Viper (Rein Xavier) on the multimedia..
----
Sumandal ako sa malamig na pader at pinagmasdan ang paligid. Maraming tao ang paroo't parito sa buong lugar. Iba' ibang lahi..
Magulo at maingay. Magkahalong amoy ng alak at sigarilyo ang nangingibabaw sa buong lugar. May mga babaeng halos wala ng maitago sa ikli ng suot habang nakikipagharutan sa mga kalalakihan.
Mayroon ding nakaupo o kaya ay nakasandal sa kanilang nag gagarbuhang kotse habang nagmamayabang sa ganda ng porma at tibay ng pagkagawa ng mamahaling makina ng kanilang sasakyan.
Mayroon namang nakikigulo upang makipagpustahan sa gaganaping karera. Maingay, mausok, at magulo.
Ano pa nga ba ang aasahan mo sa isang mafia city dito sa New York? Ang lugar kung saan nagkalat at malayang gimagalaw ang mga krimenal at masasamang loob na hindi magagalaw ng gobyerno.
Ang lugar kung saan pinamumunuan ng nag-iisang Uno ng mafia. The Ruthless monster with her Twin heirs and Gangster King husband.
Napangiti ako ng makitang kumakaway sa akin si Victoria, the love of my life. Ang babaing nagpapatino sa demonyo kong utak.
Umalis ako sa pagkasandal sa pader at nilapitan sila sa kanilang pwesto. Uu sila, kasi kasama niya ang buong barkada namin na nakaupo sa nakahelirang bench kung saan pweding pumwesto ang mga manonood.
"Babe, are you joining them?" nakangiting tanong ni Victoria na kaagad yumapos sa akin ng makalapit ako.
Iniyakap ko naman ang isang braso ko sa kanyang bewang at hinalikan ko siya sa labi.
"Yeap! Wish me luck babe.." nakangisi kong sagot. Nakipagfist bump naman ako sa mga kabarkada namin at saglit na tumambay.
"I'm sure you will win bro! The demon Viper is in the tract again!" hiyaw ni Ross na sinigundahan naman ng iba pa.
Demon Viper.. Yeah that's what they called me. Coz i'm merciless just like my mother, Uno. Pero sa mga kaibigan ko at kapamilya especially Victoria, i'm just an ordinary high school student named Rein Xavier Vena San Diego..
Pinapunta na sa gitna ng tract ang lahat ng kasali sa race kaya nagpaalam na ako sa mga kaibigan ko. Humalik pa muna si Victoria sa akin bago ako bumaba sa arena.
"Woooooooohhhhh!!!!" malakas naman ang hiyawan ng mga manonood ng pumwesto na ang kanya kanyang racer sa kanilang sasakyan.
May mga numero ang bawat isa bilang pagkakakilanlan. Kinuha ko ang helmet ko at isinuot ito.
"Yo! Viper! This time, you'll lose!" sigaw ng isang amerikano sa akin. Nginisihan ko lang siya. Sa ika ilang beses na naming paghaharap ay lagi niyang sinasabing tatalunin niya ako.
"Prove it.. I'll give you 50 million!" pang-aasar ko.
Nanlaki namanang mata ng announcer na nakarinig sa sinabi ko. Kaagad na itinaas niya ang kamay upang agawin ang atensyon ng lahat.
"I hear a 50 million bet here! Viper is having a bet with Z! Is this going to be a race of the century???" sigaw niya at mas lalong nag-iingay sa pagwawala ang mga manonood.
"Okay racers! On the marks please!" sigaw ng announcer. Nakangising sumakay na kami sa aming mga kotse.
Dumagundong ang malakas na hiyawan ng mga manonood kasabay ng malakas ding tugtugin mula sa rock dj.
Pumagitna ang isang sexy brunette na halos panty at bra nalang ang suot. May dala siyang flaglets sa magkabilaang kamay.
"Start your engines! In a count of three!" hiyaw ng brunette. Kanya kanya na kaming rebolusyon ng makina at pagandahan ng tunog.
BINABASA MO ANG
Inlove with the DEVIL [ILYMG series 2]
حركة (أكشن)Rein Xavier Vena San Diego Story Can you Love the man even the darkest part of him?