Biyaheng Impiyerno IV

90 2 0
                                    

Biyaheng Impiyerno

IV

NAALIMPUNGATAN si camilla nang makarinig siya ng sigawan at kalabugan. nakita niya si jay na biglang dumukwang sa may gawi ng bintana at agad nito iyong isinara. pati ang kurtina ay isinara nito.

"jay? ano'ng nangyayari?" maang niyang tanong sa nobyo.

napansin niyang pinagpapawisan si jay at parang ninenerbiyos ito ng husto.

"jay....?"

"hindi ko rin alam kung ano iyon."

"anong ibig mong sabihin?"

"may bigla na lang bumagsak sa bubungan ng bus. parang tao. tapos may isa pang bumagsak. tapos narinig naming parang halimaw na sumisingasing ang mga ito....

"ano?"

"si jonatahan ang nadale noong isang halimaw." sabi ni jay.

"anong nadale? anong nangyari kay jonathan?" magkasunod na tanong ni camilla sa nobyo.

"may malaki siyang sugp nang bigla siyang sakmalin ng halimaw mula sa bintana. pilit siyang hinihila palabas ng bus mula roon sa bintana pero tinulungan siya ng iba nating schoolmates na makaligtas.

"oh my god..."

tatayo sana siya upang tingnan si jonathan pero biglang humamapas nang malakas sa bintana sa gawi niya.

"jay!"

hinila siya ni jay upang mailayo sa bintana. tumindig sila pareho. 

karamihan sa mga kasma nila sa bus ay nakatayo na sa aisle sa pinakagitna ng bus. wala na ang mga ito sa kani-kanilang upuan tulad nilang dalawa ni jay.

nakatayo sa tabi nila sina catherine, rosalina at alma. sarado rin ang bintana sa upuan ng mga ito pero ang kurtina ay nakahawi. kaya kitang-kita nila nang sumulpot doon ang halimaw at kalampagin nito nang paulit-ulit ang bintana,

napatili si camilla. gayundin ang iba pa nilang kaklase.

takot na takot sila.

nakakatakot ang itsura ng halimaw. maitim ito at malaki. bukod doon ay nanlilisik ang mapupula nitong mga mata. ang mga kuko nito ay mahahaba at ang ngipin nito ay parang matatalim na labaha ang itsura.

sumisingasing ang halimaw. kinakalampag nito nang malakas ang bintana at halatang gusto nitong makapasok sa loob ng bus.

natatakot sila na baka mabasag nito ang bintana at tuluyan na itong makapasok. tiyak na mapapahamak silang lahat.

sumisigaw ang driver at kundoktor na humawak sila ng bagay na maaaring ipanghataw o ipanghampas sa halimaw kung sakaling magtagumpay itong mabasag ang bintana at makapasok ito sa loob ng bus.

pero naghahanap pa lang sila ng bagay na puwede nilang magamit na pagtatanggol laban sa halimaw ay biglang sumolpot ang isa pang halimaw ay biglang sumulpot ang isa pang halimaw na tila tumutulong na basagin ang salamin ng bintana.

lalo silang nagsisigaw sa sobrang takot.

nagkaroon na ng lamat ang salamin ng bintana. saka biglang nawala ang isang halimaw.

maya-maya ay naramdaman nilang tila umaalog ang bus. saka nila narinig ang malalakas na bayo sa ibabaw ng bus.

nasa itaas ang isa pang halimaw at doon nito sinusubukang dumaan sa pamamagitan ng pagbutas sa bubungan ng bus.

'oh, my god!'

'tulungan n'yo po kami, diyos ko.'

mahinang dasal ni camilla. magkahawak sila ng kamay ni jay. maya-maya ay inihilig ni jay ang ulo niya sa dibdib nito.

naramdaman ni camilla na may kumapit sa isang braso niya. nakatalikod siya kaya hindi niya masiguro kung si catherine, alma o si rosalina.

naalarma sila nang tuluyan nang mabasag ang salamin ng bintana at kasunod no'n ay nabutas na rin nang bahagya ang bubungan ng bus.

"eeeee.....!!!"

tilian ang mga babae. ang mga lalaki ay nataranta sa paghahanap ng puwedeng ipanlaban sa dalawang halimaw.

nagpipilit nang pumasok ang isang halimaw sa bintana gayundin ang isa pa sa bandang bubungan ng bus.

nag-panic na ang iba nilang kasama. nagpilit ang mga itong buksan ang pinto ng bus, sa kabila ng pagbabawal ng driver at kundoktor.

Biyaheng ImpiyernoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon