Juniel's PoV
Nagkaliwanagan na. Nakita na namin ang bangkay ni Maricris. Patay na talaga sya kaya sya nawawala, Ewan ko Lang si Mai kung nahanap na ba sya ng iba.
Malakas na ang ulan at delikado kung magtatagal pa Kami dito sa loob ng kakahuyan. Basa na ang lupa at madulas. At isa pa, masyado nang Gabi. Kung kaya't napagkasunduan namin na bumalik na sa loob. Sinundan namin ang direksyon ng mga puno na dinikitan nI Jaynyrd ng paper tape, mga palatandaan upang makabalik Kami sa aming pinanggalingan.
Naglalakad na Kami pabalik nang Makita namin ang isang grupo ng aming mga kaklase.
"May nakita ba kayo?" Tanong ni Kobe kanila Jennifer ngunit umiling Lang Ito.
Ibinalik naman ng dalaga ang Tanong sa kasama ko
"Eh kayo?"
"Sa totoo Lang ay naKita na namin ang labi ni Maricris" wika ko
"Talaga?!" Tanong ni Cybel at tumango ako
Magsasalita pa sana sila ng pinangunahan ko na.
"At huwag nyo nang itanong ang hitsura ng bangkay. Mandidiri Lang kayo" Sabi ko at yinakag sila na umalis na Kami sa lugar, ang grupo namin at grupo nila Jennifer para makasilong na sa tindi ng ulan.
Dun muna Kami mag-iintay ng ibang mga kaklase sa may building ngunit pagdating namin Doon, Hindi Lang pala Kami ang tumigil na sa paghahanap. Nandito na pala halos ang lahat na mistulang basang sisiw dahil Hindi nila inaasahan na uulan.
"May nakita ba kayo?" Salubong sa amin nila Shawn na sa palagay ko ay kanina pa nandirito
"Oo meron, nakita na namin ang bangkay ni Maricris" mahinahong turan sa kanila ng kasama Kong si Kobe
"Saan banda?" Tanong ni Pamela. Bakas sa mukha nito ang Pag-aalala at lungkot. Masasabi natin na naging malapit din sila sa isa't isa ni Maricris sa nagdaang panahon Kaya nakakalungkot sa parte nya
"Malayo pa Doon sa loob ng kakahuyan. Masyado ng madilim para bumalik Doon at kunin ang bangkay nya. Nakatuhog din kasi sa sanga ng matayog na puno Kaya mahirap makuha." Pagsabi ni Chris
"May nakakita na ba Kay Mai sa inyo?" Pag iiba ng tanong ni Diomela
"Sa palagay mo? Syempre kung nakita na sya edi Nandito na Rin dapat sya kasama nila" sarkastikong turan ni Reina at inirapan ang dalaga
"Teka wala pa ba sila Gwen?" Tanong ni Juliemar
Lumingon lingon ako sa paligid, at Oo Nga, wala pa ang grupo nila Gwen. Ano na kayang nangyari sa kanila?
"Aantayin pa ba natin sila?" Tanong nI Sarah sa lahat ng nandito
"Oo dapat antayin natin sila. Hindi natin sila pwedeng iwan sa loob ng kakahuyan habang tayo ay nasa kanya kanyang tulugan na!" Sabi ni Diomela.
May punto sya. Hindi Nga naman namin pwedeng pabayaan ang mga naiwan. Kaya't mag-aantay Kami dito hangga't dumating sila.
At sa pagbalik nila, sana nahanap na Rin nila si Mai...
Sana mahanap pa nilang buhay si Mai.
Bea's PoV
Umuulan na ng malakas dito. Damang dama Ngayon ang lakas at bugso ng hangin. At ang ulan ay marahas na pumapatak sa amin. Tuloy parin naming hinahanap si Mai at posibleng bangkay na si Maricris. Basa na Kami ngayon.Wala Rin kasing nakapagdala ng payong dahil Hindi namin inakala na uulan ng ganto. Tatlo Lang Kami sa grupo. Ako, si Gwen at si Chrystal. Nagpapagaling pa kasi si Maxin sa nangyari sa kanya
BINABASA MO ANG
THE LAST SECTION (COMPLETED)
Детектив / Триллер'13th Section is The Last Section' Sino? Bakit? Marami pang tanong ngunit isang misteryo ang sagot. At kung sino ang nagsara ay siya ring susi para makalabas sa isang realidad na mahirap takasan. Sabi nila, 13 is an unfortunate number. Pero malas ng...