Chapter 4

11.8K 186 49
                                    

TULALA lang na nakatitig si Joselle sa frappuccino na in-order niya sa coffee shop. Hinihintay pa kasi nilang dalawa ni Jaina ang kaibigang si Treen. Napabuga siya ng hangin habang nilalaro-laro niya ang glazed donut na nasa harap niya. Napansin naman iyon ni Jaina kaya tinapik siya. Napatingin siya rito, tila takang-taka ang mukha nito. Umiwas na lamang siya ng tingin sa kaibigan. Weird. She found herself weird these days. Iyon ay nang nalaman niyang narito pala ang kuya Justin niya sa bansa. Hindi niya pa rin kasi iyon mapapatawad—pakiramdam niya, ay napakalaki ng kasalanang nagawa nito sa kanya.

"Nag-text na ba si Treen?" Pagbaling niya sa kaibigang nakatutok na ngayon sa cellphone nito. Kumibit balikat na lamang ito at sinipsip ang kape nito. Napasandal siya. Hindi niya alam, pero kung gugustuhin niya naman na patawarin ang kanyang kuya ay nagawa niya na. Pero ang puso niya kasi, hindi niya maipaliwanag pero galit ang turan ng puso niya kapag nakikita niya iyon. Kahit pa na sinusuyo siya.

Napansin niya bigla ang pag-angat ng tingin ng kaibigan niya sa likuran niya. Tingin niya ay kakarating lang ni Treen. Pero iba ang reaksyon ni Jaina. Nakaawang ang bibig nito habang nakatingin ito sa likuran niya. She mouthed out 'what' on her friend, with her brows furrowed. Pabalik-balik ang tingin nito sa kanya at sa kung sinuman ang nasa likuran niya. Napataas siya bigla ng kilay at doon hinarap ang taong nasa likod niya. Muntikan na siyang matumba sa kinauupuan nang mapansin na si Justin pala iyon.

"What are you doing here?" Malamig na turan niya rito. Binaling niya muli ang paningin sa pagkaing nasa harap niya at nilalaro-laro niya naman ito. Bigla na lamang siya nawalan lalo ng gana nang makita niya ang binata. Huminga siya ng malalim at inayos ang sarili.

"Ate Jain, puwede sa ibang lugar na lang natin hihintayin si Treen? Masiyadong pangit ang aura rito. Nakakasira ng mood." Aniya at tumayo na. Ngunit sa gulat niya'y siya lang ang mag-isang tumayo. Pagharap niya kasi ay ang kuya niya na. Hindi niya pa rin iyon tiningnan ng diretso, humalukipkip na lamang siya sa harap nito.

"Is my simple mistake big deal to you?" Tanong nito sa kanya. Hindi niya pa rin iyon tinitingnan ng diretso.

"Joselle, I didn't promise you that time." Napatingin siya roon.

Tinitigan niya ito sa mga mata. She knows that he was sincere with his words. Pero bakit ba kasi siya umasang babalikan siya? It's a big deal to her, anyway! Napalunok siya at bigla nitong hinawakan ang kanyang kamay at pinisil-pisil nito.

"Please, accept my apology to you so that I will fulfill the time that we lost... when we were just... little." Napalunok siya muli at tumulo ang luha niya. Tumikhim siya.

"Ate Jain," tawag niya sa kaibigan.

"Let's go." Dagdag niya at binangga niya na lamang ang kuya niya. Dire-diretso siyang lumabas ng coffee shop nang hindi nililingon ang kuya niya. Napapikit siya nang nasa labas na sila. Bumuhos doon ang luha niya sa sakit at niyakap na lamang siya ni Jaina. Humagulhol siya ng iyak sa labas at narinig niya na lamang ang yabag patungo sa gawi ng kaibigan. She was hoping that it was Treen but...

"Can you give us a minute?" Dinig niyang sabi nito sa kaibigan niya. Ramdam na lamang ang pagkalas ng yakap nito sa kanya at lumayo ng kaunti. Pinunasan niya ang ilong at humalukipkip sa harap ng kuya Justin niya. Dahan-dahan itong lumapit sa kanya. Hinawakan nito ang balikat niya at inipit ang buhok niya sa likod ng tainga.

Nanigas siya sa kinatatayuan. Maybe he has a reason. Hindi niya lang kasi pinakinggan iyon noon dahil namamayani sa puso niya ang galit. Hinaplos nito ang pisngi niya. Tahimik lang siya sa harap ng kuya niya. Unti-unti niyang inangat ang tingin dito. His eyes are really sincere. Umarko naman sa labi nito ang isang matamis na ngiti. He was still her brother. Iyong Justin na tahimik, at minsan na ring masungit. His features are still the same. Nagbago lang dito ay ang pagkakisig ng katawan nito.

Unwanted Sin (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon