Chapter 18

5.6K 80 21
                                    

MALALIM na ang gabi at ang mga tao ay tulog na sa mga oras na iyon. Nananatiling gising si Joselle habang nakatingin sa kisame. Nasa guest room siya ngayon sa bahay ng mga Lorenzo. Katabi ng kuwarto niya ay ang kuwarto ng kapatid niyang si Arwen. Nagpapanggap na lamang siya na bingi sa mga naririnig niya sa kabilang kuwarto. Her brother was fucking with someone else. Ungol, kalabog at kung ano pang ingay ang naririnig niya sa kabilang kuwarto. Bakit pa ba kasi siya natulog doon kung puwede naman siyang umuwi? Wala naman kasi siyang magagawa dahil gusto iyon ng ama niya. Pinagbigyan niya na lamang ito kahit isang araw man lang.

Tinakpan niya ng unan ang kanyang tainga at mariing pumikit. Samu't saring ungol ang kanyang naririnig.

"Ohhh... Arwen! Fuck. Me. Harder!" Dinig niyang hiyaw ng babae sa kuwarto ng kapatid niya. Sa isip-isip niya lang, sanay na siguro ang mommy nito at ang daddy niya sa ginagawa ni Arwen. That was... eww... gross. Naisaloob niya nang ipinikit na niya ang kanyang mga mata habang nagpapanggap na walang naririnig sa kabilang kuwarto.

KINAUMAGAHAN, ay isang tawag ang nagpagising sa kanya. Nanggagaling iyon sa kuya niya. Bumangon na siya at sumandal sa headboard ng kama.

"Hello, kuya?" Rinig niyang huminga ito ng malalim bago magsalita.

"Where are you? Kagabi pa ako nag-aalala sa iyo." She sighs as she hugs the pillow.

"Nova lang ako, kuya."

"Bakit hindi mo sinabi sa akin?! Pinag-alala mo pa ako." Asar na usal nito sa kabilang linya. Umarko naman ang ngiti sa labi niya at tumikhim.

"You missed me?"

"Really, bunso. So bad. Next time, just tell me where you go. 'Kay?"

"Okay, kuya. Pauwi naman kasi ako, actually. Naghahanap lang ako ng tiyempo para makapagpaalam kay dad."

"You're with your dad?"

"Our dad, kuya." Pagtama niya. Dinig niyang napamura ito sa kabilang linya.

"Whatever. Text me when you're home." At agad nitong binaba ang tawag. Napangiti naman siya ng nakaloko dahil sa pag-aalala ng kapatid sa kanya. Para sa kanya, si Justin lang ang kapatid niya at wala nang iba pa. Hindi niya ituturing na kapatid si Arwen kahit ano'ng mangyari. Agad na siyang naghilamos at nagpalit ng damit. Binilhan din kasi siya ng damit ng dad niya aside sa dress na binili nito.

Nag-iisa lang kasi siyang babaeng anak ng dad niya kaya mahal na mahal siya nito. Hindi niya pa masiyadong nakausap ang daddy niya tungkol sa mga nangyayari bago ito humiwalay sa mommy niya. Habang nagsusuklay, ay naalala na niya naman ang mommy niya noong bata pa siya.

Bigla na lamang siyang nalungkot sa realisasyong iyon. She missed her. Kahit galit pa siya roon hindi niya maiwasan ang isipin ang mommy niya. Kahit ano'ng mangyari, ina niya pa rin iyon. Kahit pa magkandaletse-letse na ang buhay niya, mommy niya pa rin iyon. Agad na niyang itinali ang kanyang buhok at lumabas na ng silid.

Pagkababa niya'y maraming mga pagkain ang nasa mesa. Inisip niya ay mga left over pa ito kagabi pero hindi. Bagong luto ito at amoy pa lang ng mga ito ay masarap na. Nakaupo na ang lahat sa hapag samantalang siya naman ay hinihintay na makaupo. Napalunok na lamang siya at umupo na rin katabi ni Arwen.

He looks weird to her. Paano naman kasi, mukhang walang emosyon itong kapatid niya. Para itong isang robot na kahit ano'ng kurot mo ay hindi masasaktan. And that's weird. Agad na nilang sinimulan ang pagkain. Napakapormal ng pagkain ng pamilyang ito. Hindi 'tulad ng dati—noong hindi pa naghihiwalay ang mommy at daddy niya na masaya at hindi nauubusan ng pag-uusapan ang hapag nila habang kumakain. Pero itong pamilyang ito, parang magkakagalit dahil ni isa sa kanila ay hindi nagsasalita.

Unwanted Sin (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon