Killer's POV
Malapit nang mag-uwian at tila sinuswerte ako. Nag to tour ang mga tao kaya walang pakalat kalat sa building kaunti lamang. Pumili ako ng classroom sa 6th floor at nagsuot ng itim na oversized dress. tamang tama to sa gagawin kong palabas mamaya.
Sakto at nakita ko syang naglalakad mag-isa Hindi ko na pinalampas ang pagkakataon at isinuot ko na ang aking maskara.. Agad ko syang sinugod at inipit ang leeg nya sa braso ko.
"HMPHH!" pagpupumiglas nya. Too bad walang makakarinig sayo Mary Rose.
Sinuntok ko sya sa sikmura pero patuloy parin sya sa pagpupumiglas ngunit halata mo na nanghihina na sya. Hinila ko sya paakyat sa 6th floor at dinala sa classroom na napili ko.Binalibag ko sya sa sahig at inalis ko ang maskara ko sabay tumawa na malademonyo
"IKAW! P-PAANO MO NAGAWA SA AKIN ITO? KALA KO BA AYOS TAYO?"
"HINDI TAYO AYOS MARY! HINDING HINDI MAGIGING!"
Tumakbo sya palabas ng pinto.Muntik na nga syang makatakas eh. Buti nahuli ko. Agad kong isinagawa ang 'deadly process' pero bago ako matapos ay may narinig akong nagpihit ng doorknob. Biglang bumigat ang paa ko at humakbang pabalik. Handa ng tumakas
Hindi maaari. Nagsisimula palang ako. Hindi ako pwedeng mahuli. Pero himalang nawala ang pagpihit ng doorknob. Lumapit ako sa pinto para tignan kung wala kung sino man yon, at wala na nga. Hindi ko alam kung paano ko ibababa ang. bangkay ni Mary Rose. Alangan naman buhatin ko diba. At syempre dahil sa observant ang inyong dakilang killer ay nakakita ako ng bintana na walang grills
Inihulog ko doon ang bangkay ni Mary. At inilabas ko na ang baril na may silencer. Itinutok ko ito sa ulo nya at agad na pinaputok ito dahilan para kumalat ang utak nya. Buti naman at wala na sya. Malaking hadlang sya para maging top1 ako sa klase. Alam ko na yan
Grabe nakakadiri ah. Natatawa ako. ako na nga pumatay ay ako pa ang syang nandidiri Haha. Nagpalit na ako ng school uniform at kampanteng naglakad sa hallway.
Sa may hagdan ay nakita ko si Maijoynes na nakahilata at walang malay. May dugo rin sa ulo.
"Tsk. Pasalamat ka Maijoynes at hindi ikaw ang susunod sa listahan ko. Nakakabwisiiiit kasi mukha mo" sabi ko na parang nandidiri
"Kahit gusto ko nang pagbuhol buhulin ang bituka mo ay hindi pwede. Masisira ang trail na ginawa ko. Hahaha! Siguro hahayaan na kitang mamatay dyan dahil sa pagkaubos ng dugo. Tsismosa ka kasi eh" dagdag ko pa. Inisawsaw ko ang hintuturo ko sa dugo ni Mai na kumakalat at tinikman ito.
Oo marami pa akong isusunod kay Mary. Ang mga kaklase ko na mukhang epal. Tss.
••••••••••Dumating na ang ambulansya na after million years bago dumating. Nagsuot uli ako ng maskara at sumilip sa 6th floor pababa. Tsk dead on arrival na din yan.
Nakita ko na nakatingin si Mai sakin.Tsk buhay pa pala ang gagang yan. Sana patay na rin para 2 na ang nabawas sa klase. Syempre ng makita ko si Mai ay kinawayan ko sya. Napatawa nalang ako sa sarili ko at nasabing
"You're next
.
.
.
.
.
.
Charmaine Ponje. Hahaha"•••••••••••
Charmaine's POv
Ngayon ang panglabing tatlong araw matapos ang nangyari kay Mary. Maraming nakalimot na at nag-aalala na maulit ang insidente.
So far so good naman. Nakakapag-aral parin kami ng maayos. Pero di ko maiwasang mangamba. Panu kung may sumunod? Wag sana, wag rin ako. Mahal ko pa buhay ko
"Charmaine could you show your answer to the class? You're daydreaming again" sabi ng math teacher namin. naghiyawan naman ang mga boys sa room kaya sinamaan ko sila ng tingin. Hindi dahil sa nagagandahan sika saken o famous ako. Trip lang nila yon pag may napapahiya
Yun sila Keon, Sam, Mark, Jacob at Reginald.Tinatawag silang balladeers, mga itlog o di kaya ay mga muskitero na tagatapon ng basura ng klase. Mga pilyo kasi yan.
.......Wait ba't ba napunta sa mga asungot ang usapan?Tss. so yun nga tumayo ako para i-solve ang problem sa board na
...-2<3(x-7)<4...
Anakngtinapattokwangmukhangkabayo
Hala paano to di kasi ako nakikinig eh. Pero buti nalang tinuruan ako ng simpleng sigaw ni Clarence
"I-distribute mo yung -----"
" I-add mo sa -----"
yan kesyo ganyan kaya nasagot ko ng maayos. Si clarence ay yung kaklase namin na maliit ang boses at pinaka may height crisis samen. Sabi nga nung iba kamukha daw sya ni squidward sa spongebob pero magaling sya sa math at pakialamero rin yun. Small but bully
Oh yung mga mababaw ang kaligayahan, wag tatawa. Kitang mystery/ thriller ang genre nitong kwento ay baka tumawa kayo. Seryoso lang.
Oo sige ako na madaldal.
Agad akong umupo at nakinig na sa lesson sa math. Tapos ay biglang humangin ng malakas kasabay ang pagtapal sa mukha ko ng isang page ng notebook. Pagkatingin ko ay medyo nagtaka pa ako sa nakita.
#26 You're Next
Magulo ang pagkakasulat ng pulang marker. Para saan to?
••••••••••••
Nagpatuloy ang iba pang klase at malapit na naman mag-uwian . Wala yung teacher sa last period which is science. May sakit daw ang prof namin. At eto ang mga kaklase ko nagra rak n rol. Di na nga maawat ng class president na si Bea na pakihinaan ang boses eh. Kaya pati sya nag rak n rol na.
Dahil sa may call of nature ako ay napagpasyahan ko na mag banyo. Alangan naman sa classroom ako umihi parang ang baboy naman.
"Ate Charmaine saan ka pupunta?"
tanong ni Gwen at nagpapacute na naka baby talk."Sa banyo"
"Sige ate pagtapos punta ka ng canteen ah. Bili mo ko juice. Bayaran kita bukas"
"Oo sige"
Nagmamadaling sagot ko at tapos ay dumeretso ng pinakamalapit na banyo. Walang tao doon medyo nakakatakot ah. Nagcr na ako at lumabas na ng cubicle para maghugas ng kamay
#26 YOU'RE NEXT
nakasulat gamit ang red lipstick sa salamin, wala naman to kanina sa pagkakaalam ko
eh .Pero ngayon alam ko na para sa akin talaga ang mensahe na yan. Kinilabutan na ako kasi parang ganito yung sa mga horror eh diba?
Nagulat ako ng biglang namatay ang ilaw at sumara ang pintuan. Madilim sa banyo pero nakikita kong may tao sa harap ko
"Sino ka?!"
pero wala akong nakuhang sagot at nakaramdam ako ng isang matigas na bagay ang humampas sa ulo ko at nagdilim na ang lahat
••••••••••••Maxin's POV
Eto kami sa room at nagpa party.
Pero parang naiihi rin ako eh. Pumunta ako sa pinakamalapit na cr pero nakalock kahit pihitin pa ang doorknob. Grabe naman ang diyanitor! Nilock na eh 30 mins pa bago mag-uwian eh. Kaya ayun at lumayo pa ako ng kaunti para mag cr.••••••••••
Magte 10 na nang gabi at nasa dorm na kami pwera kay Charmaine. Ako nalang ang nag-iisang gising dito. Tinext ko na sya at tinawagan pero walang sumasagot. Asan na ba yun? Antok na antok na ko at nalaman ko nalang na nakatulog ako.Bahala ka muna sa sarili mo Charmaine.
End of Chapter 2- YOU'RE NEXT
BINABASA MO ANG
THE LAST SECTION (COMPLETED)
Детектив / Триллер'13th Section is The Last Section' Sino? Bakit? Marami pang tanong ngunit isang misteryo ang sagot. At kung sino ang nagsara ay siya ring susi para makalabas sa isang realidad na mahirap takasan. Sabi nila, 13 is an unfortunate number. Pero malas ng...