Biyaheng Impiyerno
VII
NAGPATAY ng manok si tata mario at iyon ang binarbekyu nila sa likod bahay.
"alam mo bang napanaginipan ko kagabi sina henry, irvin at sammy?"
napatingin si camilla sa nobyo nang marinig niya ang sinabi nito.
"weird nga ang panaginip ko. nagpunta raw kami ng terra conde. pero ang pakay daw namin ay ang kagubatan ng baryo tipo. tapos pagdating namin sa terra conde ay may nakilala kaming isang weird na matandang babae."
"bakit weird?"
"binalaan niya kami sa panaginip ko. delikado raw ang pumunta sa kagubatan. binigyan niya pa kami ng tig-iisang kuwintas na crucifix ang pendant. tandang gorang ang pangalan niya..."
"tandang gorang?"
sabay na napalingon sina camilla at jay nang marinig nila ang nagsalita ito.
"bakit ho, tata mario? may kilala ho kayong tandang gorang?"
"iisa lang ang tandang gorang na kilala ko. isang masamang tao ang taong iyon. isa siyang mangkukulam na gumagamit ng itim na kapangyarihan. siya ang dahilan kung bakit nawalan ako ng pamilya at nag-iisa ako ngayon."
galit ang itsura ni tata mario ng pumasok ito sa loob ng bahay.
nagkatinginan sina camilla at jay.
"jay..."
"bakit?"
"si tata mario ay napanaginipan ko rin. hindi ko pa siya nakikita o kilala nang mapanaginipan ko siya. noong natutulog ako sa bus siya ang napanaginipan ko. hinahabol niya raw kami ng ate ko. naabutan niya ako at tinagpas niya ng hawak niyang gulok ang ulo ko."
"oh, god."
"kaya ganoon na lamang ang takot ko nang makita ko si tata mario."
hindi nakakibo si jay. halatang nag-iisip ito.
kung ang isang mabuti at mabait na tulad ni tandang gorang ay masama pala sa realidad. at ang masamang tata mario ay mabuti pala...marahil ang panaginip ay kabaligtaran sa totoong buhay...
^^
NAGKATINGINAN sina camilla at jay nang marinig nila ang pamilyar na boses na bagong dating.
mabilis na tumindig si camilla at jay. tinungo nila ang harapan ng bahay.
ganoon na lamang ang tuwa ni camilla nang makita niya ang mg kaibigan. kasama rin nito ang mga kabarkada ni jay.
"camilla!"
tuwang lumapit kay camilla si rosalina. at yumakap din si alma at si catherine na napansin niyang may sugat sa braso.
"anong nangyari sa inyo?"
"muntik na akong mamatay. akala ko katapusan ko na. pero iniligtas ako ni henry. ang kaso si sammy ang napagbalingan ng halimaw."
"nasaan pala si sammy?"
"napuruhan siya ng halimaw sa binti niya at sa may tagiliran."
"patay na siya?" gulat na tanong ni jay kay henry.
"hindi pare. pero hindi na niya kaya maglakad at kasama din niya ang mga
schoolmates natin."
habang nag-uusap sila ay nakikinig lang si tata mario. nagtataka tuloy nang husto si camilla. sa lugar na ito nakatira si tata mario pero parang hindi ito natatakot sa mga halimaw.
BINABASA MO ANG
Biyaheng Impiyerno
Mystery / Thrillerheng impiyerno by_nightmare TEASER SCHOOL fieldtrip. Labing-tatlong bus ang nirentahan ng eskuwelahan para sa nasabing fieldtrip nga mga estudyante. At nasa BUS-13 ang magbabarkadang sina camilla, catherine, rosalina at alma. Naroon din ang barkada...