Biyaheng Impiyerno
V
TULUYAN nang nakapasok ang halimaw
na nasa bandang bintana. sinunggaban nito ang isa nilang kaklaseng babae.
magkakatulong sina irvin, henry at sammy sa paghampas sa halimaw gamit ang ilan piraso ng bakal na nakita ng mga ito sa ilalim ng upuan na nasa dulo.
nang makapasok ng bus ang isa pang halimaw at sinunggaban nito si catherine ay hinila na naman nina camilla at jay.
ang iba nilang kasama ay nagtakbuhan na palabas ng bus. ngayong nasa loob na ng bus ang dalawang halimaw ay ang madilim na labas ang higit na kaligtasan.
iyon din marahil ang nasa isip ni jay kaya hinila si camilla palabas ng bus.
takot na takot si camilla habang tumatakbo sila ng nobyo palayo sa bus.
HINDI alam nina camilla at jay kung gaano na sila katagal tumatakbo.
nakaramdam lang sila ng pagod kaya sila tumigil at naupo sa ilalim ng isang malaking puno.
"paano sila catherine, alma at rosalina? ano na ang mangyayari sa kanila?" umiiyak na tanong niya sa nobyo.
"hindi ko alam, baby. ang inaasahan ko'y magiging masaya at memorable para sa ating lahat ang fieldtrip na ito dahil nga graduating na tayo two months for now. hindi ko akalaing magiging ganito tayo. na sa ganito hahantong ang lahat." malungkot na wika ni jay.
"makakaalis pa ba tayo sa lugar na ito, jay?"
"hindi ko alam. siguro...sana...?"
humilig siya sa balikat ng nobyo. they only have each other now. silang dalawa lang ng nobyo ang puwedeng tumulong sa isa't-isa. ang bawat isa lang ang maaasahan nila.
"nakikita mo ba iyon?"
bigla siyang natigilan nang marinig niya ang tanong na iyon ni jay. umayos siya ng upo at saka tumingin sa nobyo.
"ano iyon?"
"may nakikita akong ilaw sa banda roon. parang may bahay doon."
tiningnan niya ang lugar na itinuturo ni jay.
may ilaw nga roon. parang may bahay nga.
napapagod na nga siya at inaantok pa. nagugutom din. gusto niyang kumain, magshower at matulog.
"pumunta tayo roon,"
"pero hindi kaya bahay iyon ng halimaw?" nag-aalang tanong niya sa nobyo.
"sa tingin mo'y may bahay ang mga halimaw?"
nagkibit siya ng balikat.
"ewan ko."
HABANG papalapit sila sa bahay na nakita ni jay ay nakakaramdam ng kaba sa dibdib si camilla.
lalong nadagdagan ang kaba niyang iyon sa tuwing hahakbang sila
palapit sa bahay.
"jay..."
"bakit?"
"kinakabahan ako...."
hinigpitan ni jay ang paghawak sa kamay niya.
"don't worry, i'm here."
nag-ipon ng hangin sa dibdib si camilla upang patuloy niyang maihakbang ang mga paa.
nang malapit ng malapit na sila sa bahay ay saka may biglang naalala si camilla.
parang pamilyar sa kanya ang lugar na ito...ang bahay na ito.
tama! ito iyong bahay sa panaginip niya. ito iyong may nagtitinda ng gasoline na nakabote.
bumilis ang tahip ng dibdib ni camilla.
"tao po! tao po...!" tawag ni jay.
nang lumabas ang isang matangkad at may edad na lalaki mula sa bahay ay parang ibig himatayin ni camilla sa kinatatayuan.
nasa harap niya na ngayon ang may edad na lalaking luwa ang mata...gaya ng nasa panaginip niya.
@_@
nanginginig siya at nanlalamig nang husto. bagay na hindi nalingid kay jay.
"are you okay?"
marahan siyang tumango. pero hindi niya magawang makapagsalita. pakiramdam niya'y parang may bumara sa lalamunan niya.
lalo pa siyang nakaramdam ng takot nang mapansin niyang matamang nakatitig sa kanya ang lalaki.
'oh my god!"
"anong ginagawa n'yo rito? tagasaan kayo?" narinig niyang tanong ng lalaki sa kanila ni jay.
"manong, naligaw ho kami rito sa lugar na ito?"
"paano kayong nakarating sa lugar na ito?"
"sakay ho kami ng bus. naligaw ang bus namin at napadpad kami rito. hindi na makaalis sa lugar na ito ang bus namin at kanina ay sinalakay kami ng dalawang halimaw...."
"halimaw?" sambit ng may edad na lalaki.
"oho, dalawang halimaw ang sumalakay sa loob ng bus kaya kami napadpad dito. baka nga ho wala nang natirang buhay sa mga kasama namin.
sa narinig na sinabi ng nobyo ay napaiyak si camilla.
PINATULOY sila ni tata mario sa bahay nito. habang nagpapahinga si camilla sa maliit na silid doon ay hindi niya maiwasang isipin ang mga kaibigan niya at ang iba pa na kasama sa bus number thirteen.
naiisip niya rin ang ate aislin niya.
paano kung hindi na sila magkita ng ate niya?
paano kung hindi na sila makabalik lahat sa kani-kanilang pamilya?
paano kung dito na sila mamatay?
ngayon ay naiintindihan niya na kung bakit niyakap niya nang mahigpit ang ate aislin niya bago sumakay nila catherine ng bus. kung bakit para siyang maiyak ng mga sandaling iyon.
ngayon ay alam na niya.
'premonition'
....dahil malapit na ang kamatayan niya.
naalala niya pa na nang papunta sila sa school kaninang madaling-araw ay may itim na pusang biglang tumawid sa kalsada.
biglang tinapakan ng ate aislin niya ang break no'n kaya halos mapasubsob silang lima na nasa loob ng sasakyan.
may lungkot na pumuno sa puso ni camilla nang maalala iyon. ngayon ay ay nakaamba nang panganib sa buhay nila jay at ng iba pa....
![](https://img.wattpad.com/cover/5476903-288-k528434.jpg)
BINABASA MO ANG
Biyaheng Impiyerno
Mystery / Thrillerheng impiyerno by_nightmare TEASER SCHOOL fieldtrip. Labing-tatlong bus ang nirentahan ng eskuwelahan para sa nasabing fieldtrip nga mga estudyante. At nasa BUS-13 ang magbabarkadang sina camilla, catherine, rosalina at alma. Naroon din ang barkada...