Chapter 11

2.1K 61 9
                                    

Vernice POV:

Nakasimangot ako habang sinalubong si Cha sa hallway. Naalala ko pa rin ang nangyari nung nakaraang gabi at hanggang ngayon ay di pa rin nawaglit ang pag-aalala ko sa mga PSG na tinanggal ni Dad.

Kumaway si Cha pero wala talaga ako sa mood na sumagot kaya nameywang nalang ako at hinintay siya sa tapat ng aming classroom.

"What's with your face? " takang tanong ni Cha.

Umiling ako at pumasok na sa silid aralan.

Sumunod naman si Cha at tumabi sa akinsa upuan.

"I really hate him! Sinabihan ba naman ako na brat! Eh siya naman itong sumbungero! " himutok ko sa kaibigan na tinaasan lang ako ng kilay.

"Sino ba kasing nakakita sayo doon?  Tsaka diba nasa may kanto lang naman ang mga PSG mo?" sunod sunod na tanong ni Cha sa akin.

I let out a sigh..

"Xavier.." sagot ko.

Bakas ang gulat sa mukha ni Cha at napa-O pa ito.

Kinuwento ko na rin ang nangyari. Napailing na lang siya at napanguso.

"I feel you best.. Kawawa naman yung mga PSG mo. But girl,  parang di naman ako naniniwalang siya ang nagsumbong sa dad mo.." saad ni Cha.

Napaisip naman ako.

Can he really do that to me?

Pumasok na ang aming adviser kaya di na kami nag-usap pa ni Cha.

Wala rin namang gaanong discussion ng araw na iyon dahil abala na nga sa paghahanda para sa JS prom kaya maaga pa lang ay nasa field na kami ni Cha.

Kasama namin ang iilang kaklase namin na kaibigan din namin at nanonood ng soccer.

"Nice, may escort ka na ba? Ako naaya ko si Luis ng engineering dept. Ayiee!"  kinikilig na tanong ni Musika.

Ngumiti lang ako. Lahat sa klase namin ay naghahanap ng partner sa college department. Kaya yung mga seniors na lalaki namin ay sa juniors na nahahanap.

"Go Leo!"

"Go Wacky!"

"Go Vix!"

"We love you, Crashers!"

Halos mabingi kami ng biglang umingay ang tabi namin. Narito na rin pala ang grupo nina Winona at chinecheer sina Vix na kasalukuyang naglalaro ng soccer.

Napailing nalang ako at pinigilan ang sariling takpan ang tainga dahil sa ingay.

Naramdaman ko ang pagsiko ni Cha sa akin at ininguso ang kinaroroonan nina Vix. Sakto namang humarap siya sa dereksyon ko.

Kumaway pa ito at nagflying kiss.

"Hi babe! Vernice, para sayo to!" hiyaw ni Vix mula sa field. Naghiyawan tuloy ang mga kasamahan niya sa laro at naghigh five pa.

Napangiwi ako at sinulyapan sina Winona. Nakasimangot ito at matalim ang tingin sa akin.

Tumayo na ako at pinagpag ang palda ng aking uniform.

Hambog talaga!

"Tara, canteen nalang tayo. Ayoko na rito." pag-aya ko kina Cha. Umalis na kami sa field at nagtungo sa canteen.

Humanap kami ng magandang pwesto at naupo. Kokonti lang ang studyante roon at halos highschoolers lang.

Iilan lang ang college. Midterms rin kasi nila kaya marahil ay nasa lib ang iba.

Inlove with the DEVIL [ILYMG series 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon