NAKAHARAP ngayon sa kanyang laptop si Joselle at nakikipag-video chat sa kanyang mga kaibigan. There's nothing new in her day. Maliban na lang sa pag-aaral. Minsan gusto niya nang sumuko roon sa dahilang nahihirapan na siya. Patuloy pa rin ang pagti-text ng kuya Justin niya sa kanya pero hindi niya na lamang lubos na pinagtuunan ng pansin iyon.
"Hey, Joselle, okay ka lang?" Tanong ng kaibigan niyang si Jaina na pansamantalang naglalagay ng lipstick sa mga labi nito. "Mukhang matamlay ka yata ngayon." Dagdag pa nito.
Huminga ng malalim si Joselle at nagpumilit na ngumiti sa harap ng mga kaibigan niya. Napatingin siya kay Treen na abalang-abala sa kakabasa ng libro. Hindi niya ring inakala na bookworm din pala itong kaibigan niya. Iyong ngiti niya ay bigla na lamang naglaho ng saglit. Naisip niya kasi ang nangyari sa kanila ng kuya niya noong isang araw. Medyo nakukonsiyensiya pa siya sa ginawa niya. Para kasing pinagtaksilan niya ng ganoon si Treen - iyong matalik niyang kaibigan. Nakita niya kasi minsan ang mga ngiti sa mga mata nito sa t'wing nagtetext iyong kuya Justin niya roon.
Bigla na lamang siyang nakaramdam ng init sa ilalim ng mga mata niya. Tipong may mga luhang gustong kumawala rito. Muli, ay tinanong siya ni Jaina dahil tuluyan nang tumulo ang luha niya.
"Selly, kanina pa kita tinatanong at mukhang hindi mo ako napapansin. May problema ba? Sabihin mo sa amin. Handa kaming makinig ni Treen. Tungkol ba iyan kay Ruther? Sabihin mo lang. Open up with us, Joselle." Muli ay napayuko na lamang si Joselle at tiningnan niya ang patak ng kanyang mga luha sa kanyang bedsheet. Kasabay niyon ay ang paghinga niya ng malalim sabay ng pagtakip ng mukha niya.
Hindi niya alam... lubos siya talagang nakukonsiyensiya sa t'wing naaalala niya kung paano niya pinagtaksilan ang kanyang kaibigan. Hindi rin kasi siya makapili kung sino ang pipiliin niya. Iyong kaibigan niyang matagal na niyang nakasama sa buhay niya o iyong kuya niyang kamakailan niya lamang nakita. Oo, sabihin niyang kapatid niya iyon pero ang turan ng puso niya ay hindi kapatid ang turing niya sa kuya niya. She wants her brother-she loves him secretly. Hanggang kailan ba nila itatago ang namamagitan sa kanila?
Kasi kung ilalantad nila kung ano'ng mayroon sila, malamang ay marami silang masasaktan. Mahal ni Joselle si Treen, ayaw niya itong masaktan. May mga pagkakataong nagseselos siya sa t'wing kinukuwento nito ang tungkol sa relasyon nila ng kuya niya. Nagseselos siya sa t'wing nakikita niyang kasama nito ang kuya niya. Hiniling niya na lang sana na hindi niya totoong kapatid si Justin. Pero hindi, hindi niya maipagkaila na may mga bagay silang gusto pareho. At hindi lang iyan, maging sa mukha ay may anggulo ring magkamukha sila. Kaya hindi niya talaga maipagkakaila na hindi niya kapatid iyon. Dahil babaliktarin man nila ang mundong ginagalawan nila, iisang dugo lamang ang nananalaytay sa mga ugat nila.
"I'm sorry, Ate Jaina, Treen..." She said, out of the blue. Hindi niya alam kung bakit niya nasabi iyon. Ni wala naman siyang nagawang kasalanan sa mga ito. Kung mayroon man, mga maliliit lamang na pagkakamali iyon at iyon ay ang hindi niya pagsama sa mga gimmick nito nitong mga nakaraang araw.
Aminin niya mang nasaktan siya sa ginawa ni Ruther sa kanya noon pero nakalimutan na niya iyon. It's her first love and crush as well. Pero nakalimutan na niya iyong mga pinagsamahan nila. Walang may nangyari sa kanila maliban sa mga halik at yakap.
Mayamaya pa'y tumunog ang kanyang cellphone kaya dinampot niya na lamang iyon. Nakita niya iyong pangalan ng kuya niya. Pinunasan niya na lamang ang luha niya at bumaling muli siya sa mga kaibigan niya.
"Selly? You okay?" Muling tanong ni Jaina sa kanya.
"Okay lang ako, Ate Jain..."
"Selly, forget him. Huwag mo na siyang isipin. He doesn't deserve you. Don't cry." Advice naman ni Treen sa kanya. If only you know... Ruther is not the reason of these tears. I'm sorry, Treen. Naisaloob niya na lamang.
BINABASA MO ANG
Unwanted Sin (COMPLETED)
General FictionHighest rank #1 in sin category, #1 in Bedwarmer, #1 in Adult Full story available on StaryWriting (Dreame) Partying, mingling to other people, iyan ang nakasanayang buhay ni Joselle Montalban mula nang lumaki siya na hindi kasama ang kaniyang mommy...