Part XXI

52 3 0
                                    

Katherine's POV (Alley's Mom)

Naiiyak ako sa sinapit ng anak ko. Tinawagan ako ni Andrew about sa nangyari. Bakit sa kany pa nangyari ang lahat ng ito. Napakabait ng anak ko. Naalala ko yung sinabi ng Doctor.

Flashback**

Tinawagan kami ni Andrew dahil nga kamuntikan na mabangga si Alley. Nahimatay sya at nakapreno agad ang driver. Yun ang sabi ni Andrew. Nasa E.R pa sya ngayon. Kanina pa kami nag-iintay.

"Sino ang kamag-anak ni Ms. Real?"

"Kami po. Ano po ang lagay nya?"

"Kailangan nyo na po makahanap ng donor nya. Nahihirapan na po sya huminga. Inatake na naman sya. May nangyari ba sa kanya na ikinadahilan ng pag-atake ng sakit nya?"

Umimik si Andrew.

"Emotionally po. Niloko po sya ni Sean. Engage na pala sila ni Ashley Balmaceda 4 months ago. Tapos monthsarry nila ngayon sinurpresa ni Alley si Sean pero sya ang nasorpresa sa nalaman nya"

"Oh god! Ang anak ko, bakit ba nararanasan nya ang lahat ng ito? Huhuhu"

"Hon, magpakatatag ka para sa anak natin. Alam ko na malalagpasan nya ito. Matapang na bata sya"

"May 1 week po kayo para maghanap ng donor. Lumalaki ang butas ng puso nya at madalas na rin ang atakihin sya. Iwasan nyo na mapagod sya. Malungkot ng sobra, sumaya ng sobra o ano pa. Baka ito ang mag-trigger na lumala ang sakit nya. Excuse me"

At ikinwento ni Andrew ang buong pangyayari.

End of flashback**

Nakahiga pa rin ang anak ko. 2 araw syang tulog. Palitan kami ni Andrew. Kung wala syang sakit edi sana tapos na nya ang 2nd year sa isang araw. Di alam ng lahat ang kalagayan nya. Kami lang na kapamilya nya at si Dra. Dela Cruz.

"Hayy anak gumising ka na. Tatagan mo kasi hinihintay ka ni Mommy at Daddy. We love you. Lalaban ka ha. Wag mo kami iiwan"

Tumulo ang luha ko. God, please iligtas mo po ang anak ko.

Sean POV
Pumasok ako ng school. Dahil patapos na ang taon. Malapit na rin kami umalis. Kamusta na kaya si Zyeinne? Okay lang kaya sya. Tsk parang tanga ako na tinatanong ang sarili eh malamang ay hindi. Nilibot ko ang tingin ko. Di ko sya makita.

"Miss pumasok ba si Kzyeinne?"

"Ay Sean, di mo ba alam. Matagal na syang di pumasok. Pumunta ang magulang nya kahapon. Kinausap lahat ng teacher."

"Bakit daw? Eh di ba madami kayong requirements na kailangan matapos?"

"Ah si Andrew na nag-aasikaso ng lahat. Di din namin alam ang dahilan eh"

"Salamat"

Bakit kaya? Ano nangyari? Nasan ka na ba Zyeinne? Sana okay ka lang

GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon