XANDIFEAR'S POV
"Kumusta ang First day apo?"-salubong ni lola sakin.
"Its fine lola.By the way Wheres Jessie sumakit po kasi yung tiyan nya kanina.Magaling na ba sya?"-tanong ko kay lola.
"Shes fine.Natutulog lang sya sa clinic room napainom na sya ng Healing water galing sa Healing river"-sagot ni lola na nagpangiti sakin.Buti naman magaling na sya.
"Eh si lolo asan?"-tanong ko.
" Andun sa Training room apo"-sabi ni lola.
"Tara puntahan natin ang lolo mo?-ani lola.Tumango naman ako at sumunod sakanya.
Nakarating na kami sa training area at manghang-mangha ako sa nakikita.Ang laki-laki ng space.May tatlong area akong nakikita.Sa kaliwang area may nakasulat sa ibabaw na Elementalist Area at sa kanan ay may nakasulat na Special Abilities Area at sa gitna ay may nakasulat na The Legend Elementalist Area.
Nakita ko naman si lolo sa Legend Elementalist Area na nagtatraining.Sobrang lawak ng paligid.Nagpakawala si lolo ng airblades at pinatama ito sa mga prutas na lumulutang.I think si lolo rin nagpalutang nyan.
Nang mapansin na kami ni lolo,bigla syang napatigil sa kanyang ginagawa at sinalubong kami ng nakangiti.
"Oh naparito kayo?"-tanong ni lolo sabay halik sa pisngi namin ni lola.
"Wala lang gusto ko lang ipakita sa apo natin ang training area"-nakangiting sagot ni lola.
"Well,total nandito naman kayo,samahan nyo na ako sa pag-iinsayo"-and with that nagpalabas si lola ng water ball sa kanyang kamay.
Naglaban sila ni lolo.Hoh!nakakagulat naman ang ganitong klaseng training.Di ba sila natatakot na masugatan?
Nagpakawala ng airspikes at airblades si lolo at pinatama ito kay lola ngunit gumawa lamang ng bouncing barrier si lola kaya bumalik ang mga Air spikes at airblades sa kinaroroonan ni lolo.
Lumipad si lolo para maiwasan ito.Ako lang yata ang kinakabahan dito eh.Eh kasi habang naglalaban sila,panay ang ngiti sa kanilang mga mukha.Nakakatuwa ba yung ginagawa nila?
Nagpalabas ng whirlwind si lolo at nagpalabas naman ng tsunami wave si lola.Gosh!!!!!!!Nenenerbiyos ako sobra!
Hindi nakaligtas sa mga mata ko ang crystal na umiilaw sa kanilang mga braso.What is that???!Ang kulay ng crystal ni lola ay baby blue.At ang kay lolo naman ay color white.....
Take note nakabaon ito sa kanilang mga braso.Nubayan nalilito ako.
Nagpatuloy sila sa kanilang labanan hanggang sa magsalubong ang makapal na whirlwind ni lolo sa tsunami wave ni lola dahilan ng isang napalakas na pagsabog.
BOOOOOGSSH!!!!!!
Napalaki ang mga mata ko at napatakip nalang ako sa bibig dahil sa gulat at dulot narin sa usok.
Hinanap ko sina lolo at lola pero wala.
Nasan sila?Halos manginig na ang mga kamay ko dahil sa kaba na baka may masamang nangyari kay lola.
Nakita ko si lolo na hingal na hingal dun sa sulok na nakalutang.Ubo sya ng ubo.
Nilapitan ko sya.
"Lolo san si lola??"-natatarantang tanong ko.Hindi nya ako sinasagot kaya nainis ako ng sobra.
"Lolo?!!Ano bang klaseng training to?!!For Pete Sake akala ko ba mahal mo si lola??!!!"-galit na sigaw ko.Pero nagulat nalang ako nang may biglang kumalabit sakin.

BINABASA MO ANG
THE CELESTIAL ACADEMY
RandomA girl who doesnt know everything. Meet El Xandifear RockStone. Check the secrets revelation.