Biyaheng Impiyerno
by_nightmare
HULING KABANATA
"CAMILLA?"
"Huh!"
bilang naalimpungatan
si camilla nang marinig ang boses ni jay.
pagmulat niya ng mata ay nakita niyang nakatunghay sa kanya si jay hawak nito ang kamay niya.
"nanaginip ako..."
magsasalita na sama si jay pero biglang huminto ang sasakyan.
saka nila narinig ang pagaspas na naman tila malalaking pakpak na umaali-aligid sa kanila.
mabilis silang nagsibaba mula sa dyipni. takot na takot sila.
ang totoo'y nanlalambot nang husto ang mga tuhod ni camilla dala ng matinding takot ng mga sandaling iyon.
pero hawak pa rin ni jay ang kamay niya kaya nagpapasalamat siya dahil doon.
nasa tabi sila ng dyipni. saka dumating ang halimaw. umilag silang lahat. pero ang isang halimaw ay nadagit si henry.
nataranta sila...
nagimbal...
"henry!"
"t-tulong! tulungan n'yo ako...!"
naririnig nilang sigaw ni henry habang umiikot-ikot sa itaas nila ang halimaw na nakadagit dito.
"henry, pare. lumaban ka."
nanlaban nga si henry at sa paglalaban nito ay nasaktan ni henry ang halimaw.
nakakapangilabot ang ungol ng halimaw. at ang sumunod na eksena ay higit na nakakagimbal.
binitiwan ng halimaw si henry kaya bumagsak ito sa lupa.
ang bilis ng pangyayari. ni hindi sila nakakilos agad upang saklolohan si henry.
bumagsak ito sa lupa at tila nagkikisay bago ito nalagutan ng hininga.
"henry....!"
mabilis silang lumapit sa kinaroroonan ni henry. pero si irvin ay hindi na nakalapit sa namatay na kaibigan.
bigla kasing sinalakay ng isa pang halimaw si irvin at naglaban ang dalawa.
napaiyak si camilla nang makita ang kalunos-lunos na itsura ni henry. patay na ito pero nakadilat ang mga mata.
nangingilid ang luha sa mga mata ni jay nang haplusin nito ang mukha ni henry upang ipikit ang mga mata nito.
saka sumulpot sa harapan nila si tata mario. bitbit ng may edad na lalaki ang nangingintab nitong gulok.
"patay na ang isa sa mga kaibigan namin ngayon. hindi namin alam kung ilan ang namatay sa iba pa naming kasama sa bus. iyong isa naming kaibigan do'n na sugatan ay baka patay na rin." wika ni jay kay tata mario.
"patawad..."
"patawad? iyan lang ang masasabi n'yo? walang kapatawaran ang ginagawa ng mga halimaw na iyan! wala ring kapatawaran ang ginagawa ninyong pangungusinti sa kanila.
"anak ko sila..."
"hindi mo sila anak. nawala na ang mga anak n'yo nang tumalab ang sumpa ni tata gorang."
"mga alagad sila ng mangkukulam na iyon. mga halimaw sila." dagdag pa ni jay.
napayuko si tata mario.
"sabihin niyo sa akin...ganoon ba kahalaga ang buhay ng mga halimaw na iyan at kailangang magbuwis ng buhay ang libu-libong tao para sa kanila? mula sila sa impiyerno kaya dapat lang silang puksain!"
inabot ni tata mario ang gulok kay jay.
"patayin mo sila. dahil hindi ko sila kayang patayin o saktan man lang."
nang kunin ni jay ang gulok ay naglabas ng baril si tata mario.
"tandaan mo, sa puso mo sila asintahin upang mamatay sila. at ang gulok na 'yan lang ang tanging makakapatay sa kanila."
"pero para saan ho ang baril na 'yan?" nagtatakang tanong ni jay sa may edad na lalaki.
nang biglang binaril ni tata mario ang sarili.
naitakip ni camilla ang dalawang kamay sa
mukha niya. sindak na sindak siya.
nang walang anu-ano'y palapit na ang halimaw kay camilla.
"jay!"
mabilis na kumilos si jay. itinaas nito ang
kamay na may hawak na gulok at inasinta sa puso ang halimaw.
sumingasing itong bumagsak sa lupa ang katawan ng isang halimaw sa tabing bangkay ni henry.
"pare,..!" hingi ng saklolo ni irvin kay jay.
saka dinaluhan ni jay si irvin. nakahandasuy na sa lupa si irvin. lumalaban pa rin sa halimaw kahit nanghihina.
mula sa likuran ng halimaw ay inasinta ni jay ang puso nito.
bumagsak sa lupa ang halimaw. tulad ng isa pa'y wala na rin itong buhay.
PATAY na si sammy at
ang kundoktor ng bus. ang driver ay naghihingalo na kaya hindi nito kayang mag-drive.
matapos nilang isakay sa bus ang bangkay nila sammy, henry at ng kundoktor ay pinaandar na ni jay ang bus.
sa school nila ay matiyagang naghihintay ang kani-kanilang pamilya. napansin nila ang mga nakatirik na kandila sa ground ng eskuwelahan.
may prayer vigil pala ang mga schoolmates nila, pamilya at mga teachers para sa kanila....para sa kaligtasan nila.
magkahawak ng kamay sina camilla at jay nang lumapit sila sa ate aislin niya.
umiiyak ang ate niya nang yakapin siya nang mahigpit.
pero mas mahigpit ang yakap na isinukli ni camilla sa nakakatandang kapatid. ang buong akala niya ay hindi na sila magkikita nito.
pero heto, ligtas sila at nakabalik sa kani-kanilan pamilya...maliban nga lang kina henry at irvin. at sa kundoktor ng bus. gayundin sa driver ng bus na sa kalagitnaan ng biyahe ay binawian na rin ng buhay.
hindi niya malilimutajm ang pagkamulat ni tata mario sa katotohanan at ang katapangang ipinamalas ni jay nang sagupain nito ang mga halimaw.
subalit ang hindi niya malilimutan talaga ay ang minsan nilang biyaheng iyon....ang biyaheng impiyerno....
^^WAKAS...
BINABASA MO ANG
Biyaheng Impiyerno
Mystery / Thrillerheng impiyerno by_nightmare TEASER SCHOOL fieldtrip. Labing-tatlong bus ang nirentahan ng eskuwelahan para sa nasabing fieldtrip nga mga estudyante. At nasa BUS-13 ang magbabarkadang sina camilla, catherine, rosalina at alma. Naroon din ang barkada...