Chapter 6

8.3K 157 60
                                    

"'CAUSE you're everywhere to me... And when I catch my breath it's you I breathe... You're everything I know that makes me believe... I'm not alone..."

Humahalukipkip lang si Joselle habang tinitingnan niya ang kaibigang si Treen na kumakanta sa karaoke habang katabi ang kuya Justin niya. Bigla naman siyang napatingin sa paglapag ng shot glass na may laman na whisky. Napaangat ang tingin niya kay Ruther, ang katabi niya naman. Imbes kasi na mag-party sila ay sa restobar sila sa Buendia napadpad na walo. Isa pa, gusto namang kumanta ni Treen.

"You're everyone I see... So tell me... Do you see me?" Kanta nito at napatingin sa kuya niya. Hinilig pa nito ang ulo sa dibdib ng kuya niya. Napaiwas na lang siya ng tingin sa dalawa. Not him, Treen! He's a motherfuckin... jerk! Kahit papaano sa isip niya na lang sinabi iyon. Napasandal siya sa sofa at tinagay na ang whisky. Wala silang chaser kaya diretso hard drinks kaagad sila. Hindi naman nakatingin ang kuya niya sa kanya kaya tiyak hindi siya mahuhuli niyon. Pero may pagkakataon naman na bigla na lamang napapalingon ang kuya niya.

He's really overprotective on her. Really. Parang bawat galaw na lamang ni Joselle ay nakamasid ito. Ngunit sa pagkakataon naman ngayon, ay hindi. Tingin niya siguro naparami na ng inom ang kuya niya. Napatingin naman siya sa gawi ni Jaina na abala sa kakapapak ng chicheryang pulutan nila. Katabi nito si Russel na siyang taga tagay. They tried the habits of the middle class people... which is drinking local brands of liquors in this affordable restobar. Kahit papaano'y hindi naman marumi ang restobar na iyon. Malinis pa nga at sa style na iyon para ka lang nasa ibang bansa.

"Hey," napatingin naman siya nang tinapik siya ni Ruther. Mabuti na lang at dim ang lights sa bar na iyon kaya hindi siya mahahalatang namumula dahil katabi niya si Ruther. Napakagat-labi siya at tumingin sa mesa. Sa kanya na naman pala ang tagay, mukhang napabilis yata ang pagtatagay nila. Binaling niya muli ang tingin sa binata at sinenyasan siya nito na inumin na.

"Bottoms up! Bottoms up!" Anang babae na katabi ni Vince. Inikot niya muna ang tingin sa mga kasamahan hanggang sa huminto iyon sa gawi ng kuya niya. Diretso at tagos sa kaluluwa ang titig nito sa kanya habang umiigting ang bagang nito. Hindi niya mabasa ang iniisip nito kasi seryoso lang. Napalunok siya at hinawakan na ang shot glass.

"Shot it now, Selly!" Ani Jaina. Napatingin siya muli sa hawak niyang shot glass at binaling agad ang tingin sa kuya niya. Dumako ang mata niya sa kamay nitong nakayukom na. Masama iyon, mukhang magagalit na ang kuya niya.

"Shot it, babe." Bulong ng katabi niyang si Ruther. Dahan-dahan niyang ininom ang whiskey nang biglang bumilis ang pangyayari. Naubos niya ang isang shot glass ng whisky. Napatingin siya muli sa kuya niyang umiwas ng tingin sa kanya at mariing pumikit sa tabi ni Treen. Nakita niyang masayang-masaya ang kaibigan niya habang nakapulupot ang kamay nito sa braso ng kuya niya.

Tahimik lang siya habang tinitingnan at binabasa ang lyrics na nasa flat screen sa may counter. May kumakanta kasing bago.

"Pare, pahiram ng song book." Ani Ruther at agad naghanap ng kakantahin. Wala na siya sa mood sa lagay na iyon. Dahil nahuli siyang uminom ng matapang na alak ay pakiramdam niya nagalit ang kuya niya sa kanya. First time lang iyon para sa kanya. Pinapabayaan lang siya kasing gumala ng daddy niya kaya siguro nasanay siya sa pagpapalaki nito sa kanya. Pero nang dumating ang kuya niya sa bansa, ay parang pakiramdam niya palaging may nagmamasid sa kanya sa anuman ang kanyang gagawin.

Pero hindi problema iyon sa kanya. Ang iniisip niya lang, overprotective ng kuya niya. Maging humawak lang ang kaibigan niyang mga lalaki sa dulo ng daliri niya ay agad na itong magwala. Naguguluhan siya sa kuya niya. He's being possessive on her. Nang matapos na ang kinakanta sa kabilang table ay agad nang inabot ng lalaki ang mikropono kay Ruther. Tumikhim pa ito at nag-mic test pa. Pumalakpak naman ang mga kaibigan niya, ang kuya niya'y walang ganang nakatingin sa screen ng T.V. Tumikhim siya at bigla siyang inakbayan ni Ruther. Naaamoy niya na rin ang alak sa hininga nito. Sinamahan pa ng napakatapang na pabango na gamit ng binata. Gusto niyang dumistansiya ngunit parang ayaw niya naman. Naguguluhan siya sa iniisip niya.

Unwanted Sin (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon