XANDIFEAR POV
Kasalukuyan akong naglalakad papunta sa training area ng MAG-ISA.Maaga kasi akong umalis sa palasyo sa kadahilanang gusto ko lang.Oh diba?Ang galing?Di joke lang.Gusto kong mag-insayo agad ng mag-isa baka sakaling mas maka concentrate ako ng tama and to be exact lalabas na ang kapangyarihan ko.Sana nga malaman ko na.
Habang naglalakad, nakarinig ako ng huni ng mga ibon.Mga 4 am palang kaya medyo madilim pa.Nagpatuloy ako sa paglalakad pero mas binilisan ko pa ito nang nagsiliparan ang mga ibon na tila parang takot na takot ito sa nakita.
Wala naman akong nakikita pero may nararamdaman akong presensya mula sa di kalayuan.Hindi ko alam pero bigla nalang akong kinabahan.
"Pssst!"-ay tokwa!halos mapatalon ako sa gulat ng may sumitsit sa kong saan man na hindi ko makita.Patingin-patingin ako sa paligid nang may biglang sumulpot na DARK lightning Ball sa mismong harapan ko.Nanlaki ang mga mata ko at agad tumalon sa gilid.
Ang sakit ng puwit ko pero hindi ko yun ininda nang makita ko ang isang bulto ng tao na nakatayo sa harapan ko.Hindi ko alam kung lalaki o babae ba sya pero basi sa hubog ng katawan nya,sa tingin ko babae sya.
"XandiFear"-nangilabot ako sa sinabi nya.Babae nga sya sa boses palang nya at kilala nya ako.Sya ba ang nagpalabas ng dark lightning ball?Bakit nya ako patatamaan?Nagulat na naman ako nang magpalabas nanaman ulit sya ng dark lightning ball.
Inihagis nya ulit ito papunta saakin.Hindi ako makatayo kaya napapikit nalang ako sa takot.Inantay kong may tatamang dark lighting ball saakin pero walang nangyari Iminulat ko ang mata ko at nakita ko nalang ang isang bulto ng lalaki na gumagawa ng barrier para protektahan ako.
Who is he?Hindi ko makita yung mukha niya kasi nakatalikod sya saakin."Don't you dare get her!"-tigas bagang na sambit ng lalaki.Unti-unti naring nabibiyak ang kanyang barrier kaya mas lalo akong kinakabahan.Yung babae patuloy parin sa pagtira hanggang sa mawasak ang barrier.Pinilit kong tumayo at hindi pinansin ang sakit ng balakang ko.
"Princess,Hide!"-hindi na ako nagsalita bagkus ay nagtago agad ako sa damuhan.Pamilyar ang boses nya.Hindi ko lang matandaan.
Nanginginig ang mga kamay ko sa takot at hindi ko narin maiwasang hindi maiyak.Tahimik akong humihikbi sa takot at kaba.Bakit nila ako kukunin?Natatakot ako.
Napasigaw nalang ako ng matamaan ang lalaking tumulong saakin dahilan upang mapaubo ito ng kanyang brown na dugo.Saka ko lang narealize na siya pala yung lalaking tumulong sakin nung patamaan ako ng fireball ni Zed.Si Drake.Tanda ko pa ang pangalan nya.
Pilit na tumayo si Drake at naiiyak akong nakikitang sugatan sya nang dahil lang saakin.Lumabas ako mula sa pinagtataguan ko.Saka ko lang narealize na marami pala silang nakapalibot kay drake kaya nahihirapan si Drake makipaglaban.
"Princess bakit ka lumabas?!Wag mo na akong intindihin.Tumakas ka na!"-mas lalo akong naiyak sa sinabi nyang iyon.Masyado syang mabait na kaibigan para ipagtanggol ako sa puntong kahit nasasaktan na siya okay lang sakanya ni hindi kami close o kaano-ano.Imbes na tumakas, mas pinili kong manatili at tulungan sya.Hindi ko alam kung ano ang maitutulong ko basta ang alam ko,hindi ko sya basta-basta nalang iiwan dito.
Itinadyak ni Drake ang kanyang paa sa lupa dahilan ng pagyanig ng lupa.Ngayon ko lang napagtanto na isa pala syang
earth elemental user.Ewan ko kung sya ba ang legendary.Sa mga nakaraang araw,marami narin akong nalaman ibat-ibang klase ng kapangyarihan.Nanginig ako nang makitang nanghihina si Drake at patuloy na naligo ng sariling dugo at nung magpalabas ng Dark Energy ang mga kasamahan nung babae na hanggang ngayo'y nakapalibot parin samin.Naiyak nanaman ako ng makita ang kalagayan ni Drake.Dahil sa nararamdaman ko,napasigaw nalang ako sa tindi ng nararamdaman ko.Takot,galit halo-halo ang nararamdaman ko.
"TAMA NA!!!"-buong lakas kong sigaw.Nagulat nalang ako ng tumilapon silang lahat at naputol ang nga puno ng kahoy kasabay ng pagkulog ng langit.
Bumuhos agad ang masaganang ulan at nagtaka nalang ako nang may magsilabasang air,water at Fire spikes sa kung saan.
Nagsitakbuhan agad ang mga dark wizards.Alam kong mga dark wizards sila basi sa sinabi ni Jessie noon sakin na Dark Energy patungkol sa Healing River.
Nahihilo ako at sumasakit nanaman yung ulo ko.I tried to compose myself para hindi matumba.Tinignan ko si Drake na naliligo sakanyang sariling dugo.Inalayan siya ni Jessie at cathana.
"Apo!Ghad!Were worried for petes sake!"-bungad agad nila lola sakin na halatang alalang-alala kasama sina lola,lolo,Jessie,Cathana at Zed.
Nakahinga ako ng malalim.Were safe,I'm Safe!Sumakit ang ulo ko at bago paman ako bumagsak naramdaman ko nang may mga bisig na sumalo saakin.
"SI D-DRAKE"-huling kataga na nasabi dahil bigla siyang umubo ng malakas.
BLACK OUT
Itutuloy...
------A/N: May nagbabasa paba neto?Sorry sa sobrang tagal na update.Short Update ci-nut ko kasi.
BINABASA MO ANG
THE CELESTIAL ACADEMY
RandomA girl who doesnt know everything. Meet El Xandifear RockStone. Check the secrets revelation.