Vernice POV:
Hindi ako umiimik sa loob ng kotse. Ayoko siyang kausapin. Tila wala rin naman itong balak na kausapin ako.
Tumunog ang cp niya pero di ako nag-abalang sulyapan siya. Naaasar pa din ako sa ginawa niya.
Kahit parehas kaming tahimik ay di ko pa rin maiwasang sulyapan si Xavier na seryosong nagmamaneho. Tila may malalim din itong iniisip.
Nasaan na kaya ang babae sa picture? Ngayon ko lang narealize na wala na pala akong alam tungkol sa kanya mula ng huli ko siyang makita 7years ago.
Nanatili ang tingin ko sa kanya. He has a soft feature gaya ni Tita Lian. Pero bakas ang mabagsik na aura sa kanyang matalim na mata at tikom na labi. Tila ba lagi siyang galit.
"Stop staring.. You can't have a crush on me.. You're not my type.." biglang sabi nito at nakangisi pang lumingon sa akin.
Halos malaglag ang panga ko sa pagkabigla.
What!?
"Conceited! Hinding hindi ako magkakacrush sayo noh! Asa ka pa!" singhal ko sa kanya at saka pairap na ibinaling ang aking tingin.
Humalukipkip ako at tiningnan ang aming daraanan. Pero napaayos ako ng upo ng makita ang malaking gate ng palasyo.
"Teka! Bakit dito mo ako dinala? You should take me to my condo, not here!" nagpapanic na saad ko.
Ayokong malaman ni dad na hinayaan ako ng aking PSG sa madilim na bahaging iyon. Tiyak na pagagalitan sila ni dad. At magiging kasalanan ko pa kung tatanggalin sila sa trabaho.
OMG! No it can't be..
"Hoy! Naririnig mo ba ako? Huwag na tayong tumuloy please?"pagmamakaawa ko.
Tila hindi niya naman ako pinakikinggan kaya napahalukipkip nalang ako sa tabi.
Napabuntong-hininga nalang ako ng pumarada kami sa harap ng mansion. Kinalas ko ang seatbelt.
Mabilis namang lumapit ang guard upang pagbuksan ako ng pintuan. Nakasimangot at padaskol akong bumaba at inirapan ko pa muna siya bago tuloy tuloy na pumasok sa bahay.
Mukhang wala pa sina dad dahil tahimik ang kabahayan. Nakapagtataka lang na madilim sa sala at tanging ang kusina lang ang may ilaw.
Naramdaman ko na ang yabag ni Xavier sa aking likuran kaya hinagilap ko na ang swith ng ilaw.
"Surprise!"
Kasabay ng pagbaha ng liwanag sa buong kabahayan ay ang masayang sigaw na nakapagpagulat sa akin.
Bumungad sina Ate Nian, Ate Xyra, Ate Kathleen, Kuya Darrene and si Nicole na di ko inaasahang narito sa pinas.
She was the daughter of tita Nicnic and tito Brad. Mas matanda lang siya sa akin ng isang taon kaya di ko siya magawang tawaging ate.
"Woah! Anong meron?" nagtatakang tanong ko. Wala kasi akong maisip na okasyon kung bakit sila andito.
Ngumisi naman sina ate at masayang lumapit sa akin saka yumakap. But i saw in my peripheral vision na lumapit si Nicole kay Xavier at humalik sa pisngi nito. Bahagya tuloy akong napasimangot lalo pa at nakita kong napangiti pa si Xavier.
Tss.. Sa iba ang bilis ngumiti sa akin laging nakasimangot o kaya poker face.
Kaagad na iniwas ko ang tingin sa kanila at binalingan sina ate.
Nakatingin din pala sila kina Nicole.
"Wala Ann.. Namimiss ka lang namin. Tsaka nahila lang ako ni ate Nian dito noh!" natatawang saad ni ate Xyra.
BINABASA MO ANG
Inlove with the DEVIL [ILYMG series 2]
AcciónRein Xavier Vena San Diego Story Can you Love the man even the darkest part of him?