ABALA ngayon sa kanyang kuwarto si Joselle. Exam na kasi niya kinabukasan kaya ngayong gabi pa lang, ay nag-aaral na siya. Hindi niya talagang maipagkaila na mas nahihirapan siya sa online schooling. Hindi niya rin iyon kayang sabihin sa daddy niya baka kasi ipapalipat siya sa St. Louis University sa Baguio kung magkataon. Ayaw niya kasi roon, kasi maraming mga mapapait na alaala siyang maiisip. Lalo na ang nangyari sa mommy at daddy niya. Bumalikwas siya ng higa habang nakatitig lang sa Basic Accounting book. Kanina pa siya basa ng basa sa libro ay wala pa ring may napasok na ideya sa utak niya. Tiniklop niya na lamang iyon at niyakap bigla ang unan.
Naisip niya muli ang nangyari kaninang umaga. Iyong mga kaibigan niya... tungkol sa mga crushes nila. Bigla na lamang siya nalungkot sa realisasyong iyon. Oo, hindi siya magkakamali, may nararamdaman siyang kakaiba sa kuya niya. She shook her head as she covered her face with the pillow. No, wrong! This is not right! Not even. Mag-aalas nuwebe na ng gabi at gusto na niyang matulog. Pero mayroon sa kanyang sarili na pinipigilan siya. She's idling. Sa mga oras na iyon ay wala na talaga siyang magawa maliban sa pag-aaral na hindi naman pumapasok sa utak niya ang pinag-aaralan niya.
Hinablot niya naman ang kanyang cellphone na nasa ilalim ng unan niya para makapag-facebook nang may dumaang mensahe galing sa hindi kilalang numero. Nangunot na lamang ang noo niya at inisip niya na lamang iyon na si Ruther o si Russel. Malamang alam niya naman na mahilig magbigay ng number niya si Treen. Nanginig ang kamay niya sa hindi malamang dahilan. Binuksan na niya ang mensahe at huminga ng malalim.
Unknown Number: Hi, bunso. Si kuya ito. Paki-save na lang ng number ko.
Napangiti na lamang siya sa nabasang mensahe. Galing sa kuya niya pala ang mensaheng iyon. Umupo siya at sumandal sa headboard ng kama niya at nagsimulang mag-type.
Me: Ikaw pala, kuya. O, ba't gising ka pa?
Pinindot na niya ang send at ipinatong niya sa labi ang cellphone. Napangiti na lamang siya sa hindi malamang dahilan. Nagtataka rin siya kung saan nakuha ng kuya niya ang kanyang numero. Naka-private naman iyong facebook niya kaya imposibleng nakuha niyon doon. Hindi rin siya sigurado kung si Treen o Jaina ang nagbigay ng numero niya dahil malamang, magtataka ang mga iyon kapag hindi pa alam ng kuya niya ang numero niya. Bigla na lamang nag-vibrate ang cellphone niya at binuksan niya iyon.
Unknown Number: Nagpapalipas lang ako ng oras...
Nangunot na lamang ang noo niya at nagtaka kung bakit ito nagpapalipas ng oras. Nakalimutan niya palang i-save ang numero ng kuya niya kaya s-in-ave niya muna iyon sa kanyang cellphone. Nag-indian sit siya habang nakasandal sa headboard at patuloy na ni-reply-an niya ang kuya niya.
Me: Matulog ka na! Hehe...
Nilagyan niya na lamang iyon para naman gumaan ang loob ng kuya niya. Napakaseryoso kasi ng pagkakatext nito sa kanya. Mabilis naman sa alas kuwatro ang reply ng kuya niya sa kanya.
Kuya Justin: Ikaw ang matulog. You have class tomorrow, right? Rest, bunso.
Uminit naman ang pisngi niya sa text ng kuya niya sa kanya. She didn't even know if it is normal or what. She's just happy... because she has communication with him. Itinukod niya ang siko sa kama at ipinatong niya ang ulo niya roon.
Me: Just five mins. :)
Kuya Justin: Sleep now, Joselle.
Me: Later, please.
Kuya Justin: Do you want me to come over just to make you fall asleep?
Me: Okay. I will sleep now.
BINABASA MO ANG
Unwanted Sin (COMPLETED)
Narrativa generaleHighest rank #1 in sin category, #1 in Bedwarmer, #1 in Adult Full story available on StaryWriting (Dreame) Partying, mingling to other people, iyan ang nakasanayang buhay ni Joselle Montalban mula nang lumaki siya na hindi kasama ang kaniyang mommy...