Chapter 23

4.1K 66 33
                                    

TULALA, hindi gaano makapag-isip, parang wala na siya sa sarili. Linggo na ang lumipas mula nang sabihin sa kanya iyon ni Justin ang tungkol sa pagbubuntis niya. Pero hindi, hindi pa rin siya makasigurong nagdadalang tao siya. Isa pa, hindi niya ginamit ang binigay ni Justin na pregnancy test kit na iyon. Nagbabasa lang siya sa mga oras na to nang biglang may tumawag sa kanyang phone. Si Jaina iyon, ang kaibigan niya. Nagdadalawang isip pa siyang sagutin iyon dahil baka kasama nito si Treen. Hindi na niya alam ang gagawin. Kailangan niyang may makaalam na ng relasyon nila ng kuya niya habang maaga pa. Pero wala... naroon pa rin sa sarili niya ang pag-iisip ng mabuti. Maigi niyang kinuha ang telepono at sinagot iyon.

"Ate Jain?" Pagsagot niya sa tawag nito. Halatang nasa eskwelahan ito kasi rinig pa niya ang inga sa classroom nito. Rinig niya naman na mukhang lumalayo itong si Jaina roon sa classroom at inisip niya na lang na wala pang prof sigurong dumating sa classroom nito.

"Selly, kamusta ka na? Banggit ni Treen sa akin mukhang masama pakiramdam mo? Mukhang lantang gulay ka na raw. What's the problem? Nandito lang kami ni Treen. You want us to visit you, Selly? Para after nitong klase namin ay mapuntahan ka namin." Biglang napaisip si Joselle kung sasabihin niya ba ito kay Jaina o sadyang itago niya na lamang iyon at magsinungalin na lamang siya sa kaibigan. Pero sa tingin niya, ay hindi niya iyon magagawa lalo na't parang ate na ang turing niya kay Jaina.

"Selly, pero aside from that, we need to talk. So, I guess... hindi ko na lang isasama si Treen." Anito na siyang nag-iwan ng palaisipan kay Joselle. Biglaang kaba ang naramdaman niya nang naging seryoso ang boses nito sa kabilang linya.

"Eh... si Treen, ate?" Iyon na lamang ang naging sagot niya sa kaibigan.

"No, may lakad yata sila ng kuya mo. I will be there right now. Wala na kasi akong klase after nito, at mukhang absent pa iyong prof namin kaya nag-iwan na lang siya ng assignment. Pero kailangan kita talaga makausap, Joselle." Seryosong untag nito sa kabilang linya. Labis na kaba ang naramdaman ni Joselle sa mga linyang binitawan ni Jaina sa kanya. Napaisip siya kung may alam ba ito sa relasyon nila ng kuya niya. Huwag naman sana ganoon.

"Okay, ate." Aniya't binaba na ang tawag. Napakamot na lamang siya ng ulo at napaisip na rin. Hindi naman sana mangyari ang iniisip niya. Na baka may alam itong kaibigan niyang si Jaina tungkol sa relasyon nila ng kuya niya.

Sa loob ng isang linggong iyon, ay hindi niya na naramdaman pa ang mga mensahe ni Justin. Ang inisip na lamang niya ay baka abala ito sa business nitong bar. Pero hindi, e. Kilala niya ang kuya niya. Alam niyang kapag na-miss siya nito ay agad siya nitong tinatawagan o 'di kaya nag-iiwan ito ng mensahe. Pero nitong mga nakaraang araw ay iba ang kinikilos nito. Ni hindi niya rin mabasa ang nasa isip ng kuya niya.

She tossed her phone then took a nap for a while.

"I'M WORRIED about you, Joselle. Matagal ka nang hindi sumasama sa gimmick namin ni Treen. Matagal ka na ring hindi nagpaparamdam sa amin sa chat or text. Is there something you think of?" Ani Jaina habang nakaupo ito sa couch kasama si Joselle. Tahimik lang si Joselle na tinititigan ang baso na may lamang juice. Suminghap siya ng hangin. Ni hindi niya alam kung paano niya sisimulan ang sasabihin. O hindi kaya kung paano niya ito sasabihin kay Jaina ang totoo.

"I'm just... refreshing my mind, ate." Wika niya rito at bigla naman siya nitong tinapik sa balikat.

"I know you, Joselle. Hindi ka magiging ganyan kapag wala kang problema o may pinagdadaanan man lang." Anito. Tumahimik na lamang si Joselle at ininom niya ang juice na nasa baso. Rinig niya namang bumuntong hininga si Jaina.

Unwanted Sin (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon