Chapter 5: Philippines

2.7K 88 1
                                    

6months later....

Welcome to the Philippines..

I stand up after kong marinig ang anunsyo ng stewards sa paglapag ng eroplano. Binitbit ko ang dala kong hand carry bag saka nakisabay sa hugos ng mga papalabas ng eroplano.

Philippines.. Why am i here anyway.. Is this their only freakin' way to stop me? Tss.. So lame..

"You need to go to the Philippines Rein.." firm na salita ni Mommy habang nakacross arms sa pagkasandal sa pintuan ng silid ko.

I raised my brows to her. No way i am going to that country. Mula ng magising ako mula sa pagkacoma for 5 moths ay wala na akong ninais kundi patayin ang lalaking iyon..

"No!" matigas na sagot ko.

Inilapag ko ang guitar at padaskol na tumayo.

"Its for you, son.. Doon ka muna at magpalakas. I know you wanted revenge. Pero mahina kapa.. Kailangan mo munang bawiin ang lakas mo. 3weeks ka pa lang mula ng magising." kalmado pa ding usal ni mom.

Tiningnan ko siya ng mariin. I know i can't win an argument with her. She's Uno after all. Ni hindi pa ako nananalo sa kanya kahit minsan.

"Fine!" sagot ko at tuluyan na siyang tinalikuran. Lumabas na ko ng terace at doon nanungaw.

"Xavier!" naputol ang pagmumuni muni ko ng mabasag ng isang malakas na tili mula sa kung saan. Kaagad na napalinga ako at saktong pag-ikot ko paharap sa kung sinuman ang tumatawag sa akin ay ang malakas na pagbangga ng isang katawan payakap sa akin. Napaatras pa ako ng isang hakbang buti nalang at maagap na naibalanse ko kaagad ang katawan.

"Xyra..." angil ko pero napayakap na din sa kanya.

"Opps! Sorry!" nakangising usal niya saka bahagyang lumayo sa akin.

Napailing nalang ako at tinanggal ang kanyang yakap. Kaagad namang humaba ang kanyang nguso at tinaliman ang tingin sa akin.

"You don't miss me? And what's with the long hair look?" naningkit pa ang mata niya at hinawakan ang dulo ng buhok kong abot balikat na.

Ngumisi ako at ginulo ang kanyang buhok. Wala pa rin talagang pakialam ang babaeng ito sa paligid kahit pa pinagtitinginan kami. May napapansin pa akong palihim na kumukuha ng pictures. Akala siguro celebrity tong kasama ko.

"For a change.. Sino nga palang kasama mo?" pag-iiba ko sa usapan. Kaagad naman siyang ngumiti at ikinawit ang braso sa aking bewang saka sabay na kaming naglakad. Hila ko pa ang  aking maleta.

"Si Manong.. Ayun siya oh!" sagot ni Xy at itinuro si Manong na papalapit na sa amin. Kinuha niya ang gamit ko at siya na ang naglagay nito sa kotseng dala niya.

"Sa school ko ba ikaw papasok?" tanong ni Xyra. As usual, maingay pa din ang babaeng ito.

"Nope! Im going to SIU." sagot ko.

"What!?" malakas na usal ni Xyra. Mas nakakuha tuloy kami ng atensyon doon. Tinaasan ko lang siya ng kilay.

"It's dad's school anyway.. Di tayo pwedeng magsama ng school." sagot ko at binuksan ang passengers door ng kotse.

"Bakit hindi? I'll call mom.." sambit ni Xyra at sumakay na.

Umiling lang ako at hindi na nagkomento pa. I have my own plan at hindi dapat madamay si Xyra doon.

Inlove with the DEVIL [ILYMG series 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon