11- TRUST AND TEARS

1.9K 51 1
                                    

3rd Person's POV

Matapos ang malakas na pagsabog na narinig ng mga tao sa lugar, lumingon muli sila Bea sa direksyon ng robotics. Ang bagong gawa na kwarto na Ito ay sira sira na at napapaligiran ng mga tumalsik na dugo ng tao. Bukod pa sa dugo ay ang nakahiwahiwalay na tustadong katawan ng mga taong nadamay sa ginawa ng isa nilang kaklase karamihan ay mga pulis na rumisponde lamang. Talaga ngang gagawin ng killer ang lahat para maubos sila ng Hindi sya natutukoy

Kailangan na nilang kumilos

"Tara na Bea!" sigaw ni Mai habang hatak ang dalaga at sumunod naman sila Maxin at Gwen. Nakarating ang apat sa kanilang kwarto ng walang sugat at galos. Lahat hinihingal, napapago, tuliro at pilit na kinakalimutan ang nasaksihan kanina lamang. Makikita na pilit nilang pinipigilan ang mga luha nila sa pag-iisip na isa sila sa pumatay kay Joyce.

"Let's just sleep and think of it as a nightmare. It will end soon" sabi ni Maxin at humiga sa kama nya at nagtalukbong lamang ng kumot. Nang makita sya ay nagkanya kanya ng punta ang tatlo sa higaan nila at natulog. 

Someone's Pov

Naalala ko ang deal namin. Patay na ngayon si Joyce at kailangan ko syang maging kaalyansa ngayon sa pagpatay Sa mga kaklase ko. Pwede akong tumanggi pero kapalit noon ang buhay ko. At hindi ako papayag Doon syempre. Pero Hindi nya naman ako kinailangan sa pagpatay nya Kay Joyce. Ano bang ipapagawa nya saakin? Ano ba talaga ang role ko dito?

Nagulat naLang ako ng may kumalabit sa akin sa likod. Madaling araw na. Ilang oras palang ang nakakipas simula nung Namatay si Joyce Kaya sigurado akong sya to. Lumingon ako sa likod ko at tama. Sya Nga

"Maganda ba ang show ko?" Tanong nya na sobrang cheerful. Noong una talaga Hindi ko akalain na ang napaka inosente at bubbly na tulad nya ay marunong Rin gumawa ng mga kasalanan.  Pero eto na at alam ko na ang sikreto nya

"Oo. Grabe nagawa mo pa Yung puzzle puzzle" at ngumiti akong pilit kahit pinagpapawisan ako ng malamig

"Uy wag ka ngang kabahan Hindi pa ikaw ang susunod. Basta sundin mo ko". Tumango nalang ako. Alam Kong Mali ang gagawin ko pero kailangan Kong gawin para mabuhay ako. Bumulong sya sa akin at nagets ko naman. We just need to frame him up at ---- secret na.

"Choose one. Itong baril na nagamit ko Kay charmaine? O etong driller na ginamit ko para butasin ang ulo ni Albie?"

"The driller is better"

"Okay. Oh kunin mo to at umalis ka na. You'll need this dahil alam Kong kinakabahan Kang matukoy ang identity mo and after you use it, ilagay mo na rin to sa locker nya". Inabot nya sa akin ang paper bag at sinilip ko Ito.

The black dress and mask.

"May spare pa ko nyan. Wag Kang mag-alala. Oh you know what to do ha? Frame him up. Sa kanya dapat mapunta ang sisi at ang parusa ng mga kaklase natin. Sige alis na ako ah. Ang alam ng mga kasama ko ay tulog na rin ako eh." At ngumiti sya ng nakakaloko. Sa isang iglap nawala na sya sa gilid ko na parang bula.

Pasensya sa inyong lahat. Lalo na sayo.... Sam

Reginald's PoV

Nasa klase Kami ngayon at as usual katabi ko na nakikinig Kay ma'am sina Sam, Keon at Shawn na nakatingin naman sa kung saan. Sinundan ko ang tingin ang tingin nya at napansin ko Kay Rea pala. Napangiti ako. Ano na kayang mayroon sa dalawang Ito?

"Uy. Nababaliw ka na ba? Ngiti ngiti ka mag-isa ah" Kalabit sa akin ni Sam

"Oy hinde ah. Eh mas mukha ka pa ngang takas sa mental kaysa sa akin eh"
Sabi ko

THE LAST SECTION (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon