20-FLAMING HELL

1.6K 54 2
                                    

Maijoynes' PoV

"Gwen" mahinang sambit ko sa pangalan nya at nilock nya ang pinto upang Walang makalabas

"Oo ako nga Mai. I hope Hindi kayo nashock." Sabi nito. Sa kanya Lang nakatutok ang atensyon ng lahat

Siya Nga. Si Gwen ang salarin. Sya ang may kagagawan ng pagkamatay ng mga inosente Kong kaklase.

Ngayon, nakatayo sya sa harap naming lahat at may hawak syang baril. Ang baril na matagal tagal na nyang ginagamit

"B-bakit mo nagawa sa amin ang lahat ng Ito?" Lakas loob na Tanong ni Bea

"Bakit? Eh kayo, Bakit nyo nagawa iyon sa kuya ko! Kayo ang may kasalanan! Kayo ang nag-umpisa nito!" Sigaw nya sa aming lahat

"Oh my god she's damn crazy" Narinig kOng bulong ni Reina sa aking likuran

"G-Gwen! Nagkakamali ka ata! H-Hindi Kami ang---" sinubukan ni Bea na magpaliwanag sa kanya

"No. Hindi ko na kailangang marinig ang sasabihin mo. You killed my brother and now, it's payback time" Sabi nito at tumawa ng pagkalakas lakas

"Chrystal, you told me that she's a bipolar. But I think she's insane!" Mahinang bulong ko Kay Chrystal ngunit Hindi ko akalain na narinig Ito ni Gwen at hinatak ang buhok ko

"Anong sinasabi mo? Ako, insane? Naghihiganti Lang Ako!" Sabi nito at diniinan ang paghila sa buhok ko upang mapalapit sa kanya at saka tinutok ang baril sa ulo ko.

Anong iniisip nya? Iniisip nya ba na Kami ang pumatay sa kuya nya. Yung si Gian? Napagkamalan nya ba na Kami ang section 13 years ago?

Kung ganon, Hindi sya bipolar. Baliw na sya, Baliw na babae. Paano nya Napagkamalan na Kami ang may kasalanan ng pagkamatay ng Kuya nya? And damn! Section 13 years ago did not even kill her brother. As stated on Kyle's diary, her brother Gian committed suicide!

It's not their fault that Gian died. And it's not OUR fault! Sadyang Baliw Lang silang magkapatid

Tumingin sya Kay Chrystal

"Oh, I've heard the news! Welcome back Charmaine. I never thought you'll come back alive. What a lucky bitch"

Sabi nito ng pagkatamis tamis. Hindi ko na sya maintindihan. Paibaiba ang sinasabi nya

"Come!" Pagtawag nito Kay Chrystal ngunit nanatili Lang Ito sa posisyon nya at Hindi umiimik.

"Sabi ko lumapit ka! Lalapit ka ba or else I'll shoot this girl infront of you!" Sabi ni Gwen at dinala ang braso nya sa may leeg ko. Parang inaakbayan nya na Ako ngunit sinasakal Ako ng braso nya

Sobrang higpit.

Mukhang napansin naman Ako ni Chrystal na nahihirapan sa pagkakahawak ni Gwen Kaya lumapit Ito eksakto sa harap ni Chrystal

"What do you want from me?" Maangas nitong tanong

Tinanggal ni Gwen ang pagkakatutok ng baril sa ulo ko at isinampal Ito sa mukha ni Chrystal. Sobrang sakit siguro nito at namula ng sobra ang pisngi ng dalaga

"Bakit ka ba kasi nabuhay Charmaine!" Sigaw nito at itinutok ang baril sa sahig, sinesenyasan na lumuhod si Chrystal

"Kneel in front of me!" Sabi nito at sinunod naman sya ni Chrystal ng Hindi nagsasalita

"Kayo Rin! Lumuhod kayo!" Pinaluhod nya Rin ang mga kaklase ko na syang nakapagpangiti sa kanya. Sa hitsura nya ngayon, mukha syang Baliw. Mukha syang nakatakas sa mental.

THE LAST SECTION (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon