4-FOUNTAIN OF DEATH

3K 63 7
                                    

Shawn's POV

26 days na kami dito. Almost a month. Dalawa na ang wala dito sa room. Sila Mary Rose at Charmaine.

Hindi na talaga namin nakita si Charmaine. Hindi namin alam kung ano ba talaga ang nangyari at bigla nalang nawala si Charmaine.

Eto ngayon si Keon na sinisindihan ang mga kandilang nakapatong sa lamesa ng dalawa naming kaklase.

May picture ang dalawa naming kaklase sa kanilang mga desk bukod sa kandila at bulaklak as respect daw.

Ok back to Keon. Siya ang pinakasiga sa room at ang leader ng tropa namin. Ewan ko ba dyan sa negrong yan at naging leader. Lamya naman

"Ayan ok na. May you rest in peace guys"

. Sabi nya na parang ngongo at may ngisi pa. Ganyan talaga yan. Abnormal

sabay sabay kaming magkakaklaseng nag sign of the cross. At nagpatuloy na ang klase.
•••••••••••••

Uwian na at nandito parin kami sa classroom. Lahat masaya. Lahat nagtatawanan. Tila nalimutan na ang dalawa naming kaibigan.

Eto ngayon at naghahabulan sila Keon at Jacob. Itakbo ba naman ni Keon ang cellphone ng isa na naglalaman ng videos. Basta ung alam nyo na. Hahaha mga g*go yan eh.

Ako naman dito nagmumuni muni. Pinapanood ang mga kaklase kong naghaharutan. Ang sama kasi ng pakiramdam ko eh kaya hindi ako makasama sa kasiyahan.

"Oh Shawn, mag-isa ka lang. Ok ka lang ba?"

tanong ng kaklase kong si Allysandrea or Alex. Vice President yan ng klase at the same time sya yung pinakamaganda sa classroom. Sabihin na nating sa buong Pontabella High. Mas maganda pa yan sa muse namin na si Pamela

"Oo ok lang ako. Sige na makigulo ka nA doon"

"Sabi mo yan ah"

at tumango nalang ako. At eto lahat sa room may sariling bussiness. Hanggang sa may nabasag.

Natabig ni Keon ang picture ni Charmaine sa desk nya kaya nagkalat ang bubog ng picture frame sa sahig

Lahat tumigil sa paggalaw. Walang nagsasalita. Nakatingin lang sa larawan na nabasag. Alam ko na ang tumatakbo sa isipan ng mga kaklase ko.

Hindi lang basta basta nawala si Charmaine. Kundi talagang binawi na sya ng Diyos sa amin. Malakas kasi makaapekto ang mga pamahiin eh

Lahat ay nakatayo lang kungdi binasag ni Bea ang katahimikang namamagitan sa buong klase.

"Maricris, pakilinis naman ang bubog. Wag mong kakamayin ah",

utos nya kay Maricris na cleaners ngayong araw. Sinunod naman sya agad nito.

Lahat nawalan ng gana magsaya at binitbit ang bag nila papunta sa mga nakatakdang dorm.

Si Gwen naman. Isa sa mga war freak sa room na madaldal ay sinugod ng sakal si Keon. Hindi seryosong sakal pero playful sya na pagsakal.

"Ikaw kasi napakacareless mong itlog ka eh!"

sabi nya na may tadyak pa. At syempre si Keon naman

"Ay oo na sorry na--- aray ah--- tama na masakit na kaya"

sabi nito na nababakla. P*ta leader ba to ng tropa?

At syempre tinigil na ni Gwen ang ginagawa nya at binitbit ang bag paalis. Sumenyas pa sya ng. 'Im watching you' kay Keon. Minsan iniisip ko kung may namamagitan dito eh.

THE LAST SECTION (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon