Part XII

41 3 0
                                    

"Sa una masaya lang pero kalakip ng lahat ng saya ay may sakit at lungkot ang nakaabang"

Sean POV

Pagkarating ko sa bahay ay sobrang saya ko. Kami ng taong mahal ko at take note bestfriend ko pa. Paakyat na ako ng harangan ako ni Manang.

"Iho pinapatawag ka ng daddy mo sa office nya"

"Ay sige po Manang"

Umakyat ako papunta sa office ni daddy. Minsan lang sya umuwi ng bahay eh. Siguro business na naman ito.

Tok! tok! Tok!

Narinig ko sya nagsalita ng "come in" Pumasok na ako.

"Dad ipinapatawag mo daw po ako?"

"Yes Sean. May mahalaga tayong pag-uusapan."

Umupo ako sa chair na kaharap nya. Workaholic Dad. Si Mom ay isang cardiologist. Pero kahit busy sya ay naiintindihan ko sila dahil alam kong para sa akin ito.

"Gusto makipag-merge ng kumpare ko. At malaki ang maitutulong sa atin nito"

"Yun naman pala Dad eh. Matutuwa si Mom nito. Alam na ba nya? Pumayag ka na ba?"

Hinihintay ko sya magsalita. Kinakabahan ako. Di ko alam kung bakit. At ng narinig ko ang katagang nakapagpaluha sa akin.

"Kailangan mo pakasalan ang anak nila. Si Ashley. Alam ng magulang nila na matagal ka na gusto ng anak nila"

"Ano ba Dad, hindi pwede kasi kami na ni Kzyeinne. Mahal ko sya. Kapatid lang ang turing ko kay Ash eh."

"Wala tayong magagawa yun ang gusto nila. At saka para sa kompanya natin. Malaki maitutulong nila sa atin"

Napabuntong-hininga ako. Ayoko sya saktan. Mahal ko si Kzyeinne. Pero mapapahamak ang kompanya na matagal na nila pinagtrabahuhan.

"Pag-isipan mo. Pagkatapos ng year na ito ay aalis kayo papuntang Germany ni Ashley, doon na kayo magtatapos ng college."

Umalis na ako. Nanlulumo ako sa narinig ko. Sana panaginip na lang ito.

GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon