Narinig ko ang singhap ni Victoria mula sa aking likuran. Bahagya pa niyang hinila ang damit ko.Nakita ko namang handa na ang barkada sa magaganap.
Sinenyasan ko si L at mabilis naman niyang inalis doon si Victoria.
"You really got the nerve to fight me, young boy! You don't know me huh?" maangas na saad ng lalaki at kaagad na humataw ng suntok.
Mabilis naman akong umiwas sabay bigwas din ng kamao. Natumba siya sa mga mesa sa likuran. Rinig ko pa ang ingay ng pagkapabasag.
Kaagad naman itong bumangon at muling sumugod. Nakisali na din sa away ang mga alipores nito at hinarap ang mga kaibigan ko.
May dumampot ng silya at akmang ihahampas sa likuran ko pero kaagad akong nakaikot at sinalubong ng sipa ang silya.
Inundayan ko ng magkasunod na suntokang sinumang sumusugod sa akin.
Nagsialisan ang mga nagsasayaw sa gitna maging ang nasa mga sofa dahil sa takot na madamay o matamaan sa aming kaguluhan.
Natigil lang kami ng magsilapit ang mga bouncer at pinigilan kami.
Pinahid ko ang dugo sa gilid ng aking labi. Mabilis namang yumakap si Victoria sa akin.
"Xav, lets go..." aya niya sa akin sabay hila.
Tumango ako at hinawakan sa bewang si Victoria saka tumalikod. Kinausap na nina L ang mga bouncer at sumunod na rin sa akin.
"Hey! I'm not done yet! You fvcker!" isang malakas na hiyaw ang ang nagpatigil sa amin sa tangkang pagsakay ni Victoria.
"Go babe.. Get in.." utos ko at pinapasok ko na siya.
Hinarap ko ang lalaki.
"Then lets get it done.." walang expression kong saad.
Mabilis na bumunot ng baril ang lalaki at kaagad na nagpaputok pero dahil natantiya ko na ang gagawin niya ay walang hirap akong nagtambling upang umiwas.
Narinig ko pa ang tili ni Victoria.
Fvck! Gusto talaga nitong mamatay.
Sunod sunod ang putok ng baril sa parking lot habang palipat lipat naman ako ng pwesto.
Sinilip ko siya mula sa likod ng isang kotse ng tumigil ito sa pagpapaputok.
Nakita kong nagpalinga linga siya at hinahanap ako kaya walang pakundangang tumayo ako at mabilis na tinakbo ang pwesto niya saka siya sinipa.
Tumilapon ang baril na hawak niya at di ko na hinintay pang makabawi. Ginulpi ko na siya hanggang sa di na ito makabangon pang muli.
"Stop it! Xavier lets go.." hila sa akin ni Victoria. Sinipa ko pa ito ng isang beses bago tinalikuran. Di na rin naman ito halos makagalaw sa ginawa ko.
Inihatid ko muna si Victoria sa kanila bago ako umuwi.
Nasa sala sina mommy at daddy at mukhang nag-eenjoy sa panonood ng tv.
Napakunot noo ako habang nilapitan sila at humalik kay mom.
"Why are you here? I mean, bakit kayo dito nanonood ng movie insted of doing it in the entertaintment room?" natatawa kong tanong.
Yeah, nakakapagtaka kasi na dito sa sala sila nanood samantalang may entertaintment room naman kami.
Tumawa si dad.
"Eto kasing mommy mo eh namimiss daw ang bahay niya sa pilipinas." sagot ni Dad at kaagad namang napanguso si mom.
Naupo na din ako sa tabi nila.
"Doon kina lolo?" ako.
"Nope! Yong ginawa kong HQ dati. Ganito kasi kami ni Dad mo doon eh.." nakangiting sagot ni mom.
Oh how sweet..
Napangisi na din ako.
I so love my parents at gusto kong maging ganito din kami ni Victoria ka sweet even in our older days..
Nakisali na din ako sa kanila at namimiss ko ang bonding namin. Sayang at wala si Xyra dito. Walang maingay..
Nagpakuha naman si mom ng meryenda kina manang kaya inabot kami ng magdamag sa kapapanood ng movies.
Alas dose na ng magpasya si mom na matulog at inaantok na.
"Tara tulog na tayo.." aya ni mom. Kaagad namang tumayo si Dad at inalalayan si mom sa pagtayo din. Parehas kasi silang nakasalampak sa carpet at nakasandal si mom sa balikat ni Dad kanina.
"Ako na lang ang magliligpit.." saad ko.
Humalik muna ako kay mom saka sila umakyat sa kanilang silid.
Pinatay ko na ang tv at iniligpit ang pinagkainan namin. Hinugasan ko na rin bago ako nagtungo sa aking silid.
I toke off my clothes at nagshower.
Patapos na ako ng marinig ko ang ingay ng aking cellphone.
Tsss... Xyra kailan mo ba talaga maalalang hating gabi dito sa tuwimg tatawag ka..
Naiiling ako na nagtapi ng tuwalya. Pag kasi ganitong oras ay tumatawqg ang kambal ko na kahit anong sabi kong hating gabi dito ay tinatawanan niya lang.
Nagmamadali akong lumabas upang sagutin ang tawag dahil wala pa rin talagang tigil ang katutunog ng aking cp.
Di ko na tinitingnan kung sino ang tumatawag at inaccept ko na agad.
"Baby, how many times do i need to tell you not to call me this hour! Its midnight!" asik ko na may halong lambing pa din.
"Xav, its L.." sagot ng nasa kabilang linya.
Napakunot noo ako at tiningnan ang caller id.
Si L nga..
"O,L wazzup?" tanong ko kapagkuwan.
"Its... Its about Victoria.." narinig kong humugot ng isang malalim na buntong hininga ang kaibigan ko.
"What about her? What L?" kinabahan ako sa tuno ng boses ni L.
"She's... She's kidnaped Xav.. Just come here. Were in her house.." usal nito at pinutol na ang tawag.
Nagmamadali akong magbihis at patakbong bumaba.
Nagkasabay pa kami ni mom sa paglabas ng kwarto.
"Xav? Where are you going?" tanong ni mom sa pagmamadali ko.
"Victoria..." sagot ko ng di man lang lumingon.
Tuloy tuloy ako sa garahe at kinuha ang susi nv aking motor.
Muling tumunog ang cp ko kaya mabilis ko itong sinagot.
"Viper... So tough..." saad ng nasa kabilang linya. Mas lalong kumunot ang noo ko.
"Who are you?" asik ko.
Halakhak ang naging tugon nito sa akin.
Halos mawasak na ang cp ko sa higpit ng pagkahawak ko nito.
"You almost killed my brother.. Now im letting you pay.. I have your girlfriend.. Met me.." saad nito.
Narinig ko ang isang tili mula sa backgound kaya halos sipain na ang dibdib ko sa kaba.
Victoria!
"Fvck! Don't touch Victoria! I' ll kill you if you hurt her!" sigaw ko at mabilis na sumakay sa motor saka pinaharurot papunta kina Victoria.
I will kill you whoever you are! Fvck!
BINABASA MO ANG
Inlove with the DEVIL [ILYMG series 2]
ActionRein Xavier Vena San Diego Story Can you Love the man even the darkest part of him?