Janine's Pov
Naglalakad lakad ako sa school grounds. Masyado akong maaga nagising. Sa ngayon 4:30 palang ng umaga pero nakaayos na ako. Early bird ako ngayun eh.
Lakad lakad lang hanggang sa natanaw ko ang school fountain. Dito ako nagwi wish kahit ako lang ang gumagawa. Kasi malay mo magkatotoo diba. Wala namang masama
Papalapit na ako hanggang sa napansin ko na medyo kulay pula ang tubig na agad kong ikinataka. Ngunit do KO pinansin. Baka kasi special effects lang .
Hanggang sa nakita ko ang bangkay ni Mark sa fountain. Ang bituka ay nakatali sa leeg at may saksak pa.
Agad akong nangilabot sa tumambad sa akin Hindi ko namalayan na napatili ako ng sobrang lakas dahilan para may dumating na ibang estyudante kasama ang iba Kong kaklase
Kahit ang roomate Kong si Sarah ay nandito.
"Anong nangyare?!"
Tanong sa akin ni Sarah. Agad Kong itinuro any bangkay ni Mark sa fountain
Agad syang napatakip ng bunganga at napaatras.
"Sinong may gawa into?!"
Sigaw nya
Kahit sino naman kasi ay magugulat sa nakita.Pero bigla nalang syang umiyak at kumapit sa akin.
Agad namang dumaan ang kaklase ko Na si Jade.
Si Jade yung kaklase naming silent type. Hindi sya nakikipag usap which is so weird. Idagdag mo pa yung kaliwang mata nya ay blue at yung kanan ay black. Pero hindi daw yan bulag lalong hindi contact lens.
Kapatid sya ni Rea na kaklase rin namin na isang weirdo at nerd. Well parehas silang weird.
"Papatayin nya tayong lahat"
Sabi nya ng pabulong sa amin ni Sarah. At kasabay noon ang paglitaw ng isang nakakalokong ngiti sa labi.
Agad kaming napahinto ni Sarah sa inasal nya.
"Anong alam mo dito? Ikaw siguro ang pumapatay!?"
Bulyaw sa kanya ni Sarah.
"Ako nga kaya ha Sarah? Ikaw Janine, sino sa palagay mo?"
Bulong nya at iniwan kami
Posible kaya na may alam si Jade sa mga nangyayari sa campus? Specifically, sa mga kaklase ko? Nakakapagtaka diba?
Maijoynes' POV
Umagang umaga may narinig kaming tili na nanggaling sa labas. Agad akong bumangon at hinanap kung saan nanggaling yon at nakita ko rin yung iba na papunta sa fountain.
Agad akong pumunta doon at may bangkay sa fountain. It was Mark who died.
After minutes dumating na yung Mga school heads at inalis Ang bangkay ni Mark. Inistop din muna yung operations ng fountain.
Sa kabila ng mga karumal dumal na pagpatay sa campus ay tuloy parin ang klase
Kung tutuusin ay Si mark ang talk of the day eh. Pero ewan ko ba kung bakit parang walang nangyare sa mga boys aka Balladeers na tropa ni Mark. Ayun masaya parin.
Parang Bea ang peg eh. Oks lang na mamatayan Bahala na nga sa sila sa mga buhay nila. Pero I wonder, bakit nga ba sa section 13 nanggagaling ang mga esyudanteng namamatay? Posibleng sa section rin ba namin galing ang killer?
Someone's Pov
Nagpatuloy na ang klase sa amin. At ngayong wala ang teacher dahil nag cr ay tumabi sya sa tabi ko.
"Anung kailangan mo sa akin?"
Mataray kong tanong at sinabayan ng death glare
"Bakit masungit ka? Anung ginawa ko sayo?"
Sabi nya
"Kilala na kita. Ikaw ang pumapatay sa mga kaklase natin. Alam ko na ang totoong kulay mo" matapang kong sabi ng nanggigigil pa. Pero hindi rin naman kalakasan
"Ah ganon. Hindi ko na rin naman madedeny yan eh. Hahaha"
Inilabas nya ang pocket knife at tinutok sa sikmura ko. Hindi yan makikita kasi natatakpan ng lamesa. Natakot ako agad kasi baka saksakin nya ako
"Sige subukan mo lang ilabas ang nalalaman mo, at itatarak ko rin itong kutsilyo sa lalamunan mo tulad ng ginawa ko kay Mark."
Hinawakan nya ang buhok ko. "At isa pa, itong mahaba mong buhok ay gagamitin ko para itali ka patiwarik. Ayaw mo namang mamatay na diba?" Mahina nyang bulong sa tenga ko.Mahina nga pero makapangyarihan para kilabutan na ako. Syempre ayoko pang mamatay.
"Tandaan mo. Keep your mouth SHUT""Sige Bye ALBIE"
Ngumisi muna sya sa akin sabay umalis.End of Chapter 5 - THREAT
01-04-15
BINABASA MO ANG
THE LAST SECTION (COMPLETED)
Mystery / Thriller'13th Section is The Last Section' Sino? Bakit? Marami pang tanong ngunit isang misteryo ang sagot. At kung sino ang nagsara ay siya ring susi para makalabas sa isang realidad na mahirap takasan. Sabi nila, 13 is an unfortunate number. Pero malas ng...