14-WELCOME TO 13TH DOOR

1.8K 59 3
                                    

Richelle's PoV

"Magandang umaga. Ako si Chrystal. Sana maayos ang maging relasyon natin dito"
Wika nung babaeng maputi

Sunod namang nagsalita ang babaeng mahaba ang buhok. Kayumanggi ang balat at nakasalamin.

"Hi ako si Irish! Sana maging magkaibigan tayo!" Pacute na Sabi ng babaeng Ito. Nakakainis ah! Hindi naman sya cute.

"Uhhm. Hi ako si Jaynyrd" nahihiyang pakilala ng lalaking nakacap

"Hello ako si Jomar at Yung katabi ko ay si James. Magkapatid Kami" Sabi nung lalaking matangkad na may hitsura. Pinakilala nya Rin Yung kapatid nyang mukhang koryano pero mukhang snob.

"Ako si Chris" tipid na Sabi ng lalaking Naka itim na jacket

"Ahh hi ako si Adrian kamusta kayo?" Sabi ng lalaking mukhang.......... madumihin. Alam nyo na yun.

At pinaupo sila ng adviser namin sa pinakalikod. Tabi tabi

Malas ng pitong Ito. Makakasaksi sila ng mga karumal dumal na pagpatay.

Lahat ay tahimik Lang at pinakikiramdaman ang pito. Kahit sila nakikiramdam Rin sa amin.

"Okay, so sa dorm ay makakasama nyo ang pitong batang ito. Si Chrystal sa 13-D . Si Irish sa 13-A Jaynyrd at Chris sa 13-G  Jomar at James sa 13-F at Adrian pagkasyahin mo nalang ang sarili mo sa 13-B"
•••••

Natapos na ang klase at nagkakatuwaan na sila.  Nakikipag-usap na sila sa mga nakilala nila sa silid. Pwera sa ISA

Si Chrystal

Kanina ko pa sya pinagmamasdan. Nakatingin lang sya sa amin. Parang iniisa isa ang hitsura namin. Kinakabisado kami isa isa.

Nagulat nalang ako ng tumingin sya sa direksyon ko at ngumiti. Somehow, may napi feel akong kakaiba. Parang ang tagal na naming magkakilala ni Chrystal. Di ko alam kung ako lang ang nakakaramdam nito eh.

Muli kong binalik ang tingin ko sa harap. Napansin ko si Gwen na nakatingin din sa Chrystal na iyon. Siguro nararamdaman nya rin.

Maxin's PoV

Natapos na ang kasiyahan sa classroom at nakilala na rin namin ang mga bagong salta.

Makakasama rin namin sila sa dorm. Sa amin si Chrystal. Ako ang sumama sa kanya na kunin ang ibang gamit niya sa van.

"Uhhm ako nga pala si Maxin" sabi ko pero hindi nya ako sinasagot. Inaayos nya lang yung isa nyang bag.

"Diba sa Living Blue Academy kayo? Bakit dito kayo dinala ng school nyo?"usisa kong tanong sa kanya habang sinasara nya ang pinto ng van

"Ewan. Siguro dahil sister school sila"

"Sister school?"

"Oo ang may ari nitong Pontabella High ay may ari rin ng Living Blue Academy"

Bakit Hindi namin alam iyon?

"So, may alam kayo sa nangyayare sa school na to diba? Specifically sa room 13?"

"Sila, wala"

"What do you mean?"

Ngumiti lang sya ng tipid sa akin at di sinagot ang katanungan ko

"So, tara na?" sabi nito. Nagyayayang umalis at pag-iiba ng usapan

Tumango ako at nagsimula na akong maglakad, nakasunod sya sa akin. Tama nga ang hinala ko, may kakaiba talaga sa babaeng ito. Pakiramdam ko, kilalang kilala nya ako hanggang ang kaluluwa ko.

THE LAST SECTION (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon