Chapter 29

3.8K 64 23
                                    

           

"KUYA naman, dapat hindi mo na pa sinaktan ang sarili mo." Pag-aalalang saad ni Joselle habang hinihipan at ginagamot ang sugat sa kamao ng kuya niya. Agad na lamang ito bumaling sa kanya at hinawi ang kaniyang buhok na nakatakip sa isang mata niya. Ginawaran siya nito ng halik.

            "Just don't answer unknown calls and we're good. Okay?" Tumango na lamang siya bilang pagtugon sa kapatid. Hinimas naman nito ang puson niya at dumako roon. "Baby, just relax there, okay? I can't wait to see you 6 months after."

            Napangiti na lamang si Joselle at hinawakan naman niya sa kamay ang kapatid. Tiningnan niya ito diretso sa mata. "How lucky I am to have you in my life. I love you so much, Justin. Hindi ko alam—even it's immoral and what we did was—" Agad siyang pinatahimik nito gamit ang matatamis na halik. Humiwalay din ito kaagad.

            "Don't ever say that again, Joselle. Just... don't mind that 'blood-related thing... that incest... just us, okay?" Kinagat naman niya ang ibabang labi at tumango sa kapatid.

            "Good. Pumasok ka muna sa kuwarto at lilinisin ko lang ang mga bubog dito. Magpahinga ka. Maliligo lang ako at magbihis and after that aalis tayo. Saan mo pala gusto kumain?" Anito at hinigit pa siya nito ng dahandahan.

            "Anywhere, kuya. Anywhere with you." At niyakap niya ng mahigpit si Justin saka humiwalay agad.

            He pinched her nose. "I said earlier that avoid calling me kuya, okay?"

            "Kuya naman eh..." she scowled.

            Ngumiti naman pagkuwan ang kuya niya. "But I found it cute."

            Dang, her heart just... skipped a beat. She feels that her cheeks are red as a capsicum. Nginitian niya ang kuya niya at agad na siyang pumasok sa kuwarto—

--

MALALIM ang iniisip niya habang nasa gitna ng biyahe sila ni Justin patungong St. Luke's. Ni hindi pa rin mawala sa isip niya ang sinabi ni Ruther. Patungkol saan kaya ang tinutukoy niyon? Nang dahil sa tawag na iyon ng dati niyang kaibigan ay lalo siyang nabahala na baka may masamang mangyari sa kanya, o hindi kaya sa kuya niya.

            Huwag naman sanang mangyari iyon.

            Pero hindi, kailangan niya pa ring maging matatag, at maging handa. Naabutan naman sila ng traffic habang nasa gitna ng biyahe. Kaya tiningnan niya na lamang ang kanyang telepono at mayroon itong limang missed calls. Binuksan niya iyon at agad tiningnan kung sino ang tumawag. Galing pa rin ito sa hindi kilalang numero pero sa isip niya ay malamang si Russel pa rin ito.

            Mayamaya'y tumawag muli ang numerong ito. Walang anuano ay sinagot niya iyong tawag. Napansin niya na lamang ang paglingon ng kapatid niya sa kaniya.

            "Hello, Russel. Hindi mo ba ako titigilan?" inis na untag niya sa kabilang linya. Dumagdag pa kasi iyon sa iniisip niya ang sinabi nito.

            "Joselle, easy. Stay calm. Importante talaga itong sasabihin ko." Anito sa kabilang linya. Rinig niya sa boses nito, ay malamang seryoso ito at parang gusto siya nitong balaan sa tono ng pananalita nito.

            Napatingin siya sa gawi ng kuya niya na diretsong nakatingin sa kalsada habang mahigpit ang pagkakahawak sa manibela ng kotse nito. Ramdam niya ang galit ng kuya niya.

            "Russ, ano ba, sabihin mo na kasi. Napapaisip na rin ako sayo, e!" Bulyaw niya kay Russel at dinig niya na lamang na bumuntong hininga ang binata sa kabilang linya. "Paano ba ito..." panimula nito na tila nagbigay ng kaba sa dibdib ni Joselle.

Unwanted Sin (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon