

subalit hindi nila alam ay iyon pa lang ang simula ng trahedya sa buhay nila.

PARANG ang tagal-tagal na nilang naglalakbay habang nakasakay sa dyipni. parang walang

katapusan ang tinatahak nila.

para ring paikut-ikot na lang sila pero hindi nila marating-rating ang kinaroroonan ng iba pa nilang kasama.

naliliyo na nga si camilla at parang idinuduyan siya. hanggang sa makatulog siya.

nanaginip siyang nakasakay sa dyip. pero iba ang driver hindi si henry. hindi rin niya kilala ang pasaherong naroon.

maya-maya ay pumara siya.

bigla siyang kinilabutan. 

naglakad-lakad siya.

may namataan si camilla na isang malaking puno. parang siyang namangha pagkakita sa puno.

ngayon lang kasi siya nakakita ng ganitong kalaking puno at kambal pa. saka parang ang tanda-tanda na ng puno.

nang lumpas siya sa kambal na puno ay bigla siyang may narinig na nagsalita sa kanyang likuran.

"lumampas ka sa punong iyan." 

paglingon ni camilla sa pinanggalingan niya ay nakita niya ang matandang babae na may bitbit na bilao sa ulo at may bitbit na basket.

"ale, nasaan ho ako?"

"lumampas ka sa kambal

na puno, ineng. hindi ka na makakabalik sa pinanggalingan mo. hindi ka na makakauwi sa inyo."

"ho?"

kinilabutan siya sa sinabi ng matandang babae.

tumalikod na ito sa kanya at kahit na tinatawag niya ay hindi man lang siya nilingon.

sinubukan niyang bumalik sa pinanggalingan niya pero tama ang matandang babae, hindi na siya makakabalik. sa tapat ng kambal na puno ay parang pader na nakaharang at sa tuwing tatangkain niyang bumalik ax nararamdaman niya ang tila pader na iyon.

napaiyak sa takot si camilla. 

mananatili na lang ba siya rito habambuhay?

ano ang mangyayari sa kanya sa lugar na ito?

makikita niya pa ba ang ate aislin niya?

ang mga kaibigan niya?

ang nobyo niyang si jay?

higit sa lahat, ano ang nasa lugar na ito.

oh, my god.

dito na ba siya mamamatay?.....

Biyaheng ImpiyernoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon