3-THE NUMBER 26

2.9K 93 11
                                    

Charmaine's POV

Nagising ako na nasa tabi ng isang puno. Palagay ko, ito ang kakahuyan sa likod ng school.

Oo maaring may kutob ako kung anong mangyayari. Bakit makikidnap ba ako ng walang dahilan?

Alam ko na posibleng magwakas ang buhay ko ngayon. Panu ko nasabi? Syempre nakatali ang katawan ko sa upuan eh anu pa ba?

Narinig ko ang kaluskos ng mga damo na waring may papalapit. Ipinikit ko nalang ang mga mata ko sa takot na makita ang demonyong gumawa sakin nito!  Baka sya nga rin ang gumawa nito kay Mary Rose eh!

"Alam kong gising ka na. Idilat mo na ang mga mata mo" wika nito sa kalmado nyang boses. Natatakot ako. Ayokong humarap sa demonyo!

Nakaramdam ako ng malamig na  bagay sa leeg ko at naramdaman ko rin na ito ay matalim. Kutsilyo

Unti unti kong dinilat ang mga mata ko pero hindi Ako makapaniwala sa aking nakita.

"Ikaw? Bakit? "

"Surprised eh? Yes its me my dear. Hahaha"

sabi nya sabay kinulot ng kanyang daliri ang mahabang buhok

"Papatayin mo na ba ako?! Ikaw rin ba ang may gawa nito kay Mary Rose?!

nilakasan ko ang loob ko na magtanong kahit alam ko na ang sagot

"Yes and Yes my dear"

sabi nya

"Pero bakit? Anung kasalanan namin?"

Hindi ko alam pero biglang humaba ang kamay ko at nakalag ko ang tali sa aking kamay sa likod ng upuan pero hindi ko ito ipinahalata

"Its none of your bussiness. Oh wait, dyan ka lang ah nalimutan kong kunin yung gun. Hahaha"

tawa nya ng malademonyo. Gun?

Pero mamaya na yun. Alam kong eto na ang pagkakataon ko na tumakas. Kinalag ko ang tali sa aking paa at mabilis kong naalis. At sinunod ko naman ang tali sa katawan ko medyo mahirap sya kasi mahigpit ang pagkakabuhol at nasa likod ko pa.

Natagalan ako ng dahil dito at ngayon natatanaw ko na syang papalapit

malapit na

malapit na talaga

at sa wakas malapit na sya pero swerte akong nakalag ang tali kaya tumakbo na ako

"Charmaaaaaine"

narinig ko pa syang nanggigigil na sumigaw. Sige takbo lang Charmaine.

Bigla akong nakarinig ng pagputok ng baril at naramdaman ko nalang ang pagtagas ng dugo sa aking binti

Nasubsob ako sa lupa pero hindi ako susuko. Tumayo uli ako at tumakbo padiretso sa kakahuyan. Hindi ako magpapahuli. Hindi ako mamamatay.

3rd Persons Pov

Naghabulan ang dalawa. Si Charmaine, kahit patuloy na bumabagsak ay pinipilit na tumayo upang mabuhay.

"You can run but you cant hide Charmaine!"

sigaw ng salarin. Sobrang lakas nito para sa tainga ng dalaga na agad dinapuan ng kaba. Labis na rin nyang iniinda ang kanyang binti na duguan.

Patuloy lang sa pagtakbo si Charmaine kahit anong mangyari. Iniisip nya lang ay mabuhay sya. Patuloy ang pagsuong nya sa dagat ng mga puno.

Kalaunan ay nakakita na sya ng liwanag tungo palabas ng kakahuyan. Agad nya itong tinahak ngunit labis ang kanyang pagkadismaya dahil ang nadatnan nya ay bangin na hangganan ng lupain ng Pontabella High.

Nawawalan na sya ng pag-asa. Wala syang matatakbuhan o mapagtataguan habang papalapit na ang salarin sa kanya.

"I told you Charmaine. You can run but you cant hide. Hindi ka na makakatakas sa kamatayan mo! Hahaha"

"Wala akong pakialam hayup ka! Diyos na ang bahala sayo!"

sagot ng dalaga sa salarin

"Walang Diyos Charmaine kaya magkita nalang tayo sa Impyerno!"

Itinutok na nito ang baril sa dalaga at handa ng iputok ngunit sinugod sya nito.

Nagpambuno ang dalawa at nag aagawan sa baril. Minsan rin nagsasakalan na nais mapatay ang isat isa.

Sa sobrang sidhi ng kanilang damdamin ay di nila namalayan na malapit na sila sa dulo ng bangin.

At dahil nga observant ang killer ay napansin nya ito. Sinipa nya si Charmaine.

Labis naman itong ininda ng dalaga dagdag pa ang binti na may tama ng bala

At dito na sya pinagtatadyakan ng salarin at isang malakas na sipa ang ibinigay dahilan upang mahulog na sa bangin si Charmaine.

"Ahhhh!!!" sigaw ng dalaga at unti unti na itong nawala sa paningin ng salarin
••••••••••

Killers Pov

Grabe naman yun! Walang effort kong pinatay si Charmaine. Weak pala ang gaga eh. Di ko tuloy na enjoy. Di bale next time mas brutal na sa mga susunod.

Mary Rose [x]

Charmaine [x]

Tandaan nyo wag kayong maniniwala sa mga kilos ng tao o sa POV nya. Malay mo nagsisinungaling lang sya. Hahaha

Basta keep calm at kunwaring walang alam. Hahaha
•••••••••••••

Bea's PoV

"Tapatin mo ako Bea. Ikaw ba ang pumatay kay Mary Rose?"

kinompronta ako ngayon ni Mai. Ang tingin nya ba sa akin ay mamamatay tao? Oo sige readers alam kong may hinala kayo pero eto na at maliwanagan na.

"No. Hindi talaga. Aaminin ko. Inggit ako kay Mary Rose. Simula bata kami paborito na sya ng pamilya. Lagi nga syang nasa amin kasi paborito sya ng parents ko. Nagtanim ako ng galit sa kanya pero to the point na patayin ko sya? Thats too much"

sabi ko. Oh ayan. Di ako ang pumatay kay Rose.

bigla namang sumingit si Maxin

"Hey guys have you seen Charmaine?"

oo nga noh nasaan na ba yun. Bakit bigla nalang syang nawala?

"No. Tara hanapin nalang natin." sabk ni Mai.

So ayun hinanap na nga namin si Charmaine pero wala talaga . Nakihanap na rin pati ang kinauukulan pero wala talaga eh

"Bea, ayaw kitang pagdudahan pero once na malaman kong nagsisinungaling ka, agad kong ilalabas ang baho mo"

sabi ni Mai.

I know Mai. I know
••••

Its been 5 days ng paghahanap pero ni anino ni Charmaine wala. Lahat sa kanya nag aalala na. Ipinagdasal na rin namin ang kaligtasan nya.

Charmaine kamusta ka na? Ok ka lang ba? May kinakain ka ba dyan? Charmaine bumalik ka na. Nag aalala na ang buong section 13

End of Chapter 3- THE NUMBER 26

A/N HEY GUYS THANK YOU FOR MORE THAN 100+ READS.

THE LAST SECTION (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon