10-HANGMAN

1.8K 62 4
                                    


Killer's POV

Kapansin pansin ang bagong gawang pintuan ng Robotics Room, ginamitan ito ng salamin na hindi kita ang nasa loob kapag nasa labas ngunit kita sa loob kung ano ang labas, hindi ito basta basta nababasag dahil makapal ang salamin at mabigat, may password din ito bago bumukas at sumara.Great.

"Ang bigat bigat na nga tapos kailangan pull pa ang gawin para mabuksan to! Bwiset!" Pagmamaldita ng sunod kong biktima, ang nakatakda ng sunod na mamatay, si Mary Joyce, ang pinakamahilig magtaray at magmaldita sa klase.

"Para madaling buksan sa loob tanga!" Pagmamagaling naman ni Reina . Sige lang, lubos lubusin mo na ang pagyayabang at pagmamagaling mo hanggat hindi ka pa namamatay.

***

Natapos na ang class project namin sa Robotics Room at umalis na ang lahat sa lugar na iyon. Uwian namin kaya naglalaboy ang mga kaklase ko at yung iba ay nagpahinga na sa mga dorms nila kaya't sinundan ko si Joyce ng hindi nagpapahalata. Papunta sya ng fountain kung saan ko pinatay si Mark, aww kamusta na kaya sya sa impyerno?

"Joyce!" Painosenteng tawag ko kay Joyce.

"Ano?" Sagot nya at tinaasan ako ng kilay. Nginitian ko lang sya ng napakatamis dahil mamamatay narin naman sya kawawa naman kung pantayan ko pa ang kamalditahan nito.

"ikaw kasi nagmamadali ka pumunta dito! May special project sayo si sir Aquino bumalik ka daw sa Robotics Room!" Tanging dahilan na naisip ko dahil sipsip naman sya sa mga teachers kaya alam kong papayag sya.

"May plus ba sa grades?" tanong nya at tumango ako

"Talaga? Sige samahan mo ako." Tuwang tuwa nyang tugon.

Namuo ang ngiti sa labi ko. Uto uto.

"Tanga." Bulong ko.

"Ano?" Pagpapaulit nya sa sinabi ko.

"Ha? Sabi ko Tara na!" Sabay tulak ko sa kanya upang maglakad patungo sa impyerno.

Nakarating kami sa room at hinanap nya agad si Sir Aquino.

"Nasan si sir?" Tanong nya ng mapagtantong wala namang tao kundi kami lang.

"Uto uto ka talaga!" Sagot ko sabay hampas ng baseball bat sa ulo nya ng dalawang beses, Hindi ko muna sya papatayin because I have a better death plan for her which involves our classmates.

Habang tulog pa ang ating sleeping maldita ay nagsuot ako ng gloves para hindi ma-identify ang finger prints.

At ngayon itinali ko ang lubid sa bakal sa kisame na ginagamit to absorb energy from the sun and converts it to electricity para gumana ang ilaw, ang kabilang dulo naman ng lubid ay pinaikot ko sa handle ng pinto which is bakal kaya't hindi madaling matanggal, atsaka ipinakagat kay Joyce ang lubid.

She's biting the rope that's connected to the door and to her neck. When she let go of the rope and then the door opens she'll hang and end up dead and cold. Pretty bright Idea right? Ang talino ko talaga. Nakita nyo nag-i-english pa ako

Nagrecord din ako ng gun shots, para habang hinuhulaan nila ang password ay magamamadali sila kapag narinig nila ito. Antatanga pa naman nila.

Matapos kong ayusin ang lugar at si Joyce ay saktong nagising sya

"I-ikaw ang killer?" Tanong ni Joyce pagkamulat ng kanyang mata. Tinali ko rin sya sa sa upuan kaya't hindi ito makagalaw ready na ready narin kasi ang lubid na nasa leeg nya.

At dahil sa nagsalita sya ay naalis ang lubid sa bunganga nya.

"The one and only." Sagot ko habang nakangiti ng malawak at pinaiikot ang buhok ko sa mga daliri ko.

THE LAST SECTION (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon